He lied but I'll keep my promise. Para san pa ang lahat kung susuko na ako 'di ba? I promised him that I'll never give up on us, no matter what happen. No matter what. Naks engrish. Drama. Natatae tuloy ako.
Nagbihis ako at saktong paglabas ko ng kuwarto ay tumunog ang landline. I was about to answer it pero inunahan ako ni Jongin. Kasalukuyan nyang pinupunasan ang basang buhok nya pero napatigil at napatingin sa akin. I wonder kung ano ang sinabi nung kausap nya. Binaba nya ang tawag at lumapit sa akin. He gripped my wrist tightly, pinning me against the wall. His prying eyes. Bakit galit ata sya sa akin?
"How long did you plan to hide it?" He asked with gritted teeth, "You make me feel so stupid! Alam na nilang lahat at ako nalang ang hindi, Kyungsoo!!" I watched his heavy breathing as he looks at me with so much anger, "Mabuti nalang at hindi kayo nasaktan." Humina ang boses nya at sinuri ang braso ko't kung saan pa. Sobra syang nagaalala. Yun ang nakikita ko sa mga mata nya. "May tinatago ka pa ba?"
"Jongin," I paused, "..it's about-"
"Yung teddy bear!" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko. I was about to confessed what happened for the past two years. Pumasok si Jongin sa kuwarto at kinuha yung teddy bear. Hiniwalay nya ang ulo sa katawan at may nakita kaming camera sa loob nito. We were under surveillance? By whom? For what? Jongin let out a groan out of frustration.
"Fck!" He cursed, "Stay here."
"Saan ka pupunta?"
Hindi nya sinagot ang tanong ko, "Listen, Kyungsoo. Dito ka lang. Mas safe ka dito dahil may security sa baba. Matulog ka na. 'Wag mo na akong antayin." Pagkatapos nyang sabihin yun ay dinampian nya ako ng halik sa noo at saka nagbihis tapos ay umalis na sya. Naiwan akong nagaalala. Kahit na sinabi nyang 'wag ko na syang antayin ay ginawa ko pa rin. Alas-dose na ng gabi pero hindi pa rin sya bumabalik.
Sana okay lang si Jongin, I prayed.
Humiga ako sa kama hanggang sa tuluyan ng hilain ng antok ang talukap ko. Nagising nalang ako nang maramdaman ang kamay ni Jongin na pumulupot sa akin. I held his hand as if I don't want to let it go. "Sleep, go back to sleep." He whispered with his face on my neck. Yun lang, hindi na ako makatulog. "Kyungsoo," I only hummed when he called my name, "Anong gagawin mo kapag gusto mong tumalon sa cliff but someone is stopping you?" He asked like some kind of a puzzle. E, tatalon sa cliff?
"Bakit naman tatalon?"
"Para makasama yung mahal mo."
"Hindi ko alam." sagot ko.
"Bakit?"
"Masisira ang beauty ko kapag tumalon ako." sagot ko. Naramdaman kong lalong humigpit ang pagkakayakap ni Jongin sa akin bago sya natawa. I pinched his chest. "Don't you ever ask such weird things to me again, Jongin. Lalayasan kita, sige ka."
"I won't.. I love you."
"I'll always remember that, Jongin."
✘✘✘
Makalipas ang ilang araw nandito pa rin ako sa condo ni Jongin. Ayaw na nya ako paalisin. Mas panatag daw syang nandun ako. Nagbilin na rin sya sa lobby patungkol sa mga bibisita sa amin. Today is our 12th day. Ito na sana ang last day ko kung hindi kami nagkabalikan and guess what? Ito rin ang araw ng birthday ni Tamara. Actually, on the way na kami ni Jongin dun. Pansin ko lang na wala si Jongin sa sarili nya sa mga nakalipas na araw. After nung umalis sya ng gabing yun. The question and such. This myriad problems won't let me sleep.
Give me some slack.
"Kyungsoo, bumalik nalang tayo."
"Ha? Nandito na tayo, e." ani ko. Nandito na kami saka sya magbaback out. Tingini nito ni Jongin, gulo ng lahi. Pinaghandaan ko pa naman ang araw na 'to. Naglagay ako ng gel, bae. Ang pogi ko, pitingini eh.
"I'm just worried na baka-"
"I'm okay. I won't get jealous."
Pinisil ni Jongin ang kamay ko bago kami bumaba sa sasakyan. Maraming tao who are mostly celebrities and colleagues ng birthday celebrant. Sinalubong kami ni Tamara nang makita nya kami. Napansin ko agad ang tingin na ibinigay nya kay Jongin. It was something really different.
Hindi ako magseselos. Tingini. Bakit ba kasi kahit anong suotin ni Tamara bagay lahat sa kanya? Red dress fitted her well. Kurbang-kurba ang hugis ng katawan nya dito. I crriiiiii. I DEMAND NA HABAAN ANG LAHAT NG DRESS AT LAHAT NG BABAE AY MAGTURTLE NECK! Mamatay na ang ayaw!
"Mabuti at nakapunta ka, Kyungsoo." She said smiling, showing her full teeth. "Enjoy the party. Mhm, Jongin?" Naitikom ko ang kamao ko nang balingan nya si Jongin na tahimik sa gilid ko, "Can we talk? Um, may gusto lang akong ipakita sayo." She said. Tinignan ko si Jongin na parang sinasabi ko na 'wag syang sumama but nothing good came out of it. Sumama pa rin sya.
Fuchsia, usap na naman?
Sinundan ko sila ng tingin nang umakyat sila ng hagdan. I suddenly felt this urge to follow them. Masyado talaga kasi akong nababahala, isipin palang na aakyat sila't baka pumasok sa isang kuwarto at hindi nga ako nagkamali. Pumasok sila sa silid malapit sa may hagdan. My grip tightened at the bottom of my shirt. Gusto ko silang pasukin. OMG. May sunog labas!
Kinagat ko ang labi ko.
Palakad-lakad ako sa labas at napatingin sa relo ko. Twenty minutes na sila sa loob. Ang tagal naman nilang mag-usap? Argh! Lumapit na ako at bahagyang binuksan ang pinto para silipin sila and I wished I never did. I shouldn't have opened that door kung ganun ang masasaksihan ko. Nakita kong umiiyak si Tamara na syang niyakap naman ni Jongin. I felt a small pinch on my chest. Isinara ko ang pinto.
Bumaba ako at lumabas sa garden. Wala lang yun 'di ba? WALA lang. Sa totoo lang, nagsisisi ako. Nagsisisi ako at tumuloy pa kami. Sana pala, pumayag na ako nung sinabi ni Jongin na bumalik nalang kami. But wait, baka binasted lang sya ni Jongin? Possible naman 'di ba? Nagawa na nya kay Krystal yun. Isipin palang na sasabihin nya kay Tamara na ako ang apple of the eyes nya ay kinikilig na ako. Possible 'di ba?
"Kyungsoo," Napalingon ako, si Tamara.
"Oh? Tapos na kayo magusap?" Nagtama ang mata namin ni Jongin. Binigyan ko sya ng makahulugan na tingin pero agad syang nagiwas. There was something different with his eyes. I knew him too well. I could easily tell the difference. I could feel that there is something. Kinakabahan ako.
"Kyungsoo, dahil ikaw ang close friend ni Jongin, sayo namin unang ibabalita ito." Malapad ang ngiting sabi ni Tamara na syang ipinagtataka ko lang. Kanina lang umiiyak sya ah, tapos ngayon nakangiti? Napatigil ako sa pagiisip nang hinawakan nya ang kamay ni Jongin. "Um, hindi man natuloy yung favor ko sayo, okay lang kasi;
.
.
.
Jongin and I, are back together."Tila ba nabingi ako.
Tinignan ko si Jongin. So this is why his eyes looks so sad. He was sorry. Sorry kasi ginago nya ako? Sorry kasi sinira nya ang tiwala ko? Sorry kasi pinagpalit nya ako? Sorry kasi gago sya? O, sorry kasi ang itim nya?! Tingini. Magsama silang dalwa!
Ano yung pinagusapan nila that made him choose her over me? Ano yung pinakita ni Tamara? Fuchsia. Iyak lang pala ang gusto nya, e. Sige iiyak ako! Paano na ako? Sino ng maglilibag sa akin ngayon? Masyadong masakit. He told me he loves me. He told me to trust his words, to never give on us. Anong gagawin ko? Nanghihina na ako.
On our 12th day, is this the end?
Hindi ko na kaya. Nagtitimpi na ako. Hindi ko na kaya. Syet. Hindi ko na kaya. Hindi ko na kaya iuwi pa 'to sa bahay, nauutot na ako.
BINABASA MO ANG
KaiSoo: Let Me In [Completed]
FanficDo Kyungsoo was suffering from deep agony and frustrations, keeping the reason to himself, he left the man he loves, Kim Jongin. Now he's back, will Jongin let him back into his life again? Find out.