CHAPTER THIRTY-NINE

34 8 0
                                    

CHAPTER THIRTY-NINE: Black and White

"Kailangan na nating gumawa ng hakbang pero hindi tayo dapat magpadalos-dalos dahil sadyang mahirap kalabanin si Savana. Lalo na ngayong may mga alyansa siya at si Black Mask,"utas ko kay Jacques. Nasa isang sikid kami at pribadong nag-uusap.

"Alam ko. Hinihintay ko lang naman ang paggising mo dahil simula ngayon ang mga salita mo na ang susundin, mahal na hari." Napatawa nalang ako sa turan ni Jacques. Naging ganito siya simula kaninang madaling araw na nalaman niyang gising na ako.

Hindi ko maiwas itanong sa sarili ko kung saan pinaglihi si Jacques. Napailing nalang ako dahil hanggang ngayon ay hindi parin mawala sa isip ko ang ginawa ni Jacques kanina.

"Siguro dapat ko na silang sabihan,"saad ni Amanda. Napailing ako habang nakayakap sa kaniya. "Wag ka ngang magloko diyan! Alis na muna ako."

Tumango lang ako sa kaniya at agad din siyang umalis. Pipikit na sana akong muli ng biglang may malakas na nagtulak sa pintuan. Agad akong napabaling sa may pintuan at doon ko nakita si Jacques na namumula ang mga mata.

"Hindi ko alam kung nagkulang ka ba sa tulog o umiiyak ka,"natatawa kong saad. Agad siyang lumapit sa akin at walang pasabi-sabing niyakap ako. Bahagya akong napangiti, kapatid ang turingan namin sa isa't isa kaya ganoon nalang siya kung mag-alala.

"Kuya 'wag kang umiyak baka mas maging gwapo ako sa 'yo pag nagkataon. Hahaha," napa-iling siya.

"Ikaw talagang bata ka, pinag-alala mo ako ng sobra! Halika't mabigyan kita ng sandamakmak na suntok at salihan na natin ng isang libong sipa."

"Kung ganoon, siguro matulog nalang ulit ako at hindi na gigising pa," papikit na ako ng bigla niyang sinapak ang balikat ko. Natawa nalang ako.

Napabuntong hininga nalang ako at napangiti. Napakaswerte so na magkaroon ng mga taong palaging nasa gilid ko.

"Kung ganoon, pwede na pala tayong magwagawa ng plano. Kailangan din nating..."nahinto ako sa pagsasalita ng maalala ko si Serene. Nasaan na pala siya ngayon. Kanina kasi lahat sila dinalaw ako pero wala si Serene. "Jacques, nasaan si Serene?"

Laking pagtataka ko ng bigyan niya ako ng malungkot na tingin. "Anong ibig sabihin ng titig na iyan?"

Umiling siya,"Wala na si Serene Dylan. Hindi niya kinaya ang lason na natamo niya noong napalaban kami. Masakit lalo't nahuli ako."

Napakalungkot ng mga mata ni Jacques. "Minahal mo siya at dahil hindi niya kinaya ay nahuli ka. Minsan gan'yan talaga ang buhay. Masasaktan tayo sapagkat natoto tayong magmahal at dapat din tayong matoto kung paano ito lagpasan. Naging kapatid ko rin si Serene at napakasakit malaman na hindi ko man lang siya naabutan. Hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kaniya. Isa siyang tunay na pamilya."

May inabot siya sa aking sobre. Tinanggap ko yon. "Ano 'to?"

"Pinapabigay iyan ni Serene sa'yo. Ang sabi niya'y galing ito sa iyong ama."

Tumango ako sa kaniya. Ano naman kaya ang laman ng sulat na ito. Ibinulsa ko muna ito.

"Syanga pala, may importante akong gagawin. Sa loob parin naman ito ng Ethiopa kaya wag kang mag-alala."

PRINCE OF ETHIOPA: The Rag PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon