xli. imminence

5.5K 243 48
                                    

Natahimik ng ilang segundo si Jongin at saka huminga ng malalim. "Sorry, Krystal, pero hindi ako ang taong nararapat para sayo. You know I'm inlove with someone else and that 'someone' is unfortunately," He paused, "Not you, Krystal." prankang sabi ni Jongin habang nakatingin dito.

#BoomSakitSaPEMPEM

Naiirita ako kay Krystal pero at the same time, naaawa ako sa kanya. She must have love, Jongin that much para pagmukhang tanga ang sarili nya. Sabi nga nila, kung mahal mo talaga, matuto kang magparaya dahil kung para sayo -- sayo. Naging busy si Jongin nang araw na yun. Hindi ko nga sya masyadong nakausap after nung incident kay Krystal. Hindi na rin ako lumabas ng kuwarto dahil baka may makita pa akong hindi kanais-nais. Mabadtrip pa ako 'di ba?

Hindi nila nasolusyunan ang nangyari so to cover the said issue, wala ng babayaran si Jongin but the investigation will still goes on. Kaya lang ang ipinagtataka ko, parang planado ang nangyari, to think na nabura agad ang CCTV file ng araw na yun. Hindi ko alam ang iisipin ko pero kinukutuban ako. Tinanggap ni Jongin ang offer ng hotel without saying anything. Bakit? D:

"Okay ka lang?" Jongin asked.

"Yes." sagot ko. 'Di kami nakapagusapan ng maayos ni Jongin dahil kasabay namin sa eroplano si Tamara at KC. Same flight pa, oo. Kamalasan, e. Naunang umalis sila paglapag ng eroplano kaya inihatid ako ni Jongin pauwi. Mamimiss ko ang Santorini. Paradise sana kaso, ang daming nangyari dun. "Magiingat ka. Tawagan mo nalang ako sa  landline. Take a rest. Matatapos nyo rin yan lahat before deadline." I said trying to cheer him up, "Mauna na ako."

Baba na sana ako kaso hinawakan nya ang braso ko pagkatapos ay sinunggaban ako ng halik sa labi. The kiss lasted for a few minutes. Halos malunod ako sa halik nya. Tumaas ang kamay ko sa batok nya saka nilapit sya lalo sa akin. "See you soon." He said as he distant himself from me while gently caressing the bottom of my lips. I just found it really sweet when he do that.

Jongin is sometimes sweet and sour.

"I'll miss you." sabi ko.

Bumaba na ako ng sasakyan pagkatapos nun. Hindi muna ako pumasok hangga't hindi sya nakakalayo. Sa loob, naabutan kong nanunuod ng TV ang mag-inang si Baekhyun at Taehyung. Napatayo silang dalawa nang makita ako. "Pasalubong ko! Yahoo!" Itinapat ko ang palad ko sa mukha ni Taehyung. Gagu, pasalubong agad ang bungad sa akin. "Huhu! Bakit hyung? I-Ito pasalubong namin? Luh, wala bang bulaklak para sa kuko ko dyan?" Tinigan ko ang paa nya. Aba, hindi nga nagbibiro ang loko. Condolence!

"Leche ka!" impit ko at inilapag ang hawak kong bagahe sa couch. "Oh ito pasalubong mo, panghilod. Ang dami mo kasing libag." Napanguso sya sa sinabi ko, "Nasaan nga pala si usa? May date na naman ba sila ni Sese?" Tinignan lang nila ako na parang sinasabi nilang 'oo tumpak, alam mo yan'. "Gagu yun! Kung babae yun, taon-taong buntis yun. Lantod masyado ni Lulu deer."

"Tag-lamig na raw kasi." ani ni B.

Inabot ko sa kanila yung mga pinamili ko't pumasok na sa kuwarto para magpahinga. Sobrang napagod kaya maghapon akong tulog. Nagising ako ng bandang 8PM na at naisipan nalang naming tatlo na kumain sa labas. Sa isang Restaurant kami sa malapit. Tinatamad kasi akong magluto kaya dito ang bagsak namin. Sayang wala si Luhan.

"Ano sayo Taehyung?" tanong ko.

"Kahit ano basta nakakain." sagot nya.

"Osge," I clapped ng hands, "..kanin lang sa kanya para tipid tayo. Magrequest kayo ng maraming sabaw ng monggo." Hinampas lang ni Baekhyun ang braso ko sabay tawa ng malakas. "Dagdagan mo pa ng pakbet. Gusto mo, Taehyung? Pakbet na walang okra at talong at saka Chopsuey na rin na walang gulay ah? Sa akin? Torta na lang. Yung toasted ah? Kasing toasted ni ano."

"Pitingini mo, Kyungsoo!" bulyaw ni B.

Magsasalita pa sana ako kaso napansin ko ang isang pamilyar na hubog na papasok sa loob ng Restaurant. Sino? si Jongin at Tamara lang naman. Tingini. Umupo sila malapit sa table namin. Pero si Jongin ay nakatalikod sa gawi namin. Bakit naman sila magkasama? Business pa rin ba 'to?

"Oh, si Jongin yun-" Sinipa ko ang paa ni Baekhyun sa ilalim ng table. "Aray ko! E, bakit ba? Kayo na ulit 'di ba? Teka, sino ba yung kasama nyang girlalo?" Hindi na ako sumagot pa. Ang haba kasi tinatamad ako magkwento. "Ah, sya ba yung sinasabi ni Luhan na Tamara? Yung ex ni Jongin -- aray ko! Sakit ah!" Sinipa ko ulit ang tuhod nya at pinatungo sya sa lamesa.

"Shh, 'wag kang maingay!" sita ko.

"Sugurin na ba natin?" ani ni Taehyung.

"Onga, kalbuhin na ba?" said B.

Napafacepalm ako sa kanila, "I-take out nalang natin ang pagkain. Kayo ng bahala, aantayin ko kayo sa labas." sabi ko at saka tumayo. Iniwasan ko ang table nila Jongin. Hindi ko alam kung napansin nya ako kasi kausap nila yung waiter. Sa labas, tinignan ko sila. Naguusap sila. Seryoso ang mukha ni Jongin habang nakikinig kay Tamara.

Jongin, ano na naman 'to?

Maya-maya lang ay nakalabas na rin sila Baekhyun. "Tanga ka ba, Kyungsoo?" Ito ang bungad nya sa akin, "Bakit ikaw ang lumabas ha? Santa santita na naman ang peg mo, 'di bagay sayo! 'Wag kang feeler! Kyung with sungay ka gaga! Sakit mo sa puson. Paguntugin ko kayo ni Jongin, e!"

"Meeting lang yun sabi.. nya."

"Meeting? Dalawa lang sila?" Hindi na ako sumagot pa. Sumakay kami ng taxi pabalik sa apartment pero pagbalik namin, isang hindi inaasahan ang aabutan namin. Ang gulo-gulo ng bahay na parang dinaanan ng bagyo. Basag nga halos lahat gamit namin. "Pinasok tayo! OMG! Ang nga eyelinersss ko! Fck! Magkakamatayan na magkulang lang 'to ng isa!!" sigaw ni Baekhyun.

Eyeliner pa more, B. Leche ka.

Hindi ako makagalaw. Iginala ko ang tingin ko sa kabuohan ng apartment. Paano kami napasukan? Syet. "Check nyo ang gamit nyo. T-Tawagan mo si Luhan, Taehyung. Sabihin mong u-umuwi na sya." Dahil sa kaba, nanginginig ang labi ko. Paano kong nadatnan kaming nandito pa? O, inantay talaga nilang umalis kami? Umupo ako sa couch at dun ay may nakita akong sobre.

Binuksan ko ito at binasa;

.

.

.
"Your time is ticking, Do Kyungsoo."

KaiSoo: Let Me In [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon