xlv. unbearable truth

5.4K 236 55
                                    

"I'm Kyungsoo." pagtutuloy ko. Ngumiti lang sa akin si Top habang ang kambal naman ay nagtatakbuhan lang sa sala. Malaki ang unit na yun. Two floors ang equivalent nya and modern type na rin. Pinaupo ako ni Noona sa couch. Grabe, naiilang ako kasi katapat ko si Jongin habang si Tamara naman ay nasa kusina.

"Di ba marunong kang magluto?" tanong ni Noona Joan. Tumango ako. "Tulungan mo naman kami ni Tamara. For our dinner na 'to. Dito ka magdinner ah?" Gusto kong humindi pero alam kong pipilitin lang nya ako. Tinignan ko si Jongin pero hindi sya makatingin ng diretso sa akin. For the past few days, hindi na talaga sya nagpakita sa akin. I guess, this is really goodbye. End.

Yung feeling na kasama mo yung karibal mo. Alam mo yung feeling? Parang gusto kong tumalon sa building. "Let's see kung sino ang mas masarap magluto sa inyong dalawa." Natatawang sabi ni Noona Joan. Nagkatinginan kami ni Tamara. Sa akin na ang korona kung yan ang usapan. Hagis ko 'tong kutsilyo sa noo ni Tamara, e. "Hahah. Biro lang.. Hindi naman mahirap pakainin si Jongin, chicken lang ihain mo okay na."

Natawa si Tamara. Alam nya kaya?

"Up until now, ganun pa rin sya. Kaya lang allergic ako dun, Eonni, e. Pati sa hipon or any other seafoods." Napangisi ako sa isip ko. May naisip akong kalokohan. Kumuha ako ng bowl at inayos ang mga gagamitin ko. "Anong lulutuin mo, Kyungsoo?" She asked. Lumayo ka na at baka makita mo pang nilalagyan ko ng lason 'to. De joke!

"Soup. Marami ng naluto, e." Gagawa ako ng soup at bubudburan ko ng tinadtad na hipon. Maya-maya ay umalis si Tamara at naiwan kami ni Noona sa kusina. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Gusto ko syang tanungin kung alam nya ang tungkol sa amin ni Jongin or, if she is against us?

"I know what you feel." Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Noona Joan, "Alam ko kung anong meron kayo ni Jongin -- noon at ngayon, Kyungsoo. I know you are hurt and so is my brother. I wished I could help but there is nothing I can do for now." She tapped my shoulder, "I'm not against you even from the start. Kung saan masaya ang kapatid ko, dun ako. Just be strong, uhm?"

Tumango ako. Hindi ko alam kung ano ang irerespond ko sa sinabi nya. Should I say thank you or, something? Honestly, hindi na ata gumagana ng maayos ang utak ko. Iniwan nila ako sa kusina kaya ginawa ko na ang binabalak ko. Nagtadtad ako ng hipon. Pitingini! Sigurado na ba ako dito?

"Umuwi ka na, Kyungsoo."

Napatigil ako. Si Jongin.

Lumapit sya at hinawakan ang braso ko. Ilang araw lang ang nakalipas nung gusto nyang ituloy kung anong meron kami and now, he's trying to shoo me away. WTH?! Hindi ako aalis hangga't hindi ko nakikita na namumula na si Tamara sa allergy nya. Hindi ako ganun kasama. Hindi talaga!

"Hindi ikaw ang host, Jongin. You have no right para magpaalis ng guest ng kapatid mo. Isa pa, bakit hindi ka nalang bumalik sa labidabs mo at gagawa pa ako ng soup? Nakakaistorbo ka kasi, alam mo yun?" inis na sabi ko sa kanya. Small ridges formed on his forehead. Napaungol ako sa sakit nang hawakan nya ang braso ko "ARAY!"

"Go home, ples." He pleaded.

"Pasensya na, Jongin, pero sementado na kasi ang ulo ko, matigas na. Barado na rin ang tenga ko, hindi na makarinig. Sarreh." Tinalikuran ko agad sya pagkatapos kong sabihin yun. Ipinagpatuloy ko ang paggawa ng soup. Ramdam ko pa rin ang presensya nya sa likod ko pero hindi ko sya pinansin.

Tinulungan kong maghain si Noona Joan habang nakikipaglaro kay Maine. Hawak nya ang laylayan ng shirt ko at nakasunod lang kahit saan ako magpunta. Tren daw kasi kami. Si Jacky naman ay inaantok na at wala na sa mood makisali. Sa dining table, magkatapat kami ni Jongin. Banas. Bakit sakto pa? Baka hindi ako makakain.

Saktong pagsubo ko ng kanin, may narinig akong iyak ng bata sa kuwarto malapit sa dining. May isa pang anak si Noona Joan? Pero kambal lang ang alam kong anak nya. Nagulat ako ng i-excuse ni Tamara ang sarili nya at tumayo. Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa makapasok sya sa pintong pinaglabasan ni Jongin kanina. After a few minutes, buhat-buhat nya ang batang lalaking umiiyak. Pulang-pula na ang pisngi nito at ang puti. My lips parted.

Bakit magkamukha sila ni Jongin?

"Gutom na ata si Taeoh." sabi ni Top sabay subo ng kanin kay Maine. Napatingin ako kay Jongin. All I could see is sadness in his eyes. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. "Grabe, manang-mana ang batang yan sa Daddy nya. Kulay lang ata ang hindi 'di ba hon -- aray! Bakit mo naman ako siniko?" bulalas nito. Daddy? Sino ang tatay nito?

No. This can't be. Hindi sya 'di ba?

Maganang kumain si Taeoh. Sa tansya ko nasa apat na taong gulang na sya or tatlo. I only stared at Jongin for a few sec, trying to transmit all of my questions hoping for his confirmation but still, I got nothing. Hindi naman maikakailang anak nya si Taeoh dahil magkamukha silang dalawa.

"Parehong-pareho rin kamo silang mahilig kumain ni Jongin." Natatawang komento pa ni Tamara, "I kept my pregnancy as a secret because of my career. I stayed in California where my Dad is working until I gave birth to Taeoh. Pero walang baho ang hindi umaalingasaw. I struggled. Had the worst year but still, I made it. And now, today is the happiest day of my life." Bumaba ang kamay ko sa kamay nyang hinawakan ang kamay ni Jongin. I felt something whacked my heart. OUCH!

Anong laban ko kung pamilya na sila?

A happy family right in front of my eyes. Gusto ko ng maiyak sa oras na yun. Ang selfish ko ba kasi ang kaligayahan ng iba parang burol sa akin? I know it sounds so rude pero nagpaalam na agad ako in the middle of our dinner, telling them that I have some errands to deal with. Ni hindi man lang nagalaw ang pagkain ko kaso pagtayo ko biglang naguuubo si Tamara.

"Jongin, I.. I.. can't breathe." sabi nito.

Habang nagkakagulo na kami, iyak naman nang iyak si Taeoh sa high chair. Siguro ay nararamdaman nya rin ang nangyayari sa Mommy nya. Namumula na si Tamara. Oh sh!t lang. Don't tell me umaatake na ang allergy nya? Isinugod agad namin sya sa ospital ni Jongin. Grabe, kinabahan ako kasi nakita ko kung gaano sya nahirapan.

"Jongin, I-I'm sorry. Hindi ko naman alam na ganun pala kagrabe ang allergy nya sa seafoods. Kasi nilagyan ko-" He cut me off. I groaned in pain because of his tight grip on my arm. Hinila nya ako papasok sa may fire exit. Matalim na tinignan nya ako. Galit na galit sya. "Jongin, nasasasaktan ako."

"Ano yung ginawa mo, Kyungsoo?! Muntik mo na syang mapatay! Paano kung may mangyaring masama sa kanya?! Paano ka!?" I avoided his gaze. 'Di naglaon ay lumuwag ang kapit nya sa braso ko. I told myself I won't cry but look at me now.

"Totoo ba?" I asked.

Tumango sya at natahimik, "Nung una hindi ako naniwala pero pinakita nya sa akin ang DNA test ni Taeoh." Hindi ako nakasagot.  "Please, don't do anything foolish." He added as he pulled me into a hug. Agad naman na tinulak ko sya palayo sa akin. I missed Jongin. I missed his arms around me pero si Taeoh, naiinis ako sa sarili ko. It feels like as if I'm taking his happiness away from him; HIS father.

It's not because of Tamara why his having a hard time to choose. Now I know exactly, it's because of Taeoh. I sniffed, "For his sake; let's avoid each other, Jongin. I know you'll be a good father. I won't bother you no more. I guess, hanggang dito nalang talaga tayo. You can't never," I hold my breathe, controlling my tears, "..be mine."

Inabot ko ang kamay ni Jongin at isinauli sa kanya yung recording pen before I bid him our one last kiss. Iniwan ko na sya pagkatapos nun. Hindi ko mapigilan ang pagbagsak ng luha ko. Hindi ko na nga makita ng maigi ang daraanan ko. Tingini. Napatigil ako sa paglalakad nang matanaw si Jinsu sa harap ng gate. Teka lang, sa iba na ako umuupa. Bakit dito ako dinala ng mga paa ko? Wala na ako sa sarili ko. I think I'm going crazy.

Nagulat nalang ako nang yakapin ako ni Jinsu. "Alam ko na ang sagot sa tanong ko, Kyungsoo." I felt his chin above my head. I was having a hard time to decipher that dahil masyado akong naapektuhan sa kinahantungan namin ni Jongin. "It still does remembers it. And, I'm glad it is you."

Napahiwalay ako sa kanya, "So does that mean-" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang tumunog ang cellphone ko. Binuksan ko yung MMS. Picture sya. Picture namin ni Jinsu at this very moment. Magkayakap at naguusap. Nasa tabi-tabi lang sya.

Tingini!

KaiSoo: Let Me In [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon