CHAPTER TWENTY-FOUR

49 9 1
                                    

CHAPTER TWENTY-FOUR: Obstacle

May nagsalitang muli, "Heto lang ang natatanging patakaran nang laro. Paramihan nang flag sa dalawang oras at kapag mananalo kayo ay may parangal kaming ibibigay. Tandaan niyo, dalawang oras lamang. Maghanda na kayo, isa...dalawa... tatlo...!"

Nagtinginan kaming lahat. Hawak-hawak parin namin ang mga bagahe namin. Tiningnan kami ni Jacques isaisa.

"Ah..anong plano?" tanong ko kay Jacques.

"Kailangan nating maghiwahiwalay. At dahil dalawampu't dalawa tayo ay dapat may dalawang tao sa isang grupo. May dalawang oras lang tayo. Maghanap kayo nang flags na kahit ilan, 'wag din kayong makampante dahil di natin alam kung may makakalaban ba tayo dito. Higit sa lahat, may dalawang oras lang tayo. Kaya dapat nating magmadali at mag-ingat," saad nito at kinaladkad si Serene. Napangiti nalang ako. May hinala talaga akong may nararamdaman 'tong taong ito kay Serene eh. Ayaw pang ipakita. Umalis na sila at hindi na lumingon pang muli.

"Sige na!" ani Caspian at kinaladkad nadin si Aria. At ngayon kami nalang ang naiwan dito.

"Tss..." tumalikod na sa amin ang magkakapatid. Minataan ko sila Nero na mukhang walang balak na umalis.

"Nero samahan mo si Shaina. Lai at Harry kayo naman ang magsasama. Masyadong mapanganib kung mga babae lang ang nasa isang grupo. Sige na!" walang nagawa sila at umalis na. Ngayon kami nalang ni Amanda ang naiwan.

Kinuha ko ang kamay niya at hinawakan ito at naglakad nang muli. Dumaan kami sa masikip na daan. Pagkatapos ay narating namin ang abandonang field. Nagkalat ang mga papel at walang ano mang nilalang dito.

"Sa tingin mo ba gumagamit sila nang ilusyon sa larong ito?" tanong ni Amanda sa akin habang sinusuri ang paligid.

Tumango ako sa kaniya. "Oo, kung titingnan ay di pangkaraniwang ang lugar na ito."

Lumingon lingon ako sa paligid at may nakita akong isang tela sa taas nang puno. Agad ko iyong tinuro.

"Ayun ang flag, halika." ani ko at kinaladkad si Amanda. Nang makarating na kami sa lilim nang puno ay saka ko lang napansin na may isang hayop na nagbabantay nito. Kung mamalasin ka nga naman, isang Phoeris pa talaga.

"Maraming kayang gawin ang Phoeris at kapag maramdaman nito na nandito tayo para kunin ang isang bagay na binabantayan niya ay handa siyang pumatay para protektahan ang bagay na iyon," ani Amanda habang nakatingin sa tuktok. Ngunit ang hindi ko maintindihan ay hindi kami naramdaman nito.

"Kung ganoon kailangan nating mag-ingat. Ako na ang bahala sa Phoeris at ikaw naman sa flag,"

Nagtatakang tumingin siya sa akin, "Ha..teka, anong binabalak mong gawin?"

Ngumiti lang ako sa kaniya at tumakbo papalayo sa punong iyon. Sinenyasan ko siya na magtago na muna. Napailing nalang si Amanda at nagbuntong hininga. Nagtago siya sa malaking ugat nang puno. Kaya kampante na akong gawin ang plano ko.

Kumuha ako nang bato at malakas ko itong inihagis patungo sa Phoeris. Nanlaki ang mata ni Amanda nang makita ang ginawa ko.

"Eto ba ang plano mo?" mahina niyang sabi. Tumango lang ako sa kaniya at nagsimula nang tumakbo nang makitang lumipad na patungo sa akin ang Phoeris.

PRINCE OF ETHIOPA: The Rag PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon