CHAPTER THIRTY-FIVE: Plans
"Maligayang pagbabalik Fierro," saad ng isang tao. Isang taong kilala ko...kilalang kilala ko. Si Walter Apphiar.
Tiningnan ko ang mga kasama ko at halatang naguguluhan sila.
"T-teka, sinong Fierro?" nagtatakang tanong ni Serene na inaakay ko pa rin.
"Siya," tinuro ako ng isa sa mga kasamahan ni Walter na nandoon. "Siya si Fierro, ang aming pinuno."
Halatang naguguluhan pa rin ang iba kaya agad na akong nagsalita. "Sila ang mga taong nagsisilbi sa dakila nating hari noon. At kilala narin nila ang prinsepe, sa katunayan nga'y minamanmanan nila si Dylan sa malayo at kilala narin sila ni Dylan," mahaba kong paliwanag sa kanila. Bumaling ako kay Walter. "Nasaan si Aera at Erthon?"
Sina Aera at Erthon ay mga kasamahan ko rin. Matataas ang posisyon nila gaya nalang ni Walter. Si Walter ay aking kanang kamay habang si Aera ay ang aking kaliwang kamay at si Erthon ang namumuno sa sandatahan, isa rin siyang hindi pangkaraniwang tao..siya ay ang sumugod kay Dylan noong nakaraan na inatake ko naman dahil hindi ko ginusto ang hakbang niyang iyon. Mabuti nalang at humingi siya sa akin ng tawad.
Bawat salita ko ay sinusunod nila. Tinatawag kong underground silent fighters ang mga kasamahan namin dito dahil hindi alam ng reyna ang mga hakbang namin.
"Si Aera ay nasa loob ng meeting hall natin habang si Erthon naman ay ginagawa ang iniutos mo," sagot nito sa akin. Tumango ako sa kaniya.
"Kailangan naming magpahinga. Tawagin mo si Aera dahil ipapagamot ko ang mga kasamahan ko," utos ko na tinanguan niya. Bumaling siya sa isang kasamahan niya at inutusan itong tawagin si Aera. Nagbigay galang ito bago umalis. Tumingin naman ako sa ibang mga nandoon. Tumikhim ako bago nagsalitang muli, "Magsibalikan na kayo sa mga ginagawa niyo. Kailangang pagbutihin niyo dahil may itatakas tayo."
Nagkagulo kami roon. Hindi literal na nagkagulo kun'di marami ang usap usapan.
"Manahimik muna kayo!" sigaw ni Walter at tiningnan ako. "Sinong itatakas?" tanong nito.
"Pshh..akala ko ba nagmamatyag kayo?" tanong ko sa kanila.
"Hindi muna kami gumalaw dahil nasisigurado kong naghihinala na si Black Mask sa paunti-unting pagkaubos ng kaniyang mga tauhan kaya nanahimik muna kami pansandali," paliwang nito.
Tumango ako sa kaniya. "Mabuti kung ganoon. Si Dylan ang ililigtas natin, nahuli siya sa hindi niya kasalanan kaya kailangan natin siyang itakas. Siya nalang ang pag-asa natin kaya dapat natin siyang iligtas dahil kung hindi, mamatay siya sa kamay ng reyna."
Napaawang ang bibig ng mga naroon. Kunot-noong tumingin sa akin si Walter. "Ibig mong sabihin, si Dylan ay papatayin ng reyna?" tumango ako sa kaniya bilamng sagot. "Kung ganoon dapat nating magplano kung paano itakas si Dylan."
"Mamaya na," pareho kaming napalingon kung saan galing ang boses na 'yon. Si Aera. Lumapit siya sa amin at bahagyang yumuko sa harapan ko. Pagkatapos noon ay iniisa-isa niya kaming giningnan. "Masyado pa kayong mahina para gumalaw galaw. Magpahinga muna kayo saka tayo gumawa ng plano."
Tumango ako sa kaniya, "Mas mabuti ang isinuhestyon ni Aera. Ihanda niyo ang dalawang silid," tumango sila. "Maghanda narin kayo ng makakain natin. Mamaya nalang tayo mag-uusap tungkol sa planong ating gagawin."
Agad nagsi-alisan ang mga taong nandoon. Agad namang lumapit si Aera sa akin. "May kailangan karin malaman Fierro," agad kumunot ang aking noo.
"Tungkol saan?" tanong ko sa kaniya.
"Noong isang araw, maingat na nagmamasid si Erthon sa Centralia at may napansin siyang kakaiba. Marami daw ang mga taong nakacloak ng berde na nag-iikot sa lugar. Marami rin ang manggagawa na naroon, gumagawa sila ng tore. Mataas ito at 'di alam ng mga tao, pati kami kung para saan ba ang toreng ginagawa nila," mahabang saad niya. Kita ko ang pag-alala sa mukha niya.
BINABASA MO ANG
PRINCE OF ETHIOPA: The Rag Prince
Fantasy(COMPLETED: Sep. 30, 2020) ETHIOPA Ang mundo ni Dylan Horton Lutherking. Ang naiwang trono nang kaniyang ama ay ninakaw nang kaniyang pangalawang ina. Subalit wala itong bahid nang dugo nang mga hari. Malulunod sa kasakiman ang Ethiopang itinayo ni...