Kyungsoo
You asked the wrong person, Tamara.
I'm sorry, I mentally said.
"P-Please, Kyungsoo?" She added with her teary eyes. Kung sabihin ko na kaya na ako si Suzy? Kagaguhan ko lang naman yun, e. Gusto ko kasing magselos sya. Gusto kong makita ang reaksyon nya. Gusto kong 'wag na syang umasa pero tingini, e. Desidido rin pala. Jongin, bakit kasi ang gwapo mo? Pitingini oh. Kung naging call boy ka, isang daan na ang customer mo kada araw. Aish.
Sabi nga nila keep your friends close and your enemies closer. Kaya, yari ka sa akin, Tamara. "E, ano bang gusto mong gawin ko?" Maybe, I'll take this in a good light. Atleast malalaman ko na kung ano ang balak nya 'di ba? And then, I'll sabotage it all. I'll do anything to keep what is mine.
"Bring him to the park behind this hotel after the team's dinner has ended. I'll take charge from there. That's all." Napangiwi ako. Kakausapin nya ba si Jongin tungkol sa kanila? As far as I know, Jongin let her go para sa pangarap at career nya sa ibang bansa. Long distance relationship takes a lot of courage. Pero ayaw nyang maging obstacle. This is maybe why I'm jealous.
Tumango ako. Lumabas ako sa room nya nang wala sa sarili. Papupuntahin ko ba para marinig ko ang sasabihin nya at ang sasabihin ni Jongin o hindi? I pulled my hair in frustration. Nakakadepruta naman. Nakakasira ng ganda, e. Bakit ba kasi ang dami kong kaagaw kay Jongin? Marami namang ibang lalaki dyan, e. AYON OH!
"Hello bh3, sagutin mo na kasi ako. Hindi kita lolokohin promise. Dadalhin kita sa mansion ko." I rolled my eyes. Here goes Jongdae. Sa lahat ng staff dito, sya lang ang natatandaan ko. Wagas kasi sa kapal ng mukha, e. "Ano ka ba! Iba ako, iba sila. Gwapo ako, maniwala ka.. Sinend ko na picture ko 'di ba? HA?! Sinong Lee Min Ho!? Poser yun! Ako talaga yan! Maniwala ka!"
"Niloloko ka lang nyan!" sigaw ko.
Nataranta sya't agad na binaba ang tawag. Ipinasok nya ito sa bulsa nya "Luh? Bakit ka ba nangingialam dyan ah? Aish! Boset! Sasagutin na ako nun, e." Tinulak nya ang equipment nya sa paglilinis ng floor. Work muna kasi bago landi. Bakit kaya hindi pa natatanggal 'tong camel na 'to? Tinawag ko sya. E, bigla kasi akong may naisip na kalokohan. "Ano!? May trabaho pa ako!"
"Huwag kang high blood. Bibigyan na nga kita ng magandang opportunity." I rolled my eyes, "Kilala mo yung babae sa room na yan?" Tinuro ko yung room ni Tamara. He bobbed his head as an answer. Sino ba namang hindi makakakilala kay Tamara? "Antayin mo sya sa park sa likod ng hotel mamayang gabi. Alam mo naman siguro yun 'di ba? Sabi nya kasi, gusto ka nyang makausap, e." Nagunot ang noo nya para bang hindi naniniwala. "Pumunta ka!"
"Yoko. Ayoko sa maputi."
Sinabunutan ko sya, "Tingini mo, kapag hindi ka pumunta susumbong kita sa manager nyo!!" I breathe, trying to calm myself down, "Ganito nalang ah? Bibigyan kita ng check. Umayos ka kundi nakikita mo 'to," Itinaas ko ang kamao ko, "Hindi lang sa panga mo 'to tatama. Huwag mo akong subukan. Naging dance instructor ako ni Mommy D sa wrecking balls!" Hihi. Binigyan ko sya ng check sa mukha. Check gamit ang pulang pentel pen.
"Ge na, ang gwapo ko talaga."
Kapal talaga pre.
Pagkatapos nun, bumalik na ako sa site ng shoot. Malapit sa shore pero hindi naman sa buhanginan. Parang park area kasi dun. Kapag tumingala ka, kita yung cliff. Hindi ko na naabutan si Krystal dun. Bumalik na siguro sa room nya. Okay na rin at umiral ang kamalditahan nya. Atleast 'di ba may good outcome naman. Hindi magawang makalapit sa akin ni Jongin dahil busy sila. Isa pa, maraming tao. Maya-maya lang ay dumating na si Tamara at inumpisahan na ang shoot. Sporty and yet sexy ang peg ng theme nila. Nakadenim shorts sya na hindi nakabutones, flowery tops na red at white rubber shoes. Lahat ay nakatuon sa kanya.
"So this is his job? Not your manager?"
Napalingon ako sa taong nagsalita na yun. Si Jinsu. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Nakakainis kasi si Jongin, e. "Yes? Sorry, nagfefeeling lang kasi si Jongin. Ah, sorry nga pala at hindi ako nakapunta sa shoot ni Krystal. Alam mo na. Isa pa, may importanteng nangyari kasi nung araw na yun." Nagiwas ako ng tingin kasi kinikilig ako. Naalala ko kasi yung ginawa namin ni Jongin sa yatch. Kahit saan kasi umaariba.
"You guys must be close," Kung alam mo lang, Jinsu. Sobra talaga kaming close sa isa't-isa. "Na, it's okay. Mukha namang mas nagenjoy ka sa pinuntahan mo." Sobra, as in. Ngumiti lang ako kay Jinsu. Pagbaling ng tingin ko kay Jongin, nakatingin sya sa amin. Ohoh. He must have take it in the wrong way. Yari na naman ako. Hahampasin na naman ako.
"You have no idea, Jinsu." sagot ko.
The shoot goes on. Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Jongin at Tamara. Tinitignan kasi nila ang isa't-isa. Nagseselos na ako! Jongin continued staring while banging his pen in the air while Tamara poses. Hindi ko alam kung may sinusuri sya, may nakitang mali or what. Isa lang ang alam ko, hindi ko ito gusto. Indeed you really have a sharp eyes, Jongin. Luwa kasi ang cleavage oh.
Paking teyp bae. Kairita.
"Would it be better if she takes her shorts off?" Narinig kong tanong nya sa katabi nya. Hindi ko na narinig yung suggestion nung babae dahil mahina. Nagulat nalang ako nang lumapit si Jongin kay Tamara at hinawakan ang shorts nito. Ibinuka nya ito ng kaonti para makita ang lace. Feeling ko nawalan ako ng abilidad na huminga. "Make it more -- daring, hum? Fresh and yet fierce look, Tamara. Let's do it again!"
Kailangan nya bang gawin 'to? Trabaho lang naman 'di ba? Bakit ba binibigyan ko ng meaning? "Okay ka lang?" Jinsu asked.
Tumango ako. "Oo. O-Okay lang."
I sighed. "Ang metikuloso talaga ni Sir ano?" Narinig kong bulungan sa likod namin. Hindi na pala bulong kasi narinig ko. "Masungit sa trabaho pero ang gwapo. Ay, alam mo ba girl. Magsyota raw dati si Sir at Tamara. Wala pa ang Bacheler nun. Madalas daw silang bumisita sa office ng Ate nya. Bagay sila ano? Perfect match-" Napalingon ako sa kanila at napatigil sa pagkukwentuhan. Nagsikuhan pa nga sila. Perfect match? Perfect match ba talaga ang KAPE at GATAS? Edi, KAMI RIN. Tsk!
"Gusto mo ng umalis?"
"Ha? M-Mamaya na."
Ang martyr ko. Alam ko yun.
Nakailang shot din sila bago bumuhos ang malakas na ulan. Napatakbo kami sa isang tent na nandun ni Jinsu habang sila Jongin naman ay nasa kabilang side. Tapatan yun. Kitang-kita ko silang magkatabi ni Tamara. Hinubad nya ang jacket nya at inabot dito.
Nagtama ang mata namin ni Jongin pero wala akong mabasa sa expression nya. He remained wearing his poker face. Being a gentleman. Yun lang naman yun 'di ba? I dunno know. May promise sya sa akin, e. Napansin kong may dinukot si Jongin sa bulsa nya; ang cellphone nya at nagtext. After a while, nagvibrate ang phone ko.
Why are you with him? He texted.
Why are you acting like that with her?
This is purely work, Kyungsoo. I'm not doing this because I'm hitting on her. Kilala mo ako. Go back to the hotel at huwag kang lalabas hangga't hindi ako dumadating! He replied. Naguilty ako.
"M-Mauna na ako, Jinsu ah?" paalam ko. Tumalikod ako para dun dumaan pabalik sa hotel. Bahala na kahit umuulan pa ng malakas o magkasakit ako. Sa pangilang hakbang ko ay napatigil dahil bigla silang nagsigawan. Paglingon ko, nasa bisig na ni Jongin si Tamara at wala na itong malay.
She passed away -- este passed out.
Binuhat sya ni Jongin at nilagpasan ako.
Trust him, yun lang ang dapat kong isipin.
BINABASA MO ANG
KaiSoo: Let Me In [Completed]
FanfictionDo Kyungsoo was suffering from deep agony and frustrations, keeping the reason to himself, he left the man he loves, Kim Jongin. Now he's back, will Jongin let him back into his life again? Find out.