CHAPTER THIRTY-THREE: Traitors
Jacques POV:
"Suma langit sana ang kaluluwa mo, Nero." Ang huling sambit ni ama. Dahil isa siyang ermetanyo ay sa kaniya kami humingi ng tulong para mabigyan ng desenteng libing si Nero.
Tumututop na ang apoy sa bangkang linagyan namin ng bangkay ni Nero. Lumalaki ang apoy, umaalis narin ang ibang mga estudyanteng dumalo. Tumigil narin sa pag-iiyak sina Amanda at Shaina. Seryoso lang kaming tumitingin.
Bumaling ako sa kasamahan ko. Kunti nalang kami dito. Ako, si Caspian, si Serene, Aria, Pierre, Harry, Amanda, Shaina, si ama, at si Terriosso C. Nandito rin kanina si Froinnickus pero umalis narin siya kasi may importante daw siyang gagawin at pupuntahan.
Ibinalik ko ang tingin ko sa umaapoy pa na bangka. Hindi ko mapigilang isipin kung paano nakarating dito si Terriosso daladala ang bangkay ni Nero at isang sulat.
Nasa loob kami ng headquarters namin. Hindi pa rin ako makapaniwalang makitid ang utak ng reynang iyon. Hindi man lang binigyan ng pagkakataon na makapagpaliwanag si Antonio.
Nakita ko naman talaga ang nangyari. At alam kong walang kasalanan si Antonio. Sadyang dahil iyon sa isa nilang kasama, si Harry. Hindi makapagtitiwalaan ang batang iyon.
Nakatunganga lang kaming lahat. Hindi pa rin makapaniwala ang iba.
"Si Antonio ba talaga?" tanong ni Shaina.
Wala dito si Aria, Harry at Pierre. Hindi ko alam kung saan sila nagpunta.
"Hindi siya ang may kasalanan. Sadyang parte lamang iyon ng laro, at kung may sisisihin man...hindi si Antonio 'yon," sagot ni Serene sa kanila habang ginagamot ang sugat ni Amanda. Marami rin kasi itong natamo na sugat.
Tumingin si Amanda sa akin, "Maestro Jacques..." tawag nito. Dinapuan ko siya ng tingin. "...may naisip po ba kayong plano? Kailangan natin iligtas si Antonio mula sa kamay ng reyna."
BINABASA MO ANG
PRINCE OF ETHIOPA: The Rag Prince
Fantasy(COMPLETED: Sep. 30, 2020) ETHIOPA Ang mundo ni Dylan Horton Lutherking. Ang naiwang trono nang kaniyang ama ay ninakaw nang kaniyang pangalawang ina. Subalit wala itong bahid nang dugo nang mga hari. Malulunod sa kasakiman ang Ethiopang itinayo ni...