CHAPTER FOUR: Murdered
Kasalukuyan kaming nasa quadrangle ngayon. Malaki ang espasyo nito at may mga upuan sa gilid. Ngayon ay oras nang paghahasa nang bilis. At paghasa sa aming pakikipaglaban. Apat na professor ang nasa harapan namin. Si Professor Arturo Hupper, Professor Cain Lippassle, Professor Xion Friant, at si Professor Vittoria Zeiom.Si Professor Hupper at Friant ang naghahasa sa aming bilis. Habang si Professor Lippassle at Zeiom ay ang naghahasa sa aming pakikipaglaban. Sa madaling salita, konektado ang dalawang aralin na ito.
"Attention!" Napitlag kaming lahat sa boses ni Professor Friant. "Libutin niyo ang quadrangle na ito. Jog as fast as you can!" Naghanda kaming lahat. Nakamark na ang lahat para tumakbo. Pumutok ang isang baril hudyat na magsisimula na. Agad kaming tumakbo. Ang sinabi kanina ni Professor Lippassle nakakataas daw nang hangin ang pagtakbo. Ito muna ang pinagawa nila sa amin, ang pag eehersisyo.
Natapos ang pagtakbo namin. Hinihingal kaming lahat.
Pumalakpak ang apat. "Magaling! Ngayon naman ay ang iba pang mga ehirsisyo. Ito muna ang gagawin natin sa ngayon. Bukas ang pagpipili niyo nang mga armas na posible niyong magagamit," sabi ni Professor Zeiom.
Natapos ang naging pag-aaral namin. Nasa mga upuan kami, nakaupo at naghahabol hininga. Ngayon lang ako nakaranas nang ganito. Basang basa sa pawis ang aking uniporme para sa pag-aaral na ito. Isang jogging pants na itim at puting t-shirt na may logo din na dragon.
Tumingin ako sa mga kasamahan ko. Nag-abot ang paningin namin ni Amanda. Ngumiti siya sa akin, tumango lang ako. Hindi ko magawang suklian ang mga ngiti niya dahil medyo may bumabagabag sa aking isipan. Tila walang humpay ang bilis nang tibok nang aking puso. Alam kong hindi na ito normal. Kabadong kabado na ako. Parang may mangyayaring masama ngayong araw na ito. Hindi ko alam kong ano, saan, at anong oras ito magaganap.
Napitlag ako sa kinauupuan ko nang tinawag ako. "Antonio Cartridge!" Tumayo ako. Nginitian ako ni Professor Zeiom at tinanguan sa tatlong lalaking professor. "Magaling ang naging performance mo sa araw na ito. Sana magtuloy tuloy ito Cartridge." Ngumiti ako at tumango. Kita ko ang pag-igting nang baga ni Pierre at ang galit na mata ni Kielle. Ano bang problema nang magkapatid na ito. Galit ba sila na ako agad ang napapansin nang mga professor? Tssk...ginawa ko lang naman ito para mapaghandaan ko ang mga hakbang na gagawin nang kanilang dakilang ina.
*****
Matapos ang aming pag-aaral sa paghahasa nang bilis at pakikipaglaban ay nasa isang silid kami kung saan ito ang huli naming tatalakayin ngayong araw. Ang paghahasa nang aming mga talento. Sa totoo lang, may talento ako sa pagpipinta. Minsan nga noong buhay pa ang mga magulang ko ay ipininta ko ang kastilyo at naroon din kaming tatlo. Sinabit iyon sa dingding ngunit sinunog iyon ni Savana nang mamatay ang aking ama.
Ang Professor namin ay si Professor Arpyeza Douthious. Palangiti ito at tila walang problema. "Sa ngayon alamin ko muna kung ano ang inyong mga talento na alam niyong meron kayo. Pagkatapos ay saka tayo magsimula. Ikaw muna binibini," sabi nito at tinuro ang babaeng nasa harapan. Nag aalinlangan itong tumayo. May pagkahiyain at mahinhin ito.
Ngumiti muna ito,"Alam ko kung paano sumakay nang kabayo."
Tinawanan siya ni Kielle at Pierre. Bakit ba palaging komokontra ang magkapatid na ito? "Sa tingin mo ba talento ang pagsakay nang kabayo. Halos lahat naman nang nandito ay alam kung paano sumakay nang kabayo," sinabi iyon ni Kielle at tumawa silang muli. Napailing nalang ako. Tumakbo palabas ang babae, kaya tumayo ako.
Nagpaalam sa professor. "Susundan ko lang ho." Tumango ito at kita ko ang pag-alala niya. Nang makalabas na ako ay narinig kong pinagalitan nang professor ang dalawa.
BINABASA MO ANG
PRINCE OF ETHIOPA: The Rag Prince
Fantasy(COMPLETED: Sep. 30, 2020) ETHIOPA Ang mundo ni Dylan Horton Lutherking. Ang naiwang trono nang kaniyang ama ay ninakaw nang kaniyang pangalawang ina. Subalit wala itong bahid nang dugo nang mga hari. Malulunod sa kasakiman ang Ethiopang itinayo ni...