EPILOGUE
3rd Person's POV
Napamulat si Amanda sa mundong hindi niya alam. Nasa harapan siya ng isang malaking puno. Ang ipinagtataka niya ay sa bawat segundo ay may nalalagas dito na dahon at may sumusulpot din.
Sa halip na umalis ay nakatuon parin siya sa puno. Hindi niya alam ang gagawin at lalong hindi niya alam kung saan siya pupunta. Ang alam lang niya ay nagluwal siya ng sanggol pagkatapos ay nawalan siya buhay at maliban doon ay wala na.
Napitlag siya sa kinatatayuan niya ng biglang lumitaw ang isang magandang babae sa harapan niya. Naka-dilaw ito na bestida. Nakalugay ang buhok nito at sumasabay ito sa hangin.
"Maligayang pagdating sa Paradise Den," nakangiting sambit nito. "Ako nga pala si Lifeania, ang Diyosa ng buhay. Ngayon narito ka sa harap ko para malaman ang hatol mo at kung saang lagusan ka papasok."
"A-anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ni Amanda. Hindi niya maintindihan ang sinabi ng diyosa.
Ngumiti si Lifeania, "Halika't may ipapakita ako sa iyo." Dinala niya si Amanda sa lugar kung saan malapit sa tatlong lagusan. Isang nakakulay ginto, and isa naman ay puti at ang isa ay itim. May mga nakapila dito at tanging ang gintong lagusan lang ang walang nakapila kahit isa.
"Mayroong tatlong lagusan at may tatlo ring kulay ng coin. Bawat isa ay may ibibigay na isang coin. Ang white coin ay para sa mga pwedeng i-reincarnate. Si Naiah, ang diyosa ng muling pagkabuhay ang maghahatid sa kanila. Ang black coin naman ay para sa mga hindi i-reincarnate, hahatulan sila kung saan sila nararapat...sa upperworld ba o sa underworld. Si Deatherio ang gagabay sa kanila. At ang panghuli ay ang gintong lagusan, kung sino man ang makakatanggap ng gold coin ay siyang pinagpala ng mga Diyos at Diyosa."
Tumango nalang si Amanda. Hindi niya masyadong na-absorb ang sinasabi ni Lifeania.
"Handa ka naba? Ako ang magbibigay sa'yo ng coin. Pumikit ka, ito ang rule sa pagtanggap ng coin."
Sinunod ni Amanda ang inutos ni Lifeania. Pumikit siya at naramdaman niyang may inilagay si Lifeania sa palad niya kaya kinuyom niya ito.
Pinamulat siya ni Lifeania. Ngumiti ito kay Amanda. "Maligayang paglalakbay ang handog sa 'yo Patrice."
Agad naglaho si Lifeania. Napalingon-lingon pa si Amanda, nagbabasakaling makita niya ito ngunit hindi na niya ito mahagilap. Huminga siya ng malalim at binuksan ang nakakuyom niyang palad.
Napatutop siya sa kaniyang bibig dahil sa nakita. Literal na nanlaki ang mga mata niya. Isang gold coin ang natanggap niya. Agad na lumapit si Amanda sa gintong lagusan. May nakabantay dito at sinuri siya nito.
"Coin," saad nito. Ibinigay ni Amanda ang coin kaya pinapasok siya ng nagbabantay. Agad siyang nilamon ng kakaibang liwanang pagpasok niya. Napapikit balang siya dahil sa liwanag na 'yon.
Nagmulat siya ng mata at laking gulat niya sa nakita. Nasa isang magarbo at magandang silid siya. Napa-upo siya sa kama ng biglang pumasok ang tatlong babae.
"Gising ka na pala Patrice," saad ni Lifeania.
"Mabuti naman at gising ka na. Mula ngayon ang itatawag namin sa iyo ay Patrice sapagkat pinagpala ka at napili bilang isang diyosa. Ikaw si Patrice, the Goddess of Patience. Ako nga pala si Serafeim, ang diyosa ng kalikasan." Napayuko ng dis-oras si Amanda. Kilala niya si Serafeim sa tanyag nitong pangalan sa Ethiopa.
"Ako naman si Naiah, the Goddess of Reincarnation! Wag ka na ngang yumukod,"saad nito kaya nag-angat ng tingin si Amanda. Nakita niya ang babaeng naka-kulay asul na bestida. Masigla ito at talagang masayahin.
"Patrice kailangan mo ng magbihis. May pupuntahan pa tayo. Baka magalit na naman si Columbus at Supremo sa atin.
Tinulungan nilang magbihis si Amanda. Nilagyan nila ng palamuti ang kaniyang katawan. Hapit na halit sa katawan nito ang puting bestida na turtle neck at may slit sa gilid.
"Ang ganda mo, Patrice!" Puri ni Naiah. Napayuko nalang si Amanda.
"Matuto ka nang tumanggap sa kapalaran mo. Katulad ka niya pero tinanggap na niya lahat ng ito," saad naman ni Serafeim.
"Sinong si--"
"Bilisan niyo na! Sumasakit na ang utak ko dahil sa telepathy ni Deatherio!" saad ni Lifeania. Tumango silang lahat at naghawak ng kamay. Agad silang naglaho.
Lumitaw sila sa harapan ng isang malaking templo. Dito gaganapin ang pagpupulong. Sinundo sila ni Deatherio.
"Bakit ngayon lang kayo?" Kanina pa nag-aalburuto si Supremo, mukhang pati narin si Columbus." Bungad nito sa kanila. Nang makita ni Deatherio si Amanda ay ngumiti siya rito. "Maligayang pagdating, Patrice."
"Naku naman 'tong si Columbus, sampung buwan palang siya dito. God of peace and freedom pa naman sana ang batang 'yon," komento ni Naiah.
"Bilisan niyo nalang at baka maging God of War ang batang 'yon. Pati si Supremo mukhang susunod sa yapak ni Ares,* saad ni Deatherio at naunang pumasok sa templo. Agad nila itong sinundan. Tumungo sila sa isang silid. Gusto kasi nilang makausap si Supremo.
Pumasok sila sa silid. Nakita nila doon si Supremo na prenteng naka-upo at si Columbus na nakatalikod sa kanila habang tumitingin sa malayo.
"Patrice," tawag ni Supremo. Nilapitan niya ito at niyakap. "Maligayang pagdating!" Ngumiti si Amanda sa kaniya. Kumalas si Supremo sa yakap at tiningnan ang tatlong Diyosa. Yumuko lang ang tatlo.
"Halika Patrice, sigurado akong masisiyahan si Columbus na makita ka," sambit ni Supremo.
"Siya ba si Columbus?" Tanong ni Amanda at tinuro ang lalaking nakatalikod sa kanila. Tumango si Supremo. Iginiya niya si Amanda papunta kay Columbus.
"Columbus, gusto kong makilala mo si Patrice," tawag ni Supremo kay Columbus.
Hinintay ni Amanda ang paglingon ng lalaki...ng Diyos na iyon. Hindi niya alam kung bakit lumalakas ang tibok ng puso niya sa bawat segundong lumilipas. Para bang kilalang kilala niya ang tinatawag nilang Columbus.
Pigil hininga si Amanda ng tuluyan ng lumingon ang lalaki. Seryoso itong tumingin kay Supremo saka dumako ang tingin kay Amanda. Agad napalitan ang seryoso nitong mukha ng maamong mukha at ngumiti ito ng matamis.
Ang ngiting iyon na nagpapatunay na hindi siya nito nakalimutan. Sa di inaasahang pagkakataon ay naibigkas nya ang limang letrang kumukumpleto sa buhay niya, kasabay din non ay ang pagkawala ng kaniyang mga luha. Ngayon alam niyang mamahalin niya ito, magpakailanman.
"DYLAN"
----END----
BINABASA MO ANG
PRINCE OF ETHIOPA: The Rag Prince
Fantasi(COMPLETED: Sep. 30, 2020) ETHIOPA Ang mundo ni Dylan Horton Lutherking. Ang naiwang trono nang kaniyang ama ay ninakaw nang kaniyang pangalawang ina. Subalit wala itong bahid nang dugo nang mga hari. Malulunod sa kasakiman ang Ethiopang itinayo ni...