CHAPTER THIRTY: Shutdown
"Attention players! Malapit na magaganap ang shutdown. You only have 88 hours left before the countdown. Your timer starts in 3... 2... 1..."
Narinig ko pa ang mahinang pag-pitik ng orasan. Ang bilis naman ng larong ito. 88 hours, isa't kalahating araw nalang ang natitira bago mag countdown at pagkatapos non ay shutdown na.
Kailangan ko na talagang hanapin ang mga kasamahan ko. Dapat nasa gitna na sana kami ngayon, sa harap ng pintuan.
Kinonekta ko silang lahat sa isipan ko. Eto nalang ang tanging paraan ko para magkita kaming lahat. Isinali ko na si Harry, hindi namin dapat isisklab ang apoy na namamagitan sa amin sa nangyari.
"Nasaan kayo?"
Sumakit ang utak ko pagkatapos kong itanong iyon dahil maraming katanungan ang naging sagot sa simple kong tanong.
"NASAAN KAYO?!" sinadya ko talagang lakasan ang boses ko. Natahimik sila at nagsimula na namang mag-ingay. "Pwede ba, isa isa lang!"
"O...galit ka ba?" narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Harry pagkatapos niyang sabihin iyon. "Malapit na ako sa gitna, kasama ko ngayon si Pierre. Alam na niya ang nangyari kay Kielle, ngunit hindi natin alam kung sino ang pumatay kay Kielle. Diba, Antonio? Doon nalang tayo magkita sa gitna."
Napapikit nalang ako sa inis. Sige lang Harry, nanalo ka ngayon ngunit sisiguraduhin kong hindi ka na makakatikim ng pagkapanalo.
"Antonio malapit na kami sa bukana patungo sa gitna. Nagsama-sama kaming tatlo," boses ni Amanda.
"Sige... Sa gitna nalang tayo magkikita. Huwag kayong lalaban kung hindi kinakailangan. Mag-ingat kayo"
Matapos kong sabihin iyon ay agad kong pinutol ang koneksyon. Malapit narin ako sa gitna. Ngunit sa kasamaang palad ay nakasagupa ko pa ang taga Borneia, iyong Jeforr Guire. At kagaya ni Gylle, pareho silang nag-aasam ng kapangyarihan at makasarili!
Nang makita niya akong papalapit sa kinaroroonan niya ay tumawa siya ng malakas. Demonyo nga. Hinanda ko na ang sarili ko sa anumang atake niya. Ngunit hindi ito umatake, sa halip ay tumalikod ito at naglakad palayo.
Hindi ko na siya susundan pa. Ang importante para sa akin ngayon ay ang makarating sa gitna. Tumatakbo ang oras laya kailangan kong magmadali.
Ngunit hindi ko inaasahan ang pagdating ng babaeng ito. Dilainne Siell. Madali ko siyang nakilala dahil nahagip ko sa pala-pulsuhan niya ang puntos nito. 301.
BINABASA MO ANG
PRINCE OF ETHIOPA: The Rag Prince
Fantasy(COMPLETED: Sep. 30, 2020) ETHIOPA Ang mundo ni Dylan Horton Lutherking. Ang naiwang trono nang kaniyang ama ay ninakaw nang kaniyang pangalawang ina. Subalit wala itong bahid nang dugo nang mga hari. Malulunod sa kasakiman ang Ethiopang itinayo ni...