CHAPTER FORTY

36 7 0
                                    

CHAPTER FORTY: Behind the Mask

Nasa labas ako ng bahay ni Ferriah. Hawak hawak ko ang libro at ang sulat ni ama. Ibinulsa ko nalang ulit ang sulat at tiningnan ang libro. Nay nakita akong crest sa gitna at may nakasulat na...

When the seal is at ease, the white will be released. Drop a red trace to grant the ace of peace.’

Hindi ko alam kung anong mayroon sa katagang ito. The crest I found right there was like the seal at my back. Kaya imbes na guluhin ang utak ko ay kinuha ko ang maliit kong kutsilyo at sinugatan ang hintuturo ko. Pinatakan ko ang gitna ng crest ng dugo ko ang it moved. Nagbukas ito ng kusa at agad nag silabasan ang mga nakasulat doon. Binasa ko 'yon lahat. Hindi naman makapal ang libro. Mukhang nasa 35 pages lang at hindi siya back-to-back na may nakasulat.

Inaral ko lahat ng nasa loob nito. Mga basics lang ang nandito. Ang mga legendary encantacion ay nasa loob ng White Enchantria na nasa loob ng Heavenly realm.

Makalipas ng ilang oras ay natapos ko narin ang pag-aaral. Humiga ako at nagpahinga.

***
3rd Person's POV

"Alam kong pupunta siya dito. Siya mismo ang huhukay sa sarili niyang libingan," saad ni Black Mask.

"Masyado kang confident. Ano naman ang binabalak mo?" tanong ng reyna.

"Hahanapin niya ang librong nasa kamay ko. Ang librong alam kong kailangan niyang makuha. Pero tayo ang gagamit nito. Kailangan nating tumbasan ang kapangyarihan ng batang iyon."

"Kaya pala kakaiba ang pakiramdam ko sa batang iyon. Kung ito ang kailangan gawin para lamang mapatay ko ang batang iyon ay hindi ako magdadalwang isip," nakangising sagot ni Savana.

***

Napumulat ako. Una kong nakita ang kalangitan na puno ng mga bituin. Gabi na pala. Kailangan ko ng umalis. Tumayo ako at pinagpagan ang suot ko. Liningon ko ang bahay ni Ferriah, may nakasinding ilaw mula doon. Hindi nalang ako magpapa-alam.

Nag-concentrate ako at nagpalabas ng isang portal sa harapan ko. Inimagine ko ang silid-aklatan ni ama bago ako pumasok. Pagmulat ko ng mata ay nasa loob na ako ng silid-aklatan ni ama.

Wala akong inaksayang oras. Nilibot ko ang paningin sa mga shelves ngunit wala akong makita doon.

Tiningnan ko sa malaking aparador doon ngunit wala din. Kinapkap ko pa ang mga dingding at baka may sikretong lagusan dito, ngunit wala.

Baka nakuha iyon ng iba. Ngunit wala namang nakaka-alam kung ano ang librong iyon. Hindi maaari, napailing nalang ako sa naisip.

Dahil wala talaga akong makita ay napagpasyahan kong pumunta sa silid ng aking ama. Ngunit hindi ko inaasahan ang nakita ko sa loob. Nakaupo sa kama si Savana habang nakatayo naman at nakasandal sa may bintana si...Black Mask?

"Mukhang kinain ang pain ng daga,"saad ni Savana at tumawa ng malakas. May kinuha siya sa likod niya at iwinagayway sa harapan ko. Itim na libro na may kagayang crest ng Lightviesh. Darksheir.

"Ito ba ang hinahanap mo?" nakangising tanong ni Savana. Napakuyom nalang ako ng kamao.

"Akin na 'yan. Sa ama ko yan!"saad ko.

Umiling si Black Mask. "Ngayong nasa kamay na namin ang librong ito ay kami na ang may-ari nito. Hindi ang ama mo at mas lalong hindi ikaw."

"Ano bang kailangan niyo?!"

"Simple lang, kapangyarihan. Kapag binigay mo ang kapangyarihan mo sa amin ay sigurado akong magiging mapayapa na ang buong Ethiopa," sagot ni Black Mask.

PRINCE OF ETHIOPA: The Rag PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon