CHAPTER NINE: Distracted
Dumiritso kami sa opisina ni Froinnickus pagpasok namin. Tinitingnan kami nang mga ibang estudyante habang naglalakad kami kanina.
"Ang sabi niyo ay nakasagupa kayo nang Jousre at Feoise? Pati narin nang tauhan ni Black Mask?" tumango kami sa tinanong ni Froinnickus. Sinabi namin sa kaniya lahat dahil gusto niya daw malaman. Pero hindi ko sinali ang mga narinig ko noong nasa gubat ako. Dahil ayaw kong masyadong maniwala sa mga tao sa paligid ko. Ang tanging mapagkakatiwalaan ko ay walang iba kung di ay ang aking sarili lamang.
Tumango si Froinnickus, "Sana pala pinadalhan ko kayo nang mga sandata. Para naman hindi lang kayo takbo nang takbo." Tumawa sila nang mahina. Ako, tahimik lang na nakaupo na nakinig sa kanila.
Mukhang napansin yata ni Froinnickus ang pananahimik ko ay nagtanong siya. "May problema ba, Antonio?"
Tumingin ako kay Froinnickus, "Ubos na ang tanim sa Astreuin, sa tingin niyo saan o sino ang susunod? Ano ba talaga ang kailangan ni Black Mask?"
Ngumiti nang masinsinan si Froinnickus. "Wag niyo munang problemahin iyan ha. Mabuti pa'y magpahinga muna kayo dahil papasok pa kayo. Kailangan niyong maging handa para makapaglaban na kayo," umupo si Froinnickus sa upuan niya. "Sige pwede na kayo umalis."
Lumabas kaming lahat. Naglakad sa medyo madilim na hallway. Matagal pala kaming nakabalik dito. I mean, halos isang araw kaming naglalakbay.
Humiwalay sa amin ang mga babae. Nasa kabilang building kasi ang mga silid nila. Nagpatuloy kami sa paglalakad haggang sa makarating kami sa building nang silid namin.
Naghiwahiwalay na kami. Pagdating ko sa silid ko ay agad akong napahiga sa kama. Hindi parin mawala sa aking isipan ang mga pangyayari ngayong araw.
Sa dami nang iniisip ay nakatulog ako nang di namalayan.
*****
Nagising ako sa kalagitnaan nang gabi. Lumabas muna ako para magpahangin. Malamig na hangin ang bumungad sa akin pagbukas ko nang pintuan.
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kukote ko at hindi man lang ako nagsuot nang cloak. Tanging kaluskos lamang ang maririnig ko sa mga oras na ito.
Sa di kaalamang dahilan ay biglang umikot ang paligid. May sumisigaw, nakakarindi ang boses nila! Naghahanap sila nang tulong ngunit....ngunit hindi ko alam ang gagawin.
Pinikit ko ang mata ko at biglang tumahimik. Ano na naman ba ito? Minulat ko ang mga mata ko at napaiyak na lang ako.
"Dylan, ang aking mahal na anak," mas lalo akong napaiyak nang sambitin niya iyon. Nagmukha na tuloy akong babae dahil sa kakaiyak ko. Pero wala akong pakialam.
"Ina...Ama," tawag ko.
Ngumiti sila sa akin at bigla nalang lumalayo ang mga imahe nila. Akala ko totoo! Gusto kong isigaw na wag nila akong iwang muli ngunit hindi ko kaya. Walang boses na lumabas sa bibig ko.
Nabaling ang atensyon ko nang biglang may tumawa. "HAHAHA! Dylan Horton Lutherking, ang kawawang prinsepe. Hahaha!"
"S-sino ka?! Anong kailangan mo!"
"Napakamalimutin mo naman. Ako to, ang papatay sa iyo! Hahaha!"
Napabalikwas ako nang bangon. Hinihingal akong umupo sa kama. Panaginip, masamang panaginip. Hindi ko akalaing pati sa panaginip ay makikita ko si Black Mask. Nage-echo parin ang demonyong tawa sa aking panaginip.
Tiningnan ko ang relo sa pader. Alas tres palang nang madaling araw. Sinubukan kong matulog ulit pero hindi na ako makatulog pa.
Naligo nalang ako. Pagkatapos ay nagsuot lang nang puting t-shirt at pantalon. Pagkatapos ay kinuha ko ang cloak na nasa cabinet at sinuot ito. Lumabas ako sa silid ko at nagpunta sa lugar kung saan nakakapagpahinga ako. Sa may burol na sakop nang paaralan.
Madali akong nakarating sa tuktok. Umupo ako sa ilalim nang puno at tumingin sa pamilihan. Kita dito ang pamilihan dahil mataas ang burol na ito.
Marami nang tao ang nasa pamilihan ngayon. Gaya nalang noong nasa kastilyo pa ako. Gigising nang maaga para pumunta sa pamilihan o di kaya'y pupunta sa pamamahay ni Serene para kunin ang mga halamang gamot.
Ilang araw ba akong hindi nakapunta kay Serene? Sa lahat kasi nang problema siya lang ang masasandalan ko. Nagpakawala ako nang mabigat na hininga.
Patuloy lang akong nakatingin sa pamilihan. Tinitingnan kung anong buhay mayroon ang mga karaniwang tao. Siguro mahirap lang sila pero masaya naman sila. Kung tutuusin mukha silang walang problema.
Naputol lamang ang aking pag-iisip nang may nagsalita. "Mukhang marami kang iniisip ha. Kumusta, Antonio?" napalingon ako sa nagsalita. Pumungay ang mata nito at umupo siya sa tabi ko. Napangiti ako. Iniisip ko lang, ngayon nandito na.
"Hindi mo pa ako sinasagot Dylan," sambit niya.
Napabuntong hininga ako. "Mabuti naman Serene. At ilang beses ko bang sabihin sa'yo na Antonio ang pangalan ko?"
Ngumisi siya, ngunit napalitan ito nang pagkairita. Kaya ayun nakatanggap ako nang batok galing sa kaniya. Pinanlilisikan ko siya nang mata.
"Pshh... Kung hindi ka lang babae," mahina kong sambit.
Sumingkit ang mata nito. "Anong sabi mo! Tandaan mo ha, mas matanda ako nang sampung taon sa iyo kaya respetuhin mo ako. Itong batang 'to!" tumawa ako nang pilit.
"Bakit ka nga pala nandito?" tanong ko sa kaniya. Tiningnan ko siya, umiwas siya nang tingin at binaling niya ang kaniyang atensyon sa pamilihan. Kaya tumingin din ako sa pamilihan.
"Pinatawag ako nang headmaster. Kailangan daw ako dito nang isang buwan di kaya'y mahigit pa doon."
Napatingin ako sa kaniya. May mangyayari bang masama?
"Bakit? Anong meron?"
Ngumiti siya, "Malapit na ang magaganap na pagsasanay niyo. Pagsasanay sa lahat nang bagay para maging handa kayo sa mga misyon na ibibigay sa inyo sa katapusan nang inyong pag-aaral nang Sridden."
Tumango ako sa kaniya. Kaya pala nandito siya. Siya ang tagagamot nang mga sugatan sa pagsasanay na magaganap.
Kailangan talaga na magsanay dahil iba-iba ang misyon na ibibigay sa amin. Kapag ikaw ang top 1, ikaw ang may pinakamahirap na misyon. Kapag ikaw nama'y kasali sa top 2 hanggang top 10 ay mahirap na misyon. At kapag kasali ka sa top 11 hanggang top 30 ay medyo mahirap lang na misyon. At ang hindi nasali ay sa loob lang nang paaralan ang magiging misyon nila. Pero magmukha lang itong proyekto dahil sabi nila madali lang daw ito.
Tinapik ako ni Serene sa braso. Napatingin ako sa kanya.
"Masyado kang wala sa sarili. May problema ba?" tanong niya sa akin. Sinuri niya ako. Binabasa yata ang isipan ako. Napailing ako. Walang hiya 'tong babaeng ito.
"Sigurado ka bang wala kang problema. Mukha yatang may bumabagabag sa iyo," sabi niya.
"Wala talaga." Gusto ko mang sabihin kay Serene ang bumabagabag sa akin ay di pwede. Ayaw kong madamay siya. Ayaw kong madamay ang nagiisang pamilya ko.
Tumayo ako.
"Hindi ka pa ba papasok?" tanong ko sa kaniya.
Ngumiti siya sa akin. "Mauna ka na. Marami nang tao sa breakfast hall. Pupuntahan ko pa ang headmaster bago ako didiritso sa breakfast hall."
Tumango ako sa kaniya at nauna nang pumasok. Pagdating ko sa breakfast hall bigla nalang tumahimik ang lahat. Siguro naramdaman nila ang presensyang iyon. Masyadong malakas ito. Nakakapanindig nang balahibo. Umupo ako sa upuan ko at tiningnan kung kanino galing ang presensyang iyon.
Pumasok sa loob nang breakfast hall ang headmaster, principal, vice principal, si Serene, at ang tatlong tao....dalawang lalaki at isang babae. Pareho silang lahat na seryoso. Walang pinapakitang kahit anong emosyon. Nandito din sa breakfast hall ang mga professor namin.
Tahimik lang kaming lahat. Nag-aantay na malaman kung sino ang tatlong taong 'yon. Tatlong misteryosong tao.
__________
Author's Note:
Wazzup Royalties!
So, Chapter 9 is done. Let me know what you think about it. Feel free to comment (negative or positive I'll accept it). Votes are highly appreciated.
Thank You and Love You All <3
BINABASA MO ANG
PRINCE OF ETHIOPA: The Rag Prince
خيال (فانتازيا)(COMPLETED: Sep. 30, 2020) ETHIOPA Ang mundo ni Dylan Horton Lutherking. Ang naiwang trono nang kaniyang ama ay ninakaw nang kaniyang pangalawang ina. Subalit wala itong bahid nang dugo nang mga hari. Malulunod sa kasakiman ang Ethiopang itinayo ni...