Paano yung audio ng yadong namin? Si Lay lang naman nakasalubong ko kanina bago bumaba, e. Wait, 'di kaya? Sya? I mean he has something to do with this? E, mahirap mambintang. Isa pa, ano namang dahilan nya para nakawin ang phone ni Jongin at dito pa talaga sa hotel kung saan may mga CCTV sa bawat sulok. Huli agad sya nun.
"Baka naman nadala mo? Hindi mo lang naalala? Or, maybe you put it somewhere else. Hindi naman talaga dito sa bedside table?" sabi ko. Jongin moved back and forth, thinking really deep. Ako tuloy ang nahihilo sa ginagawa nya. "Kung dito nga then let's file a complaint and head to the security." Hinawakan ko ang balikat nya. Kahit kinakabahan ako, I tried to remain calm. Pitingini. Kinakabahan ako dun sa audio recording. Baka humilera na kami kay Hayden Kho. Sinundan ko si Jongin papunta sa office. Hinga ng malalim.
Nagkagulo sa office dahil dun. Dumiretso kami sa security para sa file ng CCTV with the manager. Habang kinakalkal yung file, my heart's beating rapidly. "N-No record.. Nawala yung file ngayong araw." Nanlaki ang mata ko. Paano nangyari yun? Halos isang oras palang naman ang nakalipas?
"Check it! Paano nangyaring nabura agad yung file?!" sigaw sa kanya nung manager. Halatang natataranta na si Manong kasi possibleng matanggal sya sa trabaho dahil dito. Naaawa ako pero kailangang makita yung cellphone ni Jongin. Maya-maya ay tumawag ito, "Check kung pwede pang maretrieve yung deleted files." sabi nya dun sa isang lalaki. "I'm so sorry for the trouble, Mr. Kim but we'll do everything."
Naihilamos ni Jongin ang palad nya sa mukha nya. Kung sino man yun, madapa sana sya tapos malalagas lahat ng ngipin nya at tutubuan sya ng pigsa sa ilong. Dun pa mismo sa pagitan para masaya 'di ba? Mukhang palamuti. "Kyungsoo, umakyat ka na sa taas. Ako ng bahala magantay sa progress. May kokontakin pa ako, I'll just have to confirm something." Confirm? E? Does he already have someone in mind? Kung ganun nga, sino naman kaya yun?
Pinatalikod nya ako at ginuide palabas ng pinto. Papalag pa sana ako pero alam kong ipagpipilitan nya rin ang gusto nya. Sobra akong nagaalala kaya gusto kong magstay lang sa tabi nya. "Jongin," Hinawakan ko ang braso nya at tinitigan sya sa mata. He stared back at kumalma ang expression nya kumpara kanina. "Mahahanap natin yun." I wanted to say something else to cheer him up atleast pero hindi ko alam kung saan o paano ko sisimulan. He only smiled. Paglabas ko, nakasalubong ko si Tamara sa hallway. Galing sya ng dining.
"Kyungsoo, si Jongin?" Hindi ko sana sya pansinin kaso halata naman masyadong ayoko sa kanya. "Um, hindi na kasi kayo bumalik, e. Is there a problem? Bakit para atang namumutla ka?" Umiling lang ako. As if sasabihin ko sayo, close ba tayo?
"May nawala lang."
"Nawala? Ano? Nahanap ba?"
"Mahahanap din." Tinignan ko si Tamara. Bakit ba parang anghel 'to? Mas gusto ko pang magmaldita sya sa akin para may reason akong kamuhian sya, e. "Tamara, can I ask you something?" She sweetly smiled and nodded, "Bakit naisipan mo pang bumalik dito sa atin kung sagana ka naman sa ibang bansa? You're famous."
Nawala ang ngiti sa labi nya at bahagyang napayuko. " I think it's my time to sacrifice. Someone has already done that for me and I, apparently lost him. I want to live my life to the fullest, Kyungsoo, hoping that he'll stay by my side again." She stated. I could feel the sadness in her voice. Alam kong si Jongin ang tinutukoy nya. Tamara, huli ka na! You're twenty five minutes late! Wag ka ng umasa ples lang. Gusto ko 'tong sabihin pero hindi ko maibuka ang bibig ko, e.
"Pareho pala tayo. Ang pinagkaiba lang natin, Tamara, nasa akin na si 'someone'." Sinuri ko ang expression ng mukha nya. Ganun pa rin, nakangiti. Kung alam lang nyang parehong 'someone' ang tinutukoy namin. Ano kayang magiging reaksyon nya kapag sabihin ko? Nah, malalaman nya rin. "Alam kong hindi nya sisirain ang tiwala ko, e. Kung sakaling sisirain nya man ito;
.
.
.
..may extra pa akong baon. Hihi. Fight lang nang fight! Walang aayaw! Think positib! Walang aayaw! Think positib!" I cleared my throat, "Mahilig ka ba sa toasted, Tamara?""Nope, I hate its taste."
"Ah, ako kasi OO." ...kaya hindi ko ibibigay si Jongin sayo. Sya ang paborito kong toasted. Sya ang pinakamasarap. Sya ang pinakamalasa. Ghad. Enough. "Una na ako ah? Masama kasi ang pakiramdam ko, e." Hindi na ako nagsisinungaling. Talagang masama ang pakiramdam ko. Hindi ko na inantay na sumagot sya. Dumiretso ako sa room ko at humiga. Feeling ko pagod na pagod ang katawan ko. Pero pag yadong, bigay na bigay. I criiii. Lalagnatin ata ako.
Napabangon ako sa tawag ni Luhan.
"Hello?"
"Kamusta na dyan?" I sighed at kinuwento ko sa kanya ang nangyari. "Heol! Sakit sa ulo ah? Parang nobela lang ang peg. Haha. Seriously, kaya mo yan, Kyungsoo. You've been through a lot already, ngayon ka pa ba susuko? Pero kundi hindi mo na kaya.. may kutsilyo sa kusina." sabi nya at saka tumawa ng malakas. Balugang usa 'to.
"Urur."
"So, sinabi mo na ba sa kanya?" Natahimik ako sa tinanong nya, "I guess, hindi pa. You should tell him! He has the right to know. Pwede bang huwag ka munang selfish ha? Masyado ka ng selfish for years, Kyungsoo. 'Wag mong sarilinin. Sasabunutan na kita kung katabi mo lang ako. Tsk. Sige na. I'm hanging up. Antok na. Goodnight DYOsa."
Luhan hunged up the phone.
Luhan, sasabihin ko naman, e.
Sumagi ulit sa isip ko yung nawawalang cellphone ni Jongin. Kinakabahan ako, e. May ilang pictures pa kami dun. Ipipikit ko na sana ang mata ko para matulog pero biglang nagring ang phone ko. Binasa ko ang message at muntik ko ng mabitawan iyon. Tingini. Nagtext ang nagnakaw!
Binuksan ko yung file. Audio sya.
Yung audio namin ni Jongin.
.
.
.
"I'm sorry," Ito ang laman ng sumunod na message. Bakit sa akin? Hindi naman ako ang ninakawan? Isa pa, nakakatawa ah? Nagtext para magsorry ang magnanakaw. Magtatype na sana ako pero may sumunod pa ulit na message. "This will remain as a secret but depends on your answer. The question will hit you soon, Do Kyungsoo."Don't tell me black mail 'to?
BINABASA MO ANG
KaiSoo: Let Me In [Completed]
FanficDo Kyungsoo was suffering from deep agony and frustrations, keeping the reason to himself, he left the man he loves, Kim Jongin. Now he's back, will Jongin let him back into his life again? Find out.