CHAPTER TWENTY-FIVE: Magea's Crest
Nagising ako sa alog nang sasakyan. Hindi ko alam kung saan kami papatungo at wala man lang akong ideya kung ano ba ang mga nangyayari. Iminulat ko ang aking mga mata at doon ko lamang nakita na nakahiga pala ako sa paanan ni Amanda. Napabalikwas ako nang bangon. Nagulat sila nang nasaksihan ang ginawa ko.
Ngumiti si Amanda sa akin at masinsinang nagtanong, "Mabuti na ba ang iyong pakiramdam?"
Linibot ko nang tingin ang loob nang sasakyan. Seryoso lamang na nakaupo ang iba. Di mawari sa akin ang bigat nang ulo ko. At sakit nang katawan ko. Napapikit ako nang biglang sumakit ang tagiliran ko. Kung mamalasin ka nga naman.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko kay Amanda.
"Pupunta muna tayo sa Magea's Council House. Doon muna daw tayo para sa opening nang GOLD at may kainan daw munang mangyayari," sagot niya. Tumango ako. Nakasakay kami sa karwahe. Napuno kami nang katahimikan. Tanging alog lang nang sasakyan ang tanging namayani.
Dumungaw ako sa bintana nang karwahe. Maaliwalas ang paligid at hindi mo akalaing ganito pala kaganda ang Magea. Napabuntong hininga ako. Bumaling ako sa mga kasama ko ngunit laking gulat ko nang wala sila. Teka...'di naman tumigil ang karwahe ah. Bakit? Nasaan sila?
Napapikit ako nang mariin sa inis. Kaya pala wala man lang akong naramdaman na sakit sa katawan kahit na may saksak ako sa tagiliran kanina. Pagmulat ko ay napamura ako sa aking isipan. Minumura ko na talaga ang may kagagawan nito sa akin.
Nag-iba ang paligid. Nawala na ang kaninang maaliwalas na panahon, mga puno, pati narin ang karwaheng sinasakyan ko kanina. Halos walang kabuhaybuhay ang nakita ko sa paligid ko. Patay na mga puno, medyo iiyak na yata ang langit dahil sa bigat nang nararamdaman. At humahangin nang malakas.
Biglang umihip ang malamig na hangin. Nagsitayuan ang balahibo ko sa leeg. Mahina akong lumingon sa likod at doon ko nakita ang hindi ko inaasahang makita ko ngayon.
"Mearis," wala sa sariling usal ko.
***
3rd Persons POV
Natapos na ang laro at inanunsyo na ang nanalo. Ang DHL ang nanalo kaya masayang masaya sila sa resulta. Ngunit hindi maipagkaila sa kanila ang takot at lungkot na naramdaman. Hindi parin gumigising simula kanina si Antonio. Masyado silang nahihiwagaan sa mga pangyayari. Nakita nila ito kanina na papalapit sa kanila pagkatapos ay bigla nalang nawalan nang malay at nag-iba ang kulay nang balat niya pati narin sa mata niya bago pa man ito nawalan nang malay.
Nasa loob sila nang silid nang isang manggagamot nang Magea. Marami nang ritwal ang ginawa sa kaniya ngunit hindi man lang nagbago ang kulay nito at hindi parin nagigising.
Naguguluhan na silang lahat kung ano ang nangyari. Natanong narin nila ang mga officials nang Magea tungkol sa laro kanina ngunit ang sabi lang nila ay wala namang aberya dahil kompleto ang naging testing nito at perpekto na ito.
"Sa tingin niyo ay anong posibleng mangyari kung hindi magigising si Antonio?" nag-aalalang tanong ni Shaina.
Nagkibit-balikat lang ang iba. Ang iba nama'y walang maisagot dahil wala naman silang alam sa pwedeng mangyari.
"Wag!!! Aaaahhhh!!" dumagundong ang sigaw ni Antonio sa kabuoan nang silid. Mabilis na nagsilibot ang lahat sa higaan ni Antonio.
BINABASA MO ANG
PRINCE OF ETHIOPA: The Rag Prince
Fantasy(COMPLETED: Sep. 30, 2020) ETHIOPA Ang mundo ni Dylan Horton Lutherking. Ang naiwang trono nang kaniyang ama ay ninakaw nang kaniyang pangalawang ina. Subalit wala itong bahid nang dugo nang mga hari. Malulunod sa kasakiman ang Ethiopang itinayo ni...