CHAPTER THIRTY-EIGHT: Magical Strangers
"Sino kayo?"
Mahinang napatawa si Supremo at lumapit sa kanila. Wala akong nagawa kun'di ang lumapit narin. Nang magkaharap na kaming lahat ay agad silang yumuko bilang paggalang kay Supremo.
"Maupo na kayo,"saad ni Supremo at ikinumpas ang kamay niya sa ere at bigla nalang may mga upuang yari sa kahoy ang nagsilitawan. Nagsiupuan na kaming lahat ngunit may dalawang upuan na bakante. Anim lang naman kami ah, bakit walo ang upuan?
"Nasaan si Darphis?"tanong ni Supremo sa kanila. Sa halip na sumagot ay nagsiyukuan sila. Yumuko din si Supremo kaya nagtaka ako kung ano ang tinitingnan nila. Yumuko rin ako at laking gulat ko ng may nakita akong maliit na nilalang sa lupa. Napakurap pa ako ng ilang beses. Hindi ito si Lynx dahil lalaki ito.
Napatawa nalang si Supremo at napailing nalang. Pumitik siya ng isang beses at agad na nagbalik sa sukat nito ang lalaki. Hindi ito katangkaran kung tatantyahin ay nasa beywang ko ang sukat nito.
"Nasaan si Lynx at ng mapisa ko 'yon! Lintek na pixie at naunahan pa talaga ako,"pagtatalak nito. Natawa nalang ang iba ngunit hindi ko magawang matawa kahit nakakatawa ang itsura nito dahil sa pagka-irita. "Kapag talaga makita ko ang pixie na 'yon ay--"
"Hinahamon mo ba ako?" Napatingala ako sa pinanggalingan ng boses. Si Lynx! "Baka nakalimutan mong sa kahit anong laban ay palagi kitang natatalo,"paghahambog nito.
"Tama na nga 'yan. Kayong dalawa," sabay na napatingin sina Darphis at Lynx kay Supremo. "Maupo na kayo."
Walang nagawa ang dalawa kun'di ang maupo na lamang. Tumayo si Supremo at pumunta sa gitna. Nakabilog kasi ang pagkalagay ng upuan.
"Alam niyo naman siguro kung bakit ko kayo pinatawag 'di ba?" Nagsitanguan silang lahat maliban sa akin. Eh sa hindi ako sinabihan ni Supremo kung ano ang gagawin namin dito.
"Nais kong ipakilala sa inyo si Dylan Horton Lutherking, ang kapayapaan at kalayaan." Pakilala ni Supremo sa akin. Yumuko ako sa kanila at pagkatapos ay nagtaas din ng ulo.
"Columbus," sabay na saad nila at sabay ring yumuko sa harapan ko. Naguguluhan ako, sino ba si Columbus at bakit sa akin sila nagbigay galang eh 'di naman ako si Columbus. Hindi ko nga kilala kung sino 'yon.
"Magpakilala na kayo,"saad ni Supremo kaya agad silang umayos ng tayo.
Naunang tumayo ang lalaking may dalang staff na may buwan, araw at tatlong bituin sa ibabaw ng staff. "Ako si Corvus, nagmula sa Northus. Isa akong mage at ito ang permanenteng gamit ko sa pakikipaglaban."
Tumango lang ako sa kaniya. Sumunod na nagsalita ang lalaking may mataas na tainga at may dala-dalang palaso at pana.
"Ako si Sylfer, isa akong elf na nagmula sa Westeria."
"Ako naman si Andora na nagmula sa Southenia,"magiliw na pakilala ng babaeng may kakaibang sombrero. Kulay itim na sombrerong pataas. May dala itong maliit na kahoy at libro. "Isa akong witch!"
"Ako naman si Cassiopeia na nagmula sa Eastville, isang fairy." Iyon lang ang sinabi ng babaeng may dalang wand. Pero mas colorful ito kaysa kay Andora.
"Ako naman si Darphis!"saad ng lalaking maliit. Totoo naman kasing maliit siya. "Isa akong dwarf at ako ang namamahala sa Guaden!" Napatango-tango ako. Kaya pala, kasi isa siyang dwarf!
"Ako naman si Lynx, ang tagapamahala ng Pyxian. Kaming mga pixie ang magsisilbing gabay ng lahat."
Ngumiti lang ako sa kanila. Isang malaking hilaw na ngiti. Sabay silang umupo lahat.
BINABASA MO ANG
PRINCE OF ETHIOPA: The Rag Prince
Fantasy(COMPLETED: Sep. 30, 2020) ETHIOPA Ang mundo ni Dylan Horton Lutherking. Ang naiwang trono nang kaniyang ama ay ninakaw nang kaniyang pangalawang ina. Subalit wala itong bahid nang dugo nang mga hari. Malulunod sa kasakiman ang Ethiopang itinayo ni...