xlii. intense colloquy

5.1K 237 38
                                    

"You're time is ticking.. Do Kyungsoo."

Napaupo ako sa couch dahil dun. Threats. Sino ba ang nagpapadala sa akin nito? At ano bang gusto nyang gawin ko? Tinignan ko sila Baekhyun at inaayos ang gamit. Si Taehyung naman ay winawalis ang ilang bubog. Natatakot ako. It feels like I'm just putting them in danger. Kailangan kong umalis kundi madadamay sila. No, ayoko ko. Hindi ko hahayaan na mangyari yun.

"Maybe, I'll just stay at somewhere."

"Ha? Bakit? Nireport mo na ba sa police ang nangyari? Magpablotter tayo. Dapat siguro ay dagdagan na ang sekuridad sa lugar natin, e." dire-diretsong sabi ni B. Napayuko lang ako. "O, ano yan?" Kinuha nya ang hawak kong papel. Tinignan nya ako and from that look, alam nya na ang iniisip ko. "This is not your fault. 'Wag mo masyadong dibdibin, Kyungsoo. Cheer up, may pwet ka pa. Napapalitan naman 'tong mga gamit. Aleast, walang nangyari sa atin. Yun lang." Tinapik nya ang balikat ko. Lalo akong naging emotional. Bakit kailangan pang humantong sa ganito? Gusto ko lang namang makasama si Jongin; gusto kong maging masaya. Is that too much to ask? Mabuti naman akong MAMAMAYAN? D-:

"Onga, hyung." sabad ni Taehyung.

"I'm doing this for you guys."

"Pero mag-isa ka lang, Kyungsoo." said B.

"Onga, hyung." sabad ni Taehyung.

"Kaya ko naman, e. I'll tell Jongin."

"Would he even care? E, may kasama nga sya ngayong babae dun sa Restaurant 'di ba?" I felt an imaginary knife stabbed right through my chest. Masakit na marinig na may kasama syang babae. But, I trust him. Alam kong hindi nya ako iiwan. "Antayin nating dumating si Luhan para pagusapan 'to. Maybe, he'll have a better suggestion."

"Onga, hyung." sabad ni Taehyung.

"Tingini, Taehyung. Wala ka na bang ibang masabi bukod sa 'oo nga'!? Anak ng nanay mo ka naman talaga oh!" bulyaw ni Baekhyun dito, "Tumayo ka dun. Kukunan kita. #Pinasok kami at ito ang suspek." I burst out in laughter. Kahit na ganito ang nangyayari, GAGU pa rin talaga si B. Hihi.

Dumungaw ako sa bintana at nakita ang isang lalaking nakatayo sa may gilid ng poste. Nakamask at hood sya kaya hindi basta-basta makikilala. Matangakad sya  Pumara ang itim na sasakyan sa tapat at sumakay sya dito. Lalo akong kinabahan.

Inaantay naming dumating si Luhan and kasama nya si Sehun. They all have this worried expression on their faces. A little later, si Chanyeol naman ang dumating. While Jongin, he's out there; walang alam. Hindi ako nagpapigil. Pagkatapos naming maglinis, pinanindigan ko ang desisyon ko.
"Kyungsoo, 'wag na." ani ni Luhan.

/Play the video lyrics./

"Buo na ang desisyon ko, Hyung. Sadya 'to. Ayokong humantong na masaktan kayo sa susunod. They want something from me. Ito lang ang naiisip kong  solusyon." I said while packing my things again. Kadarating ko lang pero aalis na naman ako. Thinking about it, pupuntahan ko ba si Jongin? He needs to know right? "M-Magiingat kayo."

"Kami dapat magsabi nyan." said Luhan.

"I'll be fine." I assured them.

Tinulungan ako ni Chanyeol sa bagahe ko. "Kyungsoo, saan ka tutuloy?" He asked as we were hitting the road. I didn't answer his question. Sa halip ay pumara ako sa tapat ng Condo Bldg ni Jongin. "May unit ka ba dito? O, may kakilala ka? Tulungan ka na namin ni Sehun." Hahawakan nya sana ang bagahe ko pero pinigilan ko sya.

"May dadaanan lang." sabi ko.

Tinignan nila akong dalawa na para bang binabasa kung ano bang nasa isip ko. Ano ba? Anong plano ko? Isa lang ang naiisip ko, gusto kong makita si Jongin. I need him right now. I badly and, deeply need him. I missed his scent. I sat next to his door kasi walang nagbubukas kahit na nakailang doorbell na ako. Wala pa sya. Magkasama pa rin kaya sila ni Tamara? Napailing ako. Ayokong isipin na 'oo' o kung anong ginagawa nilang dalwa. I'm really stirred up with so much fear and worriness. Niyakap ko ang tuhod ko.

JONGIN, NASAN KA BA?

"Kyungsoo?" Nag-angat ako ng tingin; si Jongin. Napatayo ako at agad na niyakap sya. Naramdaman ko ang kamay nyang umangat sa likod ko. "May problema ba?" Hindi ako sumagot. I only buried my face on his chest. "Teka, bakit may dala kang bagahe?" Kumawala sya at tinitigan ako pero nag-iwas ako ng tingin. Hinawakan nya ang kamay ko at binitbit ang bagahe ko. "Tara sa loob." Binuksan nya ang unit nya at pinaupo ako sa couch. "Tell me.."

Sasabihin ko ba? Argh.

"Ha? Wala naman. Pwede bang matulog muna ako dito ngayong gabi?" Tumango sya, "Bakit nga pala ngayon ka lang? Gabi na ah? Meron ka bang tinapos sa office?" Matagal bago nakasagot si Jongin. Gusto kong marinig ang sagot nya. Magsasabi ba sya ng totoo o hindi? Jongin, sumagot ka.

"Meron, galing ako dun."

"Kumain ka na ba?"

"Tapos na." He answered.

"Sinong kasama mo?"

Muli ay natagalan sya, "Ako lang."

Napakagat ako sa labi ko. He lied to me. Bakit? Is he hiding something? Pinigilan ko ang sarili ko. Kinontrol ko ang emotion ko. I don't know what to think anymore. Para bang sasabog na ang utak ko sa lahat ng nangyayari. Pareho kaming natahimik ni Jongin; creating this big walls between us.

"Pupunta ka sa birthday ni Tamara?"

Nagulat sya sa itinanong ko't bumuntong hininga, "Why suddenly asked about it, Kyungsoo? What are you thinking? I hate this kind of atmosphere. You seem distant. Everything seems weird." Hinawakan nya ang braso ko at hinila palapit sa kanya, "I don't wanna lose you again." He almost whispered. I felt this heavy feeling. I don't know if it's just me or, something. "Anong gagawin ko, Kyungsoo? Ayokong mamili."

Is he still talking about the birthday?

"Hahah." I faked a laugh, trying to set the mood differently. "Bakit kailangan mong mamili? Pumunta ka kung gusto mo." I cupped his face, looking directly into his eyes. "I trust you.." ..even if you lied just a while ago. "Or, we can attend together. Mhmm? That sounds much better right? Onga pala, Jongin." Tumayo ako at nilabas sa bagahe yung maliit na teddy bear, "Ikaw ba ang nagbigay nito?" I asked, smiling.

.

.

.

Nangunot ang noo nya, "Hindi?"

Kung ganun, possesion ng hotel 'to?

Kung hindi.. kanino? Sino?

KaiSoo: Let Me In [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon