CHAPTER TWENTY-ONE: Head of Sins
Natapos ang kanilang pagkain at tumayo si Jacques. Nakatutok lahat sa kaniya at naghihintay sa sasabihin nito.
Walang ekspresyon na nagsalita si Jacques, "Gaya nang napag-usapan ay ngayon ang pagtatanghal kung sino ang magiging leader nang grupo na makakasali sa GOLD. Nakakuha siya nang 132 puntos habang ang dalawa naman ay pareho ang puntos, 130."
Nanatiling tahimik ang buong breakfast hall. Walang nagsalita dahil nakikinig silang lahat nang mabuti.
Nagsalitang muli si Jacques, "Sana'y gampanan mo ang iyong tungkulin bilang isang leader. Ikaw ang leader nang grupo..... Amanda Caterson."
Napasinghap si Amanda sa kaniyang narinig. Nahulog pa nga ang kaniyang kubyertos dahil sa gulat. Napatingin ang mga estudyante sa kaniya. Minataan narin siya nang Enchanted Trio at nang kaniyang kasamahan sa grupo. Dahandahan siyang tumayo at napakamot nalang sa ulo. Pinalakpakan soya nang lahat.
Linapitan siya ni Aria at niyakap. "Hindi ko akalaing babae ang magiging leader. Sana'y ituwid mo ang daan nang grupo at maging gabayan ka sa kanila," sabi pa nito. Tumango si Amanda bilang pagsang-ayon kay Aria. Bumitaw na si Aria sa pagyakap at bumalik sa inuupuan niya.
Ngumiti sa kaniya ang mga kasamahan niya kaya sinuklian din niya ito nang ngiti. Natapos ang pangyayaring iyon ay pumunta na sa kaniyakaniya klase ang mga estudyante habang ang pito naman ay pumunta sa kanilang silid kung saan ang pag-eensayo ang kanilang kailangan pagtuonan nang pansin.
"Ngayon ay magbibigay ako nang sitwasyon at ang gagawin niyo ay plano at tactic niyo para malutas ang sitwasyon na iyon. Bibigyan ko lang kayo nang isang minuto at kapag sinabi ko na tapos, ay tapos na talaga. Ipapaliwanag niyo sa akin ang planong nagawa niyo, isaisa." turan ni Aria.
Binigyan niya nang tig-iisang papel ang pito. "Pareho lang kayong lahat nang sitwasyon. Magpapakitang gilas kayo sa bilis at kung paano niyo ipaliwanag ang inyong plano," anito.
Binasa nang pito ang papel. At ang nakasulat doon ay:
May misyon kayong pasukin ang isang lumang warehouse para sagipin ang mga inosenteng bihag nang mga terorista. Paano niyo maisasagawa ang misyon kung hindi niyo alam ang pasikot-sikot sa loob nang warehouse?
"Sa pagbilang ko nang tatlo ay magsimula na kayo. Isa... Dalawa... Tatlo..." Parehong nakayuko ang pito at nagsusulat.
Makalipas ang isang minuto, "Tapos!" nagulat ang pito sa lakas nang boses ni Aria. "Ipasa niyo sa akin ang mga planong naisulat niyo at magbubunit ako nang pangalan na siyang unang magbabasa nang plano niya at ipaliwanag."
Pinasa nang pito ang kanilang papel. Wala naman silang problema dahil alam nilang naaayon sa sitwasyon ang kanilang plano nagawa. Gaya nang sabi ni Aria ay nagbunot siya nang pangalan.
"Ikaw ang mauuna...."
***
"Hindi paba nagkamalay si Antonio?" nag-aalalang tanong ni Serene nang makapasok siya sa silid kung saan tumutuloy at nagpapahinga si Antonio. Umiling si Jacques. Hindi na nagtanong pang muli si Serene dahil alam niyang wala si Jacques sa sarili. Linagay ni Serene ang dala niyang pagkain sa mesa.
BINABASA MO ANG
PRINCE OF ETHIOPA: The Rag Prince
Fantasia(COMPLETED: Sep. 30, 2020) ETHIOPA Ang mundo ni Dylan Horton Lutherking. Ang naiwang trono nang kaniyang ama ay ninakaw nang kaniyang pangalawang ina. Subalit wala itong bahid nang dugo nang mga hari. Malulunod sa kasakiman ang Ethiopang itinayo ni...