CHAPTER NINETEEN: The Seventh
Nanatili si Jacques sa silid kung saan niya itinuloy si Antonio. Nagbabantay lang siya sa binatang tinuring niyang kapatid. Tapos na niyang gamutin ang sugat ni Antonio at alam niyang magiging maayos din ito. Malaki ang tiwala niya sa binata at alam niyang kakayanin ni Antonio ang lahat nang ito.
Marami ang naglalarong katanungan sa kaniyang isipan ngayon. Nakikita kasi niya ang hindi niya akalaing makikita niya. Ang pag-iiba nang kulay nang mata ni Antonio. Mula sa pagiging itim nito ay minsan niya itong nakitang naging berde saka bumalik sa itim nitong kulay. At ngayon naman ay asul na kulay na naman ang nakikita niya. Ngunit hindi ito permanente. Kaya maraming katanungan ang nasa kaniyang isipan.
Napatigil siya sa pag-iisip nang may biglang kumatok sa pinto.
"Bukas iyan, pasok," saad nito. Gaya nang sinabi niya ay pumasok nga ang taong iyon. Nasa harapan niya si Aria.
Minsa'y tumitingin ito kay Antonio. Napabuntong hininga nalang siya nang makita ang kalagayan nang binata. "Sa tingin mo ba kung ganito palagi ang mangyayari mananalo sila sa GOLD? Paano kasi, kapag may mangyayari sa binatang iyan ay mahihimatay ito at matagal pang magigising. Kung siya nga ang magiging ikapito dapat palakasin niya ang kaniyang sarili," seryosong saad ni Aria. Kahit hindi niya masyadong kilala ang binata ay naramdaman niyang espesyal ang taong ito kay Jacques sapagkat nagawa ni Jacques na bantayan ang isang estudyanteng ngayon lang niya nakilala.
Tumikhim muna si Jacques bago nagsalita, "Naniniwala ka ba sa mga istorya tungkol sa pag-iisa nang apat na mythical creatures?"
Nagtatakang tumingin si Aria kay Jacques. "Anong ibig mong sabihin?" tanong nito.
"Gaya nang nasa libro, kapag mangyayari ang pag-iisa nang apat na mythical creatures ay magkakaroon nang kapangyarihan ang tao o kung ano man ang mapipili nitong karapatdapat na maging sisidlan sa kanilang kapangyarihan," mahinahong sabi ni Jacques. Tumayo siya at pinulsuhan si Antonio. "Mabuti na ang kalagayan niya. Kapag magiging stable na ang pakiramdam niya ay saka natin siya hahasain kung paano mas panatilihing malakas siya. Pero sa ngayon ay dapat muna natin siyang intindihin sapagkat may mga pangyayaring hindi natin maipapaliwanag kapag hindi ito matatapos."
Naguguluhan parin si Aria sa mga sinasabi ni Jacques. Hindi niya mabatid kung ano ang mga iniisip nito at hindi niya maabot ang mga paghihinuha ni Jacques. "Bakit mo sinasabi sa akin ang lahat nang ito?" tanong ni Aria na ikinatigil ni Jacques sa kaniyang ginagawa.
Lumingon si Jacques kay Aria at ngumiti ito nang mapakla. "Gusto ko lang na malaman mo na walang masama kapag habaan nang isang tao ang kaniyang pasensya," banat nito na ikinakunot nang noo ni Aria. Sa halip na sumagot si Aria ay nanahimik na lamang siya. Ipinagpatuloy ni Jacques ang pagsusuri sa katawan ni Antonio. "Sana'y hindi mo mamasamain ang aking mga sinasabi. Sige na, pakisabi kay Serene na papuntahin dito at samahan mo na rin si Caspian sa silid kung saan gagawin ang eksperimento."
Tumango si Aria at ngumiti kay Jacques, "Sige, mauna na ako Jacques. Sasabihan ko na rin si Serene na dalhan ka nang pagkain dito." Lumabas na si Aria pagkatapos niya sabihin iyon. Kahit hindi niya pinakita kanina ay masyado siyang nakaramdam nang kaba. Ito ang palagi niyang naramdaman kapag makakasagutan niya si Jacques. Alam kasi niyang sa larangan nang pakikipag-usap ay mas lamang si Jacques. At hindi niya rin maitatago na lamang talaga si Jacques sa kanilang dalawa ni Caspian.
Gaya nang inutos ni Jacques ay nagtungo siya kung saan naroon si Serene at sinabihan itong papuntahin siya kung nasaan si Jacques at Antonio. Pagkatapos noon ay nagpunta siya sa silid eksperimento kung saan doon nila gaganapin ang kanilang proyektong pagsasaliksik nang mga bagaybagay gaya nalang nang putol na ulo na dinala ni Antonio.
BINABASA MO ANG
PRINCE OF ETHIOPA: The Rag Prince
Fantasía(COMPLETED: Sep. 30, 2020) ETHIOPA Ang mundo ni Dylan Horton Lutherking. Ang naiwang trono nang kaniyang ama ay ninakaw nang kaniyang pangalawang ina. Subalit wala itong bahid nang dugo nang mga hari. Malulunod sa kasakiman ang Ethiopang itinayo ni...