xxii. shut up or strip

8.1K 293 74
                                    

Kyungsoo

Napatigil ako kasi hinalikan nya ako.

Pitingini. Dito talaga sa restroom?

Hindi ko alam kung gagantihan ko ba ang halik nya o kung itutulak ko sya palayo sa akin para tumakas. Nakakamiss ang halik ni Jongin pero restroom 'to saka ang baho parang may jumejebs pa. Leche. "Mft, teka, Jongin!" sabi ko between our kisses, "Oy, teka, nakekelete eke. Hihi. Wait lang kasi, kete wet leng." Hinalik-halikan nya ako sa leeg ko habang gumagala ang kamay nya sa katawan ko. Kinakabahan ako, baka may makarinig sa akin. "Jongin, 'weg." I whispered in his ear. Tumigil sya at saka tumingin sa mga mata ko pero tinakpan nya ang bibig ko. Umaariba na ang green cells nya. Help me.

"Jongin, hajihajima."

Halik dito, halik dun. Hawak dito. Hawak dun. Jusko, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at bumigay ako dito. No. Hindi ko maimagine, bruh. Hindi ako ganung tao.

"Let ig go. Let it go! Ugh." Umere.

Ambastos, may jumejebs nga.

"Mr. Do?"

Nataranta ako nang marinig ko ang boses ni Mr. Hwang. Naitulak ko si Jongin. Paano kami lalabas nito? Nagtatanong ang mata na tinignan ko si Jongin. Nakangisi lang sya. "Mauuna ako. Lumabas ka after five minutes, ples. Jongin, h-hindi lang tayo ang tao dito." Lalabas na sana ako pero pinigilan nya ko.

"I'm not done yet with you, Kyungsoo."

Tinignan ko sya ng ilang segundo bago ako lumabas. Naabutan ko si Mr. Hwang na naghuhugas ng kamay nya sa sink. "Mr. Hwang," Napalingon sya, "Sumunod po pala kayo." Napalingon ako at hindi nga talaga lumabas si Jongin, "Halika na po. Mukhang nakalabas na po ata si Jongin o kaya, antayin nalang natin sya sa table." Nakangiting sabi ko. Grabe ang kaba ko dun. Akala ko iiral na naman ang katigasan ng ulo ni Jongin. Pinauna ko si Mr. Hwang maglakad. Nang makalapit sa pinto, lumingon ako't dun palang lumabas ng cubicle si Jongin. He was looking at me; looking straight into my eyes.

Pagbalik sa table, nandun na yung mga inorder namin. Kumain lang kami ng hindi na nagsasagutan ni Krystal. Ples, wala na akong lakas makipagtalasan ng dila sa kanya. Nganga naman sya sa akin. After that, kinuha yung bill. "This is all on me." sabi ni Mr. Hwang at naglabas ng wallet. Pinigilan sya ni Jongin at kumuha rin ito.

"Ako na. Keep the change." sabi ni Jongin dun sa waiter saka tumayo. Sumunod si Krystal at nagkatinginan lang kami ni Mr. Hwang. Wala ng nagawa pa si Mr. Hwang. Buong 2000 pesos kasi yung binigay ni Jongin. E, ang nagastos lang namin ay 1300. Grabe, ang laki ng tip nya dun ah?

Bumalik kami sa YD Ent ng pasado ala-una. Sumpain ang elevator. Magkakasama kami dito at naaamoy ko ang pabango ni Krystal. Sandal nang sandal ng ulo nya kay Jongin. Puro dandruff naman. "Oh oppa, balita ko naghahanap kayo ng bagong model ah?" Malanding sabi ni Krystal at ikinawit ang braso nya kay Jongin. Inamoka talaga, Krystal. Makakalbo na kita. "Ako nalang kunin mo. Dodouble ang sales nyo. I can assure you that."

Malulugi kamo, pweh!

"Model hanap nila, hindi payaso." bulong ko na mukhang napalakas na naman dahil nakatingin sila sa akin. Bakit ba kasi hindi ako marunong bumulong? "I mean, maawa ka naman sa katawan mo. Ang dry na kasi tignan ng skin mo, halatang lagi kang puyat. Tss. Ang payat mo na," ...masakit na sa mata.

"I'm sexy," Hinawi nya ang buhok nya.

Aba, saan banda? Sa nguso?

"Hahaha," I faked a laugh, "Krystal, ang katawan mo ay parang byahe ng MRT," Nakangising sabi ko. She narrowed her eyes as her forehead wrinkled; nagaabang kung ano ang susunod kong sasabihin. I inhaled a few times before continuing, "...diretso."

"Wala kang breading!"

"Naman, hindi naman ako priniprito."

Trending; #WalaKangBreading

"Aba-" Sasagot pa sana sya kaso biglang bumukas ang elevator sa 5th floor at ang daming pumasok na empleyado. Gumilid kami ni Mr. Hwang kaya ngayon ay nasa likuran na namin sila Krystal. Alam kong gusto na akong saksakin ni Krystal pero sorry nalang sya, may shield ako. Bella Swan ang peg. Wala naman syang sinabi.

Bumukas ang elevator sa 9th floor at agad na hinila ni Jongin si Krystal palabas nito. Pareho kaming nagulat ni Mr. Hwang. Ni hindi man lang nagsalita si Jongin kahit nga isang litanya. Pinagmamasdan ko sila hanggang sa sumara ang pinto at hindi ko na sila matanaw. "Are you okay, Mr. Do?" Tumango lang ako bilang sagot sa tanong.

Nagsimula na ulit ang recording pero hindi na pumasok sila Jongin. Mas mabuti na yun para makapagconcentrate ako sa pagkanta though I admit na, bothered ako. Maganda yung kanta. Ballad as usual. It's not just a common love song. The song is about a certain fluttering of the heart for someone. I felt that with Jongin. I sighed.

Natapos kami ng 4:30PM.

"I'll call you for another ghost track." sabi ni Mr. Hwang, "Will also send this to the team, baka matulungan ka nila. You have some talent, Mr. Do." Nagthank you lang ako sa kanya. Kung ganun, pwede akong maging singer? Haha. Pangarap ko yun nung bata palang ako, e, pangalawa sa kagustuhan kong maging fornstar.

"You don't really need to do that."

"But I want to." Ngumiti ako at tumalikod na, "Kyungsoo?" Muli akong napalingon sa kanya. This is the first time na tinawag nya ako sa pangalan ko. "Why do you hate each other that much? You and," He paused for a second, "..my cousin, Krystal. I'm just really curious." Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba sya o hindi. Ano ba? "Ah, okay lang kung ayaw mong sagutin."

"Dahil nasa akin ang 'di nya makuha."

Nangunot ang noo nya, "Ano?"

I took a deep breath, "Ganda."

Ipinadyak ko ang paa ko. Pitingini. Bakit ko ba sinabi yun? Munggago lang, Kyungsoo. Lumapit ako sa pader at inuntog ang ulo ko dun. Don't get me wrong, mahina lang. Nang bumukas ang elevator ay agad na tumayo ako sa harap nito. Bumungad sa akin si Jongin. Akala ko iniwan na nya ako.

"Tatayo ka lang ba dyan?"

Pumasok ako pero hindi ako tumabi sa kanya. Magkabilang dulo kami. Walang nagsalita sa amin hanggang nakarating kami sa lobby. Lalabas na sana ako pero pinigilan nya ako. Hawak nya lang ang braso ko hanggang sa bumukas ulit ang elevator sa parking lot. Pinasakay nya naman ako sa sasakyan nya. Ayoko.

"Get in the car, Kyungsoo!"

Ayoko. Naiinis kasi ako. Bakit nya hinila si bolborin? Saan sila pumunta? Pitingini. Mariing hinawakan nya ang braso ko at sinandal ako sa sasakyan nya. "Tama na, Jongin! Pagod ako. Masakit na ang ulo ko at nahihilo pa ako.." Buntis ata ako at ikaw ang ama. Chos. "Anong tingin mo sa akin? Buffet? Pagkatapos mo akong landiin, si Krystal naman? How cud chu!" I bowed my head, "Papasok lang ako sa kotse mo kung masasagot mo ang tanong ko. Makinig ka ng mabuti dahil hindi ko na 'to uulitin;

.

.

.

.

.
ano ang plural ng rice?"

"Titigil ka o huhubaran kita?" He grinned.

KaiSoo: Let Me In [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon