Hinawakan ni Jongin ang waist ni Krystal at bahagyang lumapit sa tenga nito. Natawa si Krystal sa binulong ni Jongin at pabirong hinampas ang dibdib nito. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Nagdilim ang pangin ko at agad na sinunggaban ang bruha. Sinabunutan ko sya at kinaladkad sa sahig. Sampal kaliwa't kanan ang inabot nya akin. Inuntog-untog ko rin ang ulo nya hanggang sa may sumirit ang dugo!
"Die, you bish! Akin lang si boy negro! Layuan mo sya, you bolborine! Kundi kakalbuhin ko yang buhok mo sa ilong!"
Patay na si Krystal sa isipan ko.
"Jongin," sambit ko.
Hindi naman ganun kalakas ang pagkakabigkas ko ng pangalan nya pero napalingon silang dalawa sa akin. "Kyungsoo? Ikaw ba talaga yan?" Hindi makapaniwalang sambit ni Krystal. Oo, ako nga 'to gaga! Magtago ka na sa palda ng lola mong haliparot ka dahil nandito na ang orihinal na Mrs. Kim Jongin. "Y-You're back? Kailan pa?"
"Hindi, apparition lang ako." bara ko.
She smirked and rolled her eyes, "Ha, ang laki na talaga ng pinagbago mo. From that innocent Kyungsoo to this," She scanned my whole being with disgust, "Bitch Kyungsoo." Tinaasan ko lang din sya ng kilay and acted as if I heard nothing. Binalingan ko si Jongin na nananatiling walang imik. He still has this bronze skin colour and dark hair.
Sobrang miss ko na talaga sya.
"Jongin, pwede ba tayong mag-usap?"
He flashed his devilish smirk again. Humakbang sya papalapit sa akin. Pinigilan pa nga sya ni Krystal pero hindi sya nagpapigil. "Paanong usap ba ang gusto mo? The last time I checked, it only means one thing for the two of us, Kyungsoo." Butterflies appeared in my stomach when he said my nickname and suddenly leaned a bit forward to whisper something on my ear. "Sex. Nakalimutan mo na?" Napatitig ako sa mga mata nya.
His eyes full of hatred.
Usap = sex. Yes, secret code namin.
Mentioning about it, I remembered those days when everything is okay. When he's still mine and I'm his. Aw.
"Jongin, usap tayo." I texted him. Nakangiting inilapag ko ang phone ko sa counter at isinuot ang apron kong wonderwoman ang design. Huehue. Tapos kay Jongin yung Superman. Magluluto ako at magpriprito ng chicken dahil ito ang favorite nya. Chix kasi sya. Wala pang kalahating minuto ay narinig ko na ang pagbukas ng pinto. "Jongin, ikaw na ba yan?"
Hindi sya sumagot.
"Bulaga!" panggugulat nya at niyakap ako mula sa likuran. "I missed you."
"Ano ka ba naman, baka masubsob ako dito sa mantika! Sige ka!"
"Sorry bae, naeexcite lang ako." sabi nya at inilapit ang labi nya sa leeg ko. Nakikiliti ako sa ginagawa nya kaya hindi ako makapagconcentrate sa priniprito ko. "Tama na yan, Kyungsoo. Hum? Hindi naman ang ipagluto ako kaya mo ako tinext di ba? di ba? di ba?" ani nya still peppering kisses on my neck as if leaving some hickeys."Halika na,"
Kumawala ako sa pagkakayakap nya at isinabit ang kamay ko sa leeg nya. Looking into his eyes, mahihirapan kang magpigil. I won't get tired just by looking at it all day while stroking his perfect facial features. "Excited much? Kailangan mo munang kumain, okay?"
Then he kissed my lips, "Ayaw ko,"
"Kakain ka sa ayaw at sa gusto mo!"
"Kakain ako pero iba kakainin ko," He said wiggling his eyebrows.
"Get a room you two! Walang masama sa paglalandi, 'wag nyo lang sunugin ang boarding house, okay?" singit ni Baekhyun habang may hawak na talong at winawagway sa ere. Paglingon ko, umuusok na ang kawali. Hala! "Landian pa more! Sandali nga," Inilabas nya ang phone nya, "Chanyeol! Nasaan ka na bang tukmol ka? I-prito mo ako ng torta, tangina mo ka! Bilisan mo! Miss you, gege. Mwah!"
Those days are the best days.
Mahirap kalimutan.
Masakit alalahanin.
"Hindi yung usap na yun, Jongin."
"Meron ba tayong dapat pag-usapan? Wala naman di ba?! Tapos na tayo, Kyungsoo. You ended it yourself few years ago." Napayuko ako. Harsh Jongin is back, congrats! Hindi na ako nakasagot dahil dun.
"And oh btw, pwede bang 'wag ka ng magpapakita pa sa akin?" Nanatili akong nakayuko dahil naiiyak na ako. Yun na ata ang pinakamasakit na salitang narinig ko mula sa kanya. Tanggap ko kung murahin nya ako pero hindi kilala? Masaquette ateng!
ㅜ@g0shz!
Naramdaman ko nalang ang presensya nyang tumalikod at ang pagtawag ni Krystal sa kanya. What have I done?
"Kyungsoo, okay ka lang?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na yun; si Taehyung na may hawak na dalawang ice cream habang dinidilaan yung isa. "Oh, libre ko na yan. Sa susunod ako ah? Oh? Problema mo?"
Napabuntong-hiningang inabot ko yung ice cream. "Salamat, Taehyung ah? Ah, pwede ka bang kumanta?"
"Ha? Anong kanta?"
"Kahit ano, syet!"
"Sinaktan mo ang puso ko, sina-"
"Palitan mo, ambaho!"
"Di ko kayang tanggapin na mawawala a na sa akin. Napakasakit na marinig na ayaw mo na sa akin. Hapdi at kirot ang-"
"Tsanggala, yung masaya naman!"
He scratched the back of his head, "You know what to do with that big fat butt-"
"Wiggle wiggle. Urur with feelings."
"O, okay ka na? Gusto mo ng temerd?"
Nanlaki ang mata ko, "Ano?!"
"Temerd, maghahanap ako sa vending machine dito." Shabu pa, Taehyung ah?
"Lupit mo bae. Oh itong bente, hanap ka ng temerd ha? Uuwi na ako, gusto ko ng umuwi Taehyung." Uuwi na ako dahil gusto kong maiyak. Hindi kita kilala. Hindi kita kilala. Paulit-ulit yun sa isipan ko. Tagos hanggang buto ateng. Tagos na tagos. Wasak na wasak ang puso ni Nasty Mak.
BINABASA MO ANG
KaiSoo: Let Me In [Completed]
FanfictionDo Kyungsoo was suffering from deep agony and frustrations, keeping the reason to himself, he left the man he loves, Kim Jongin. Now he's back, will Jongin let him back into his life again? Find out.