CHAPTER TWENTY-NINE: Bloodshed
Antonio's POV
Tahimik lamang ang paligid. Tumingin ako sa pala-pulsuhan ko at nakita ko ang numerong nandoon. 78. May mga nakalaban na ako. Phoeris ang huli kong nakalaban ngayon.
Naglalakad ako. Hindi ko alam kung saan ako papatungo. Tahimik lamang ang paligid at tanging tunog lamang nang dahon na aking natatapakan ang aking naririnig. At ang paggalaw nang mga sanga nang mga punong kahoy.
Napatigil ako sa paglalakad nang maramdaman kong may papalapit sa kinaroroonan ko. Tinalasan ko ang mga senses ko. Alam kong hindi hayop ang makakalaban ko ngayon kung 'di tao.
At tama nga ako! Biglang sumulpot ang isang babae sa harapan ko. Nakasuot ito nang maiitim na armor. Walang ano-ano ay bigla akong pina-ulanan nang mga palaso nang babae. Madali akong nakatakbo at naoaiwas sa bawat tira niya.
Nagtago ako sa mayabong na ligaw na halaman. Napahinga ako ng malalim. Naramdaman ko ang paglapit nong babae kaya mas idinikdik ko ang sarili ko sa may ilalim. Napamura ako sa isipan ng bigla nalamang tumunog ang mga dahon.
Sumilip ako ng kunti at doon nakita ko ang paglapit ng babae patungo sa kinaroroonan ko. Ngumisi pa ito nang malaman niyang naroon ako. Wala akong ibang magawa kundi ang ihanda ang aking sarili sa posible niyang atake. Hinanda ko narin ang aking sandata.
Nag-aabang ako sa paghawi niya ng mga dahon. Sa paghawi niyang iyon ay ang pagtayo ko at paghampas ng aking sandata patungo sa kaniya. Hindi ko inaasahang ang leeg niya ang matamaan at nanlaki ang mga mata niya. Agad nagtalsikan ang mga dugo mula sa kaniyang leeg. Napa-awang ako sa nakita. Natumba siya na dilat na dilat ang kaniyang mga mata.
Labis ang ipinigtataka ko sapagkat hindi naglaho ang katawan niya. Binalewala ko lang ito at mabilis na naglakad patungo sa direksiyong hindi ko alam. Tumakbo na ako ng makarinig ako ng kaluskos. Mahina lamang ito kaya alam kong hayop lamang iyon. Tama naman ang naging hinala ko sapagkat ljmabas mula sa mayabong na ligaw na tanim ang isang ahas. Hindi lqng ito pangkaraniwang ahas lamang dahil malaki ito, mala anaconda kumbaga. Ilang metro lang ang layo namin sa isa't isa kaya mahihirapan ako sa pagtakas nito.
Tumingin ako sa palapulsuhan ko at... 94. Malaki din pala ang nakuha kong puntos sa babae kanina.
"Tsss...." malakas na ingay ng ahas. Kung mamalasin ka nga naman o! Wala akong ibang magawa kung hindi ang labanan ang isang 'to. Tanging swerte nalang ang mahahawakan ko sa paglalaban ng ahas na ito.
Iwinasiwas ko sa ere ang sandata ko. Gusto ko sanang gumamit ng kapangyarihan ngayon kaso nga lang ay ipinagbabawal pa ito ni Serafeim. Atsaka hindi ko pa ito masyadong kabisado kaya delikado. Magtitiis nalamang muna ako sa pakikipaglaban ng mano-mano nito.
Mabilis na gumapang ang ahas patungo sa akin. Lumalabas ang dila nito at kitangkita ko narin ang nagtataasang pangil nito. Isang tusok lang siguro ng pangil na iyon ay talagang magpapa-alam ka na sa mundong ito. Tsk...
Inihampas nito ang buntot patungo sa akin. Sinangga ko naman ito gamit ang sandata ko ngunit masayado itong malakas kaya lumipad ako at nakita ko nalang ang sarili ko na nahampas ng masyado sa isang malaking puno.
"Aaaahh..." mahinang daing ko. Parang nabali yata ang mga buto ko sa likod. Nahiwalay yata ang katawan ko sa kaluluwa ko. Pinilit kong tumayo pero hindi ko kaya. Isinandal ko ang katawan ko sa malaking ugat ng puno, malayo ito sa ahas at tago pa ito. Napahinga ako ng maluwag.
"Tss...tss...tss..." malakas na atungal ng ahas. Mukhang hinahanap ako nito. Sumuko ka ng ahas ka! Ang sakit ng likod ko, pucha!!
Naramdaman kong tila nabali yata ang punong sinandalan ko. Tumunog ang mga dahon sa puno. Napa-angat ako ng tingin at doon ko nakita ang ahas na matalim ang tingin sa akin. Mabilis nitong inihulog ang ulo patungo sa akin. Mabilis akong napagulong sa gilid at agad kong itinarak sa ulonan nito ang sandata ko. Lumikot ito dahil sa sakit ng naramdaman. Inihampas nito ang sarili sa mga punong kahoy para mawala ang sandatang nakatarak sa ulonan nito. Ginamit ko ang pagkakataong iyon para makatakbo. Mabilis ang naging takbo ko ngunit mas mabilis ang naging pagsunod ng ahas sa akin. Minumura ko na talaga ang sarili ko, pucha...bakit ang bagal ng takbo ko?!!
BINABASA MO ANG
PRINCE OF ETHIOPA: The Rag Prince
Fantasy(COMPLETED: Sep. 30, 2020) ETHIOPA Ang mundo ni Dylan Horton Lutherking. Ang naiwang trono nang kaniyang ama ay ninakaw nang kaniyang pangalawang ina. Subalit wala itong bahid nang dugo nang mga hari. Malulunod sa kasakiman ang Ethiopang itinayo ni...