CHAPTER THIRTY-SIX

34 9 0
                                    

CHAPTER THIRTY-SIX: Escape

Nakahanda na ang lahat na kakailanganin namin. Naibigay narin ng mga grupo ang magiging stratehiya nila na pinaboran ko naman. Kaya ang hinihintay nalang namin ay ang oras ng pagsalakay.

Tahimik lang ang lahat ng biglaang lumapit si Aera.

"Ayos ka lang?" pangungumusta nito. Ngumiti lang ako ng tipid sa kaniya. Kung iisipin ay hindi parin maayos ang kalagayan ko. Pero ayaw kong ipa-alam sa kanila at baka mag-alala pa sila. Ako 'yong pinuno kaya hindi dapat ako nagpapa-apekto.

"May kailangan ka?"tanong ko nalang sa kaniya. Tumango siya sa akin. "Ano iyon?"

"Nasa labas ang iyong ama. Hinahanap ka niya tila may importante siyang sasabihin sa iyo," sagot nito. Tumango lang ako at tinungo ang tunnel patungo sa labas.

Nang nasa labas na ako ay nakita ko ang aking ama. Ngumiti siya sa akin, tinanguan ko lamang siya at iginiya patungo sa maliit na kubo. Hindi madaling mahanao ang lugar na ito kung sakali man dahil nasa gitna ito ng masukal na gubat at kung tutuusin maraming mga mababangis na hayop ang naninirahan dito.

Nang makapasok kami ay agad ko siyang pina-upo at naupo narin ako.

"Nabalitaan ko ang nangyari kay Serene. Kawawang bata," saad nito. Hindi ako kumibo, iniisip ko na naman ang mga lintanyang iniwan ni Serene na siyang tumatagos sa aking puso.

"Pasensya ka na't hindi ako nakapunta dito agad at hindi ko man lang siya nagamot. May biglaan kasing nangyari,"saad nito.

Napitingin ako sa kaniya. Anong biglang nangyari? May nangyari bang masama?

"Biglaang ano?"tanong ko sa kaniya. Napakunot ang noo ko ng inabot niya sa akin ang isang sobre. Tinanggap ko iyon at sinuri. Nang makita ko ang selyo ng Ethiopa ay alam ko na agad na galing ito sa tagasalita ng reyna.

"Ano 'to?"tanong ko habang sinusuri parin. Wala akong balak buksan iyon lalo na't alam kong hindi kaaya-aya ang nakasulat dito.

"Imbutasyon,"napatigil ako sa pagsusuri. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya, para saan naman ang imbitasyon na ito? "Basahin mo para malaman mo kung para saan ang imbitasyon na iyan," puna nito.

Wala akong magawa kun'di ang buksan ang sobre at basahin ito. Kinuha ko ang sulat na nakaloob doon at sinimulan itong basahin.

Mula sa Kahariang Ethiopa...

Ikaw ay imbitado para masaksihan ang paglilitis na magaganap ngayong alas dos ng hapon. Ang paglilitis na ito ay magaganap sa courtroom ng reyna at ang lilitisin ay si Antonio Cartridge na mula sa mababang antas na pamilya sapagkat siya'y nagkasala sa pagpatay kay Prinsipe Kielle Kingsley.

Ang iyong presensya ay higit na kinakailangan. Sana'y paunlakan mo ang aming imbitasyon.

Sumasaiyo,

Joseph Alves
Tagasalita ng Reyna

Napakuyom ako sa aking kamao. "Pupunta kayo?"tanong ko sa kaniya.

Tumango siya, "Kailangan."

"'Wag kayong pumunta. Bakit pa sila nagpaganap ng paglilitis kung papatayin din naman nila ang tao pagkatapos,"kontra ko.

PRINCE OF ETHIOPA: The Rag PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon