CHAPTER THIRTY-SEVEN

36 8 0
                                    

CHAPTER THIRTY-SEVEN: Blessed by the Gods

Dylan's POV

Hindi ko alam kung kailan ako mananatili sa lugar na tinatahak ko ngayon. Akalain mo namang kanina pa ako naglalakad paikot-ikot sa puro puting kwarto na ito. Walang kagamit gamit sa loob. Walang pintuan na pwede kung gamitin para makalabas.

Napaluhod ako bigla ng may narinig akong boses sa loob ng ulo ko. "Nagbalik ka, Columbus."

Paulit-ulit itong nagsalita pero pareho lang naman ang katagang binibitawan nito ang kaibahan lang ay ang boses nito. Mariin akong napapikit dahil sa sakit ng ulo ko para itong binibiyak. Nahihirapan narin akong huminga. Pilit kong hinahagilap ang hangin ngunit wala.

"Tama na...hindi ko na kaya," bulong ko. Sa isang iglap lang ay biglang nawala ang sakit sa ulo ko. Nakahinga narin ako ng maluwag. Bago ako nagmulat ay dinamdam ko muna ang malamig na simoy na hangin. Iyong lamig na tila nawawala lahat ng sakit sa aking katawan at ibinalik nito ang lakas ko.

Iminulat ko na ang mata ko at talagang nagulat ako sa nakita. Nasa loob ako ng isang malaking selyo. Nasa gitna ako ng selyong kapareho ng nasa likod ko.

Hindi ko alam kung ano at bakit ang daming mga Diyos at Diyosang nakapalibot sa selyo. Sina Supremo, Lifeania, Deatherio, Serafeim at si Naiah ang nakatayo sa loob ng selyo habang ang iba ay nanonood lang. Pareho silang nakapikit. Nagtataka ako kung anong mayroon.

Sabay-sabay silang nag-mulat ng mata. Tiningnan ko si Serafeim at tinanong ko siya sa pamamagitan ng titig. Tinanguan niya ako at pumitik ng isang beses kaya nabaling sa kaniya ang atensyon ng lahat.

"Ngayon ang nakatakdang pagbabasbas sa tagapagmana ng trono ng Ethiopa at tagapagmana ng kapangyarihan ng kapayapaan at kalayaan. Ngayon magsisilbi tayong gabay sa kaniya para mananatili siyang naaayon sa mabuting gawain,"anito. Kung ganoon, ngayon na ang pagbabasbas kaya pala nasa gitna ako ng selyo at hinintay nalang nila na magising.

Nagpatuloy sa pagsalita si Serafeim, "Sa halip ng Makapangyarihang Diyos ay nandito si Supremo, ang pinagkakatiwalaan ng ating Diyos para sa paggawa ng ritwal. Simulan na natin."

Lumipad pataas si Serafeim at tumungo sa itaas ko. Tumingala siya ngunit ang kaniyang mga kamay ay nakalahad pababa, patungo sa akin. Hindi ko alam pero naramdaman kong kailangan kong pumikit kaya pumikit ako. Nagsimula na nga ang ritwal at ang nangunguna ay si Serafeim.

"Riphuros from the East, with thy green eyes. I bestowed upon thee by the power of earth, I summon thee!" Napadaing ako ng may maramdaman akong kirot sa katawan ko pero panandalian lamang ito at nakaramdam ako ng lamig at isang malakas na enerhiyang dumaloy sa akin. Pagkatapos ay sunod-sunod ng bumigkas si Serafeim.

"Aerosoull from the west, with thy gray eyes. I bestowed upon thee by the power of air, I summon thee!"

"Guiffier from the North, with thy red eyes. I bestowed upon thee by the power of fire, I summon thee!"

"Crystallion from the South, with thy blue eyes. I bestowed upon thee by the power of water, I summon thee!"

Parehong pakiramdam ang aking nararamdaman sa tuwing matapos masummon ni Serafeim ang mga mythical creatures. Nakahinga na ako ng maluwag at dahan-dahang iminulat ang mga mata. Tumingala ako at doon ko nakita si Serafeim na nasa gitna habang ang mga creatures ay nasa designated area nila.

Nabaling ang atensyon ko ng magsalita si Deatherio. Akala ko ba tapos na!

"Upon calling unto the mighty one, let the strength of death guides Columbus to the land of promise. I bestowed upon the power of fire that'll lead into enormous rage when seeked. Control the rage of thy fire and thee shall not be chained." Matapos sabihin ni Deatherio iyon ay inilahad niya ang kamay sa isang paa ng bituing may apat na paa lang. Nasa bandang north ito. Ang ibang mga Diyos at Diyosa naman ay lumapit sa kaniya at naghawak-hawak sila ng balikat hanggang kay Deatherio. Pumikit si Deatherio pagkatapos ay dumaloy ang pulang kulay mula sa palad ni Deatherio patungo sa aking pwesto.

PRINCE OF ETHIOPA: The Rag PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon