CHAPTER THIRTY-TWO

35 9 0
                                    

CHAPTER THIRTY-TWO: Visitor

"Cornelius?" bulalas ko. "Terriosso C., Terriosso Cornelius?" wala sa sariling utas ko.

"Oo ako 'yon. Ginamit ko ang pagkakataon noong nandito ako para manmanan ang mga kilos ng reyna. At tama nga ang hinala ko, siya ang may pakana ng lahat ng ito," saad niya.

Hindi ako makapaniwala. Paanong nangyaring siya si Cornelius, na dating pinaghihinalaan ko?

"Paano kita mapag-kakatiwalaan kung noon pa ma'y pinaghihinalaan kita?"

Napatawa siya sa sinabi ko. "Hindi ka nagtiwala sa akin, tapos sasabihin mong pinaghihinalaan mo ako? Sinong matino ang magsasabi niyan? At sa harap pa talaga ng taong pinaghihinalaan mo? Hahaha!"

Naloko na! Mukhang may sayad din ang isang 'to. Wala akong imik sa kaniya. Hinintay kong matapos siyang tumawa. Nang makita niya akong walang imik at seryosong tumingin sa kaniya ay napatigil siya sa pag-tawa.

Tumikhim muna siya bago nag-salita. "Noong isang araw, may biglang dumalaw sa akin. Ewan ko lang kung namamalik-mata lang ba ako o nakita ko ba talaga siya. Nagpakita sa akin, ang diyosang naggawa at nagbabantay ng lupain na ito. Ang lupain ng Ethiopa, si Serafeim. Tinanong ko siya kung ano ang kailangan niya at sinagot din naman niya ako. Ang sabi niya ay may isang binatang pupunta at hihingin ang importanteng bagay dito sa Magea at alam mo kung ano 'yon. Ibigay mo ito sa kaniya dahil nangangailangan ang kinakapatid nito na siyang tagapag-ligtas. At pagkatapos noon ay bigla nalang siyang nawala. Kaya hindi ako noon naniwala, hanggang sa dumating ang araw na may magnanakaw na pumasok at ang crest ang puntirya niya kaya alam ko na agad na nagkatotoo ang sinabi ni Serafeim. At sa walang pagdadalawang-isip ay ibinigay ko sa magnanakaw ang crest, ibinigay ko kay Jacques at alam kong ikaw ang nilagyan ng crest...mahal na prinsepe, Dylan Horton Lutherking."

Nanlaki ang mga mata ko sa kwento niya. "Alam mo?"

Tumango siya bilang sagot, "Oo. Alam ko, alam ko lahat."

Umiwas ako ng tingin kasi may alam siya. Alam niyang hindi ako nagtagumpay at nandito ako ngayon. Sa loob ng seldang madilim at mabaho.

"Pasensya kana, ngunit mukhang hindi ko magawa ang responsibilidad ko bilang prinsepe," tanging sabi ko nalang. Mukhang hindi ko yata kaya. Gaya ng sinabi ni Nero, may matataas na rango ang mga kalaban ko.

Ngumiti siya sa akin. Sa ngiting iyon ay bigla ko nalang namiss ang amang hari. "Alam ko namang ginawa mo lahat. 'Wag kang mag-alala, sa mga oras na ito ay mapagkakatiwalaan mo ako. At 'wag mo sanang sisihin ang sarili mo sa mga pangyayari. At 'wag mo ring iuwi ang sakripisyo ng ibang tao sa wala."

Yumuko ako. "Alam ko. Pero mukhang mahihirapan ako, ayaw ko rin namang mawala ang lahat. Sinimulan nila kaya ako na ang tatapos."

Mahina naman siyang tumawa, "Mabuti kung ganoon ang pananaw mo. Pero wag ka muna magpakampante dahil matapos ang isa ay may susulbong na naman na isa."

Kunot-noo ko siyang tiningnan. "Anong ibig mong sabihin?"

"Bata mag-iingat ka lang at lagi mong tandaan, hindi lahat ng kaibigan mo at malalapit sa 'yo ay tunay sa iyo. Minsan sila pa ang siyang tutulak sa 'yo patungo sa daan kung saan hindi ka na makakabalik pa," ani Terriosso.

Huminga ako ng malalim. Hindi ko siya maintindihan. "Masyado kang matalinhaga kung mag-salita."

Hindi na kami nag salita pa. Tahimik lamang kami hanggang sa binasag niya ang katahimikan. "Mananatili muna ako dito ng ilang araw. At sa ilang araw na iyon ay magmamanman din ako. Pupuntahan ko rin sila Jacques ngunit 'wag mong sabihin ang nalalaman mo tungkol sa akin," paalala niya na tinanguan ko naman.

PRINCE OF ETHIOPA: The Rag PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon