Kyungsoo
Binuhat sya ni Jongin at nilagpasan ako.
Trust him, yun lang ang dapat kong isipin. Yun ang dapat kong gawin. Ilang minuto rin ang nakalipas bago ko naigalaw ang paa ko. Basang-basa na ako ng ulan at hindi ko na rin matanaw sila Jongin. Nagangat ako ng tingin dahil hindi ko na nararamdaman ang buhos ng ulan. Pinapayungan na pala ako ni Jinsu. Pilit na ngumiti ako sa kanya.
"Babalik ka na sa hotel?" Tumango ako, "I know you're not okay at alam ko ring dahil sa kanya." Napatigil ako sa paglalakad at napatingin kay Jinsu. What makes him say that? Naamoy nya ba ang something fishy? "You're really easy to read, Kyungsoo." He smiled, "I could see it in your eyes. I could feel it by just the way you look at him. He's too important to you and nasasaktan ka sa nakikita mo ngayon." Napayuko ako, "You can count on me as a friend." Naiiyak ako sa naririnig ko. Ganun ba ako kaobvious? Para ba talaga akong open book sa lahat?
"Salamat, Jinsu." sambit ko.
Wala ng nagsalita sa aming dalawa after nun. Hindi ako mapakali. Una, hindi ko na alam kong saan dinala ni Jongin si Tamara. Pangalawa, naiisip ko kung anong iniisip ni Jinsu sa akin. Sabay kami sa elevator pero mas nauna syang lumabas. Ihahatid pa sana nya ako hanggang sa room ko pero hindi na ako pumayag. Naligo agad ako pagpasok ko. Matutuloy kaya ang dinner mamaya? Magkasama kaya silang dalawa? Dedo na ba sya? Dejoke! Kelan matatapos ang shoot? Gusto ko na kasing umuwi, e.
Ang dami kong tanong.
Humiga ako sa kama kasi biglang sumama ang pakiramdam ko. Nagising ako ng may mareceive akong text. Si Jongin. "Are you sleeping? Or, you're mad at me? Tamara is okay now, over fatigue lang daw. Join our team's dinner at around 7pm." Napatingin ako sa wall clock. 6:30PM na 'tong text nya. Binuksan ko yung isang message pa nya;
"I missed you."
Sa PS nya, nawala yung inis ko.
Isa pa no, as if naman na may paki ako kay Tamara. Kahit hindi na sya huminga, wala akong paki-alam. Geez, ang sama ko ata? Magkakasungay na ako; Kyungsungay?? The hell! Pupunta ba ako? Hindi naman ako kasali sa team nila, e. Ma-OP pa ako. Paglabas ko, nakasalubong ko si Lay. His hands both on his pocket. Parang kabute 'tong si Lay. Bigla-bigla nalang susulpot.
"Going down for dinner?" He asked. I just jounced my head. Dito rin kaya sya sa floor na 'to? "Pakabusog ka." He simply stated, showing his dimples pero parang may mali. Hindi kami close pero bakit parang ang comportable nya makipagusap sa akin? Confirmed, may gusto talaga sa akin 'to.
Hindi ko na sya sinagot. Nagabang ako ng elevator pero nang bumukas ito at makita ang sakay. Tila ayoko namang pumasok. Si Jongin at Tamara. Wala na akong choice. I went in. Parang isinugal ko ang sarili ko sa gyera nang pumasok ako. Tahimik kami. Isang dipa ata ang layo ko sa kanila. Hindi ako lumilingon pero kita ko sa peripheral vision ko na nakatingin sa akin si Jongin.
"Jongin," sambit ni Tamara. I cocked my head to their direction at bumaba ang tingin ko sa kamay nyang hinawakan ang kamay ni Jongin. Tingini oh! Tsansing pa more, Tamara. "Um, thank you for staying by my side." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nya. Does that mean he stayed at her room all this time? Pitingini, no way! O baka naman sa clinic? Okay, relax lang.
Nagdilim ang paningin ko. Sinunggaban ko ang buhok ni Tamara at hinila. "Ang landi mo! Pitingini! Kakalbuhin kita!" Sa inis ko,hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Inuntog ko sya hanggang sa pumutok ang nguso nya. Hindi ko sya tinigilan. Nanggigigil na ako. Hinawakan ni Jongin ang braso ko para pigilan pero hinawi ko yun. "Mamili ka! Pera o bayong!?" Syempre, ako yung PERA. Papatalo ba naman ako?
.
.
.
.
"Oh, Kyungsoo?" Naibalik ako sa realidad dahil sa pagtawag ni Tamara sa pangalan ko. Nagiwas ako ng tingin nang magtama ang mata namin. "Sama ka sa dinner ah?" She said smiling. Pwede bang umalis na? "Oh btw, I'm inviting you to my birthday party few days from now but not here, sa Manila nga lang. Punta ka ha?" Birthday? Nya? Pupunta? ASA KA. Pupunta ako not unless burol na nya yun. Ang sama ko."Check ko sched ko."
Sinulyapan ko si Jongin pero hindi sya nagsasalita. Bumukas ang elevator at naunang lumabas si Tamara. Sumunod ako. Didiretso na sana ako sa dining hall pero pinigilan ako ni Jongin. "Join our team for dinner, Kyungsoo." Tinignan nya ako na parang sinasabi nyang 'wag kong gawin yung binabalak ko. Nagdadalawang isip kasi akong sumabay sa kanila. Para saan pa? Para masuka? "Please."
"Manhid ka ba? Bumuka palang yang bibig mo para kausapin sya, nagseselos na ako tapos ano? Magdidinner tayo sa iisang table? How nice." sarkastikong sabi ko, "Sge push natin yan. I trust you, Jongin. 'Wag mo sanang sirain yun." Hinamon ko sya ng titig. Bubuka na sana ang bibig nya para magsalita pero tingini epal na naman si Tamara, bae. Lelechunin ko na 'to, e.
"Jongin, you coming?"
Binitawan ni Jongin ang braso ko at binalingan si Tamara. He gave me one last look like he was telling me to follow him or else, I'm doomed. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa makapasok sila sa loob ng dining hall. Seriously, hindi ko alam ang gagawin ko. "Having second thoughts ha?" Napatingin ako sa taong nagsalita; si Jinsu. Bakit ba laging sakto lagi ang dating nya? He's like my saviour. "Then, let's go eat there together." He smirked, "That's quite a good idea right? Let's us see how long he can keep up." Nagulat ako sa sinugest nya. Hindi naman siguro masama kung isama? Geez, we're like crashing a dinner party.
Pakapalan ng mukha!
Pero, tinutulungan ba ako ni Jinsu?
Sabay kaming pumasok at nangunot ang noo ni Jongin nang makitang kami lalo na si Jinsu. Nagulat din ang ibang staff, some of them has this expression on their faces like 'oh he's that guy from Mr. Kim's office?' especially Kia who barged in that day. Nagsimula ang pagbubulungan ng staff nya. "Congratulations Mr. Kim," I bowed. Drama activated. "Salamat sa imbitasyon mong saluhan kayo sa dinner for this celebrarion but I'm with my friend here so maybe we'll just eat somewhere. Nakakahiya naman." Lalong tumindi ang kunot sa noo nya. Bilang na bilang ko ang linya. Kumagat ka! Pigilan mo kami oy!
"No, join us.. they won't mind." He said.
"Oh? You're-" Pinigilan ko si Tamara.
"He's Jinsu, a producer from YD."
Napangisi ako at tinignan si Tamara sa gilid ni Jongin. Dahil bagong dating kami, dun kami pumwesto sa dulo. Outcast kami sa kwentuhan nila na tungkol sa Bacheler and such pero atleast nandito si Jinsu. 'Di naman ganun kasama. Glancing at Jongin, nasesense kong hindi sya makapagfocus ng maayos. Maya't-maya ang sulyap nya sa amin na nagtatawanan lang. Actually, OA ang tawa ko para mapatignin sya. Sadya.
"Mwihihihi! Nakakatawa!"
Landi 'di ba? Landi ng tawa ko.
Napatigil ako sa pagtawa nang lumapit sa amin si Jongin. "Mr. Do, I have something to discuss with you," Bakas sa mukha ng staffs ang gulat. Tinignan ko si Jinsu at tumango sya. Tumayo na ako at sinundan si Jongin. Paglabas ng dinning hall, he grabbed me by the wrist at hinila papasok sa loob ng elevator. I was trying hard to escape pero masyadong malakas ang kapit nya sa wrist ko. "You're unbelievable." He muttered, adjusting his black tie. Hindi ako nagsalita hanggang sa makarating kami sa floor namin. Pinipilit kong makawala sa kapit nya pero nagawa pa rin nya akong mahila sa room nya. Tingini. Reyp na ito!
Pinaupo nya ako sa kama at hinubad ang relo nya. Akala ko yun na but a creased formed on his formed. "Teka? Nasaan ang cellphone ko?" kinakabahang tanong nya at binuksan ang drawer ng bedside table, "I left it here." Luh, wala akong kinalaman dyan ah? Umupo lang ako. "No, hindi ako pwedeng magkamali, e. Dito ko lang yun iniwan bago ko binalikan si Tamara kanina sa kuwarto nya." He knuckled, "Tingini!"
Pitingini, kung nawawala yun?
Paano yung audio ng yadong namin?
Si Lay lang naman nakasalubong ko.
Wait, 'di kaya? SYA?
BINABASA MO ANG
KaiSoo: Let Me In [Completed]
FanfictionDo Kyungsoo was suffering from deep agony and frustrations, keeping the reason to himself, he left the man he loves, Kim Jongin. Now he's back, will Jongin let him back into his life again? Find out.