"Anong meron, Jongin?"
"Just.. don't trust him, Kyungsoo."
Don't trust him? Bakit? Anong meron?
"Give me one valid reason." I challenged him but sa halip na sagutin ako'y tinignan nya lang ako. "Bakit ayaw mong sabihin? Masyado bang confidential yun? You don't trust me? Hindi ko ipagkakalat, promise." Itinaas ko ang kamay ko, "Oo. Peksman! Magkaboobs man ako ng malaki. Ge na!"
Hinawakan nya ang braso ko, "Kyungsoo, forget about it, okay? It's.. It's," He looked away, avoiding my gaze, "It's nothing. It's not important. He is an employee of my Dad. Yun lang. Now, what do you want to do? We still have a very long day." He said, changing the topic. Nadisappoint ako sa totoo lang and at the same time curious din. Biglang sumagi sa isip ko yung sinabi ni Krystal that Jongin's Dad despise me at hindi sya ang sumira kay Jongin kundi ako raw. Hindi ko alam ang iisipin ko. Alam na ba nya ang tungkol sa amin ni Jongin?
"Hey," He lifted my chin up, "Don't be like that, Kyungsoo. Just trust my words, okay? You only have to listen to me." Tumango nalang ako para tapusin ang diskusyon na yun. Mahirap na kasi at baka kung saan pa mapunta, e. Maya, mag-away pa kami or something. Ayoko namang mangyari yun. "Change or take a rest first. I will text you when everything is settled. I just need to talk to someone for something I planned."
Something he planned? Ano?
Magsasalita pa sana ako pero tinalikuran na nya ako. Sinundan ko nalang sya ng tingin bago bumalik sa room ko. Nagpalit ako ng damit at iniscan ang cellphone ko. May mga videos kasi akong kinuha habang mahimbing na natutulog si Jongin kanina. He sleeps like a child; so peaceful. Minsan may time na nahuhulog sya sa kama tapos gagapang paakyat. Hindi mo nga aakalain na isa syang business man. Ang cute nya.
Hindi ko nalang namalayan na nakatulog na pala ako nagising nalang ako sa missed call sa cellphone ko. Si Jongin. Siguro ay tapos na yung sinasabi nyang plano nya? I glanced at my watch; ala-una na pala ng hapon. 20 messages. Agad na binuksan ko ang isang mesahe sa inbox. Which says;
From Jongin:
Meet me at the port.
Napabangon ako dahil sa nareceive kong text nya. Nagmadali agad akong lumabas. Sa panglimang hakbang napatigil ako. Si Lay kasi, nakasalubong ko. Nagbow sya sa akin kaya nagbow din ako. Tapos nagbow sya ulit kaya nagbow ako tapos ganun ulit. Paulit-ulit. "Teka, nahihilo na ako eh!"
Napakamot sya sa ulo nya't napatingin sa pintong pinaglabasan ko. "Ah, magkatabi kayo ng room ni Jongin?" He asked nang hindi nagaalangan. Naalala ko yung sinabi ni Jongin kanina; don't trust him. E, how am I supposed to do that kung ang amo g mukha nitong taong 'to? "Um, Kyungsoo?"
"Bakit alam mo pangalan ko?"
"Tinawag ka ni Jongin kanina 'di ba?"
I hit my head. Onga pala. Boset.
"What relationship you guys have?"
Nangunot ang noo ko. E, bakit ba parang interesado syang malaman? Ah! HAHAH! May gusto sa akin 'to! "Why are you so eager to know? May crush ka sa akin no?!" Dahil sa sinabi ko, natawa sya. Kulang na nga lang magpagulong-gulong sya. Leche. Possible naman ah? Sa ganda kong 'to?
Napangiwi ang mukha nya. "Nagtatanong lang." Tapos bigla namang sumeryoso ang mukha nya. Parang two faced itong tao na 'to. "Uhm, it seems like you're in a hurry?"
"Oo, may lakad kami ni Jong-" I paused.
Makahulugang napangiti sya. Hala. Bakit parang feeling ko binigyan ko sya ng info na hindi naman nya dapat malaman? "Ah, sige na at baka inaantay ka nya. Mauna na ako." Ipinasok nya ang kamay nya sa bulsa nya at nagsimula ng maglakad palayo dun. I was caught dumbfounded. Lay, sino ka?
Mysterious, that's what he is.
Dumiretso na ako sa port. Hinanap ko si Jongin pero ang hirap. Ang daming maitim. Naispottan ko nalang sya sa hilera ng mga nakapark na yatch. Ang gwapo nya sa puti na sando. Leche. Kinaway nya ang kamay nya as if telling me sumakay din. Sakto lang ang laki nung yatch. Hindi naman ganun kalakihan. Nirentahan nya ba 'to?
"Jongin, ano 'to?"
"We'll sail." He said, smiling. Napangiti ako. The thought of us two enjoying the sea in this yatch is just perfect. Pumasok ako sa loob ng yatch habang may inaayos pa si Jongin. Sinuri ko ang kabuohan nito. May higaan at ilang pagkain din sa maliit na refrigerator na nandun. Pinaghandaan nya talaga, e. Ang lapad tuloy ng ngiti ko.
Maya-maya lang ay naramdaman ko ng umaandar ang yatch. Lumipat ako sa harapan para suminghap ng sariwang hangin. Medyo hindi na ganun kasakit sa balat ang sinag ng araw. Keri naman ng skin kong nagsisilka. Hindi ko alam ang eksaktong oras nang ihinto ni Jongin ang takbo nito. Nakakarelax yung tunog ng alon ng dagat. Feeling ko may shark, bae.
"Kyungsoo," He whispered, "Atleast dito, tayong dalawa lang. Walang manggugulo. Solo lang kita. Just you and I in the middle of nowhere." He said, wrapping his arms around my middle. I felt him sniffing my neck, "I missed you." Hinigpitan nya ang yakap nya sa akin. Kilig. Kinalas ko ang pagkakayakap nya at humarap sa kanya.
"Ilang oras lang nakalipas ah?" Ipinatong nya ang noo nya sa noo ko as his index finger glided at the bottom of my lips. His breath is already making me insane. My usual reaction with his every touch; only Jongin. Tinitigan nya ako ng ilang segundo bago ako hinalikan sa labi. He kissed me under the sun. Nasusunog na ang balat ko kasabay ng init ng katawan at pagnanasa kay cumjong. Kalandian, e. "I love you."
"Promise me this, Kyungsoo." He looked at me in the eyes, "No matter what happen, you'll hold onto us. You'll never give up." Without hesitation, I nodded. Why would I even hesitate in the first place? E, second chance na namin 'to and I can't just let it go to waste. "A promise is a promise. I still believe that 'promises' aren't made to be broken, Kyungsoo. Now," His hand moved down to my buttocks, squeezing it which made me gasped. "Sealed it with a kiss."
I kissed him just like what he wants. A kiss full of lust and burning desire. Minutes had passed, I broke that kiss. "Jongin, I'm so sorry." sambit ko sa mahinang tono. On the otherhand, nangunot naman ang noo nya. "Hindi ko na talaga kaya, e.. sorry. Sorry, Jongin." Naiiyak na ako. Hindi ko alam kung tatakbo na ba ako palayo.
"Why are you saying sorry?"
"Jongin kasi..
.
.
.
.
.
Ang init! Pitingini! Nasusunog ang veautiful skin ko! Mahal ang silka! Ayokong bumalik sa perla! Leggo na! Sa loob na tayo!" Hinila ko ang kamay nya papasok sa loob ng yatch. Tinawanan lang ako ni Jongin. Ayoko ngang maging kakulay ko sya ano. Itsura ko nun, bruh.
BINABASA MO ANG
KaiSoo: Let Me In [Completed]
FanfictionDo Kyungsoo was suffering from deep agony and frustrations, keeping the reason to himself, he left the man he loves, Kim Jongin. Now he's back, will Jongin let him back into his life again? Find out.