CHAPTER THIRTY-FOUR

71 7 0
                                    

CHAPTER THIRTY-FOUR: Revelations

Huminga ako ng malalim at bumalik ako sa loob. Wala na rin doon si Pierre. Nang makita ako ni Caspian ay agad siyang lumapit sa akin.

"Anong nangyari? Bakit biglang umalis si Pierre? Kasama pa niya sina Aria at Harry. May alam ka ba?" sunod sunod na tanong nito.

"Silang tatlo," saad ko.

"Silang tatlo? Ang alin?" mukhang hindi niya nakuha ang ibig kong sabihin.

Bumuntong hininga ako bago nagsalita. "Silang tatlo ang tinutukoy ni Antonio sa sulat. Silang tatlo ang mga taksil, at pareho silang konektado sa reyna."

"Ibig mong sabihin, kadugo ng reyna ang dalawang iyon? Si Aria at Harry?" singit ni Serene. Lumapit narin si Amanda at Shaina sa amin at nakinig sa pinag-uusapan namin.

"Oo, iyon ang sinabi nila. Siguro nama'y hindi na sila magsisinungaling parte doon dahil pare-pareho din naman ang tunog ng pangalan nila," sagot ko.

"Kung gayon, kaano-ano sila?" tanong naman ni Shaina.

"Magkapatid," walang pag-alinlangang tugon ko naman. Kailangan nilang malaman ang katotohanang ito, na kinakasama namin ang may dumadaloy na dugong demonyo.

"Magkapatid?! 'Yong pareho ng ina at ama?" di makapaniwalang tanong ni Shaina.

"Aba malamang, kailan ka naman makakakita ng magkapatid na iba ang ina at ama?" sarkastikong tugon naman ni Amanda. "Nga pala maestro Jacques, nagpaalam kanina ang inyong ama na uuwi na. Ang sabi niya ay kapag kinakailangan niyo raw ng tulong ay 'wag kayong mag-atubiling lumapit sa kaniya."

Pshh... Hindi man lang siya nagpaalam sa akin ng maayos. Maihahatid ko pa sana siya at saka may gusto pa akong itanong sa kaniya eh!

"Mag-impake muna kayo, kahit kunting damit lang...maglalakbay tayo pabalik sa Magea. Kailangan kong maka-usap 'yong manggagamot pati na rin si ama," utos ko sa kanila.

"Ngunit may klase na kami ulit sa susunod na araw. Kailangan naming pumasok dahil baka hindi kami makapasa at--"

Pinutol ko na ang sasabihin sana ni Shaina, "Ako na ang bahala doon. Kailangan natin itong gawin dahil kailangan nating itakas si Antonio."

"Hindi ba't delikado ang pagtakas kay Antonio? Kung maghihintay nalang kaya tayo sa tamang panahon? Siguro naman ay hindi siya papatayin ng reyna," ani Amanda.

"Hindi..." napatingin kaming lahat kay Serene. "Hindi natin pwedeng patagalin ang pagtakas kay Antonio. Tama ang pasya ni Jacques. Kahit mapanganib ay kailangan nating subukan. Mas mapanganib ang buhay ni Antonio kung hindi natin siya itatakas dahil kaya siyang patayin ng reyna kahit anong oras niya gusto."

"Kung ganoon, bakit pa tayo sasali sa problema ng batang iyon? Kung itatakas natin siya ay hindi lang siya ang manganganib kun'di pati tayo!" utas naman ni Caspian.

"Tama ho si maestro Caspian, masyadong mapanganib. Ngunit kung ipipilit niyo man, kailangan namin ng mabigat na dahilan. Bakit namin tutulungan si Antonio?" tanong ni Shaina. Nanatili namang tahimik si Amanda sa tabi ni Serene.

Sasabihin ko ba sa kanila ang totoong pagkatao ni Antonio? Ngunit baka hindi sila maniwala. At masyadong mapanganib sa kanila kapag malaman nila dahil papatayin din sila ng reyna. Ngunit mukhang kailangan ko na talagang sabihin sa kanila. Para rin ito sa 'yo, Antonio.

"Dahil isa siyang Lutherking!/ Dahil siya ang nawawalang prinsepe!" sabay naming utas ni Serene. Oo nga pala, kilala ni Serene si Dylan noon pa man.

Nagulat silang tatlo. Hindi magawang makapagsalita si Shaina. Pati si Amanda'y bahagyang lumaki ang mga mata.

"I-ibig mong sabihin...si Antonio ay si Dylan Horton Lutherking? Ang tagapagmana?" hindi makapaniwalang tanong ni Caspian sa akin. Tumango na lang ako sa kaniya bilang sagot. "Ang galing niyang magtago ng sekreto ah!"

PRINCE OF ETHIOPA: The Rag PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon