CHAPTER FOURTEEN

57 15 1
                                    

CHAPTER FOURTEEN: The Stairway to Sam'vana

"Patay na ba ako?"

"Hindi," napahinga ako nang maluwag nang marinig iyon. "Pero parang ganun narin."

Nadismaya ako nang marinig iyon. Tila nabingi ako. Isa lang ang ibig sabihin nun. 50/50 chances na buhay pa ako o patay na ako.

"Kung ganoon, makakabalik pa ba ako sa Ethiopa?"

Nagkibit-balikat lamang ang diyosa. "Nakadepende ito sa'yo. 'Wag kang mag-alala, ipapasundo kita kay Deatherio. Ang Diyos nang Kamatayan (God of Death)," sabi nito. Pumikit siya at may binigkas na hindi ko naintindihan. Minulat niya ang mga mata niya pagkatapos nung ginawa niya. Nag-iba ang kulay nang mata niya, mula sa dilaw na may linings na itim ay naging abo ang kulay nito.

Mas nagulat ako nang biglang may naform na tao....Diyos sa harap namin. Itim na may halong kulay abo na balabal (cloak) ang suot nito. Matangkad at kita mo talaga ang mga features nito bilang isang Diyos.

Yumuko ito sa Diyosang katabi ko ngayon. Tanda nang paggalang nito. "Magandang araw sa iyo, Diyosa Lifeania, ang Diyosa nang Buhay (Goddess of Life). Anong maipaglilingkod ko sa inyo?," respetong tanong nito sa Diyosa. Napako ang tingin nito sa akin. "Sino ka? Tila ngayon lang kita nakita. Bakit hindi ka sumama sa mga kaluluwa papunta sa huwis nang kapalaran?"

Wala akong naging sagot sa kaniya. Masyadong marami ang kaniyang katanungan sa akin. Hindi ko kayang pagsabayin ang pagsagot sa mga kataningan niya.

Tumukhim si Diyosa Lifeania kaya nabaling naman sa kaniya si Diyos Deatherio. "May sakit ka ba Lifeania? Gusto mo bang tawagin ko ang demi-goddess mo? Siguro kailangan mo munang magpahinga," sunod-sunod na tanong ang binato ni Diyos Deatherio kay Diyosa Lifeania.

Napatawa nang mahina si Lifeania dahil sa inasta ni Deatherio. Nagpipigil tawang nagsalita si Lifeana,"Wala akong sakit Deatherio. Kaya huwag ka nang mag-alala. Pfft...hahaha!,"hindi na talaga napigilan ni Lifeania kaya napahagikhik siya sa tawa.

Natigil lamang siya nang titigan siya ni Deatherio nang matindi. Seryoso na ang mukha nito. "A-ahem... Pasensya na," hingi niya nang paumanhin. Tumango si Deatherio.

Sumeryoso na si Lifeania. Ipinakilala niya ako sa Diyos na nasa harapan ko. "Siya nga pala si Antonio Cartridge, ang kauna-unahang taga lupa na nakapunta dito kahit hindi pa nalagas ang kaniyang dahon sa mahiwagang puno."

Nagkunot ang noo ni Deatherio nang marinig iyon. Pero di nagtagal ay napalitan ito nang ngising hindi mo maintindihan. "Kailangan ko na siyang ihatid sa templo nang mga kaluluwang ligaw," aniya.

"Maaasahan kita sa ganitong sitwasyon Deatherio. Sana ingatan mo ang binatang ito sapagkat---"

Hindi pinatapos ni Deatherio si Lifeania,"Ako nang bahala Lifeania. Sisikapin kong hindi siya makukuha nang mga soul rippers." Tumango si Lifeania kay Deatherio at binigyan niya ako nang makabuluhang ngiti.

Hinawakan ni Deatherio ang aking balikat at nagpaalam na siya sa Diyosa, "Mauna na kami Lifeania. Mag-ingat ka, nagkalat ngayon ang mga God hunters sa kadahilanang gusto nilang sila ang maghari sa mundong ibabaw."

Ngiti lang ang sinukli ni Lifeania kay Deatherio. Napatango naman si Deatherio. Kagaya nang pagsulpot kanina ni Deatherio ay ganoon din ang nangyari sa amin ngayon. Pero nawala kami at halos wala akong makita maliban sa buhanging nagliliparan at kulay abo na hangin.

"Ipikit mo ang mga mata mo baka malagyan nang buhangin iyan at mabulag ka pa," utos nito kaya pumikit ako.

Ilang saglit pa, hindi ko na naramdaman ang malakas na simoy nang hangin. Init! Init lang ang tanging naramdaman ko. Tila nakakapaso ang init na dumadampi sa aking balat. Iminulat ko ang aking mata. Nasa harapan ko si Deatherio na nakaupo na parang may sinusuri.

PRINCE OF ETHIOPA: The Rag PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon