Kyungsoo
"Nasan si Jongin?" tanong ni Baekhyun kay Chanyeol sa telephono. Nandito kaming apat ngayon sa loob ng sasakyan. Si Luhan ang nasa driver seat, ako sa gilid nya at nasa likuran naman si Baekhyun at Taehyung. Full support sila sa panghuhuli ko kay Jongin. Isa kasi syang malaking isda na dapat mapasaakin ulit; by hook or by crook.
"Loudspeaker mo, Baek." utos ko.
"Nasa hospital daw sila." sagot ni Chanyeol.
"Ha? Sila? Saang hospital naman yan?"
Nagkatinginan kami nila Luhan.
Chanyeol hissed, "St. Nicholas,"
"Anong ginagawa nya dyan?" singit ni Luhan.
"Magpapatuli daw si Minseok at Junmyeon."
Biglang hagalpak kami ng tawa. "Kaya naman pala hindi tumatangkad yung dalawang yun kasi ngayon palang magpapatuli. Bwahah. Sge bae, bye. Love you! Mwah!" tawang-tawa si Baekhyun, kitang-kita ko na nga ang ngala-ngala nya tapos napatingin sila sa akin, "Ikaw ba, Kyungsoo, nagpa--"
"Tingini mo ka, 'wag mo ng ituloy yang sasabihin kundi hindi ka na sisiskatan ng araw." I set my rounded prying eyes on them. Lalo naman silang napahagalpak ng tawa. Walanjo 'tong dalwa na 'to. Hinampas ko nalang si Luhan sa braso and then, crossed my arms. "Hindi nyo tinanong kung saan yung St. Nicholas."
"Madali lang yan, hahanapin natin sa youtube."
"Seryoso, Taehyung?!" ani ko.
"Magpost sa FB. Marami sasagot dun."
"Galing mo, Baek. Post ka na dali!" sabi ni Luhan at sinandal ang ulo sa bintana. Nakaka-asdfghjkl talaga 'tong dalawa na 'to. Nakakahilo lang kausap. Hay, sarap nilang pag-uuntugin. Shabu pa!
"Walang nakakaalam ng google map?" singit ko.
"Onga. Tanga mo talaga, B!" sabi ni Luhan.
"Mas tanga ka, may navigation kotse mo, bobo nito."
Binatukan ko si Luhan at huminga ng malalim. "Fuchsia, hanapin nalang natin yang pistingin St. Nicholas, pwede ba?" bulyaw ko sa kanila. Muntik ng mabitawan ni Baekhyun ang cellphone nya't lumuwa naman ang dila ni Taehyung dahil sa malakas na pagsigaw ko.
Tumunog ang CP ni Taehyung.
"May nagtext ata sayo, anak." sambit ni Baek.
Seryosong binasa ni Taehyung yung text at tahimik na nagreply. Sinet naman ni Luhan yung navigation at lumarga na kami sa wakas. May tiwala naman ako sa navigation skills ng usa na 'to. Tulad ng inaasahan, nakarating kami ng hindi naliligaw. Agad na hinanap namin si Jongin at isang eksena ang hindi inaasahang makikita ko. Pakiramdam ko gumuho ang mundo ko.
Masaquette.
--------------------------------------------------------------------------------------------
Jongin"Nasan ka?" tanong ni Chanyeol.
"Langya, bat mo ba laging tinatanong?"
"Wala lang, baka this time makulong ka"
"Nasa hospital kami."
"Saang hospital yan?"
"Detective ka ba ha?" pabalang na sagot ko at napatingin kay Minseok at Junmyeon na kanina pa palakad-lakad sa hallway ng ospital habang nag-aantay ng turn nila. "Hoy, umupo nga kayong dalawa! Nakakahilo kayo!" sigaw ko sa kanilang dalawa pero parang bingi lang, hindi ako narinig.
"Anong ginagawa nyo dyan?"
"Magpapatuli si Minseok at Junmyeon." Puro tawa nalang ni Yoda ang narinig ko sa kabilang linya. Binabaan ko nga. Ipapasok ko na sana ang phone ko blusa ng pants ko nang biglang may vibrate yun.
From: +6390945676***
N4S@4N KU4H?
B4qet 'd! m0e $1n4s@g0t 4n6 m6@ t4w6 k0e?
PUTHO N! M@RI4, $UM@GOT KU4H!
Tingini, sino ba 'tong jejemon na 'to?
Hindi ko na sana papansinin ang text nya pero tumawag naman. Kinancel ko muna ng tatlong beses pero masyadong mapilit. Sinagot ko nalang para murahin. "Bakit ba hindi mo sinasagot ang tawag ko? Pati mga text ko?! Nang-aasar ka ba, Jongin? Nandito ako sa St. Nicholas kasi nagpacheck-up ako, sunduin mo ako." Lupit ng kapit nito kay Hades, timing pang nandito rin sya? WTH. "Nasaan ka ba -- huwag mo ng sagutin nakita na kita." Hindi na ako nakasingit. Mumurahin ko sana, si Kystal lang pala. May pagkajejemon palang tunay ang babaeng yun.
Lumingon ako at nakita ko syang papalapit sa akin.
"BEBE KO!" Tumakbo sya papalapit sa akin at niyakap ako. Hindi na ako nakapag-react. Nagulat nalang ako nang bigla nya akong hinalikan. It was just a smack, actually. Nang magawi ang mata ko sa may hagdan, nakita ko si Kyungsoo kasama sila Baekhyun. Sa kaonting distansya na yun, I saw a tear fell down from his eyes and he started running kaso may pagkalampa talaga si Kyungsoo kaya;
.
.
.
nag-the grudge sya sa hagdan.
BINABASA MO ANG
KaiSoo: Let Me In [Completed]
FanficDo Kyungsoo was suffering from deep agony and frustrations, keeping the reason to himself, he left the man he loves, Kim Jongin. Now he's back, will Jongin let him back into his life again? Find out.