You are my slave.
Hindi yun mawala sa isip ko sa tuwing titignan ko si Jongin. Para iyong sirang plaka na paulit-ulit sa utak ko. Hindi ko alam kung anong balak nya sa akin. Hindi na ako magtataka kung isang araw itali nya ako sa kama at pagsawaan ang gorgeous body kong maala Miranda Kerr ang hugis. Oo, kapag nagshabu si Miranda.
"Can't take my eyes off of me?" He grinned prankishly still with his eyes fixed on the road. Pasado alas-onse na ng gabi. After nung fireworks, hinila na nya ako pauwi. Walang traffic at dire-diretso lang ang byahe sa express way. Pareho kaming tahimik, walang imik. "Staring is rude, Kyungsoo. Didn't anyone tell you that?"
I cleared my throat and shifted my gaze pababa sa kamay kong nasa hita ko. Sa twing titingin ako dito, naaalala ko ang ginawa nya sa akin kanina. Nakakapisti pero nakakaexcite. Landi much. "Ah, e? Tungkol pala san yung tawag kanina? I overheard a few lines. Hindi na tuloy?"
Napatingin sya sa akin ng ilang sandali, "Nagkabulutong yung model. Argh." He groaned in frustration, "We only have two weeks left for this month's issue! I already appointed someone to look for a new one. I can't settle for a number two." Napayuko ako dahil dun. Sayang, naexcite pa naman ako. Kelan kaya matutuloy? Baka expired na ang contract ko?
"I see." Nakayukong sagot ko.
Hearing these words from him. Ang laki na talaga ng pinagbago nya. His Dad wants him to take over their company but he refused to take that big responsibilty. Nakakastress din kayang maging boss ng isang men's magazine? Maging anak ng isang business tycoon?
Still, Jongin chose to live with his friends. Take this route at libagan ako ng bonga. Charot! Isinandal ko nalang ang ulo ko sa may bintana, matutulog nalang ako dahil hindi na nya ako kinakausap. Binuksan ko muna ang radyo at ang kantang 'Skin' ni Rihanna ang tugtog. Pitingini. Ayoko na.
Ito yung kanta nung first meeting namin. Nagcelebrate kasi kami nila Luhan nun sa Le Vogue Bar and Resto. Pag-akyat ko ng hagdan sya agad ang unang bumungad sa akin. He's sitting on the couch, holding a glass of liquor with his friends. Jongin's luscious lips and stares is just too hard to resist. Mahirap umiwas ng tingin. Napangiti ako nang maalala.
"CR lang ako." sabi ko kela Luhan bago tumayo. I tried to focus on my footsteps dahil sa nahihilo na ako. Pumasok ako sa CR at paglabas ko, may humarang sa akin, pinning me against the wall. "Bakit anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya. He raised his hands beside me, looking into my owl eyes, bae. Ang lapit nya sa akin.
"What's your name?" He asked.
"Ah, Kyungsoo?" sagot ko.
"What's your number?" He bit his lips.
Nangunot noo ko, "Ayan tayo, e. Hihingin mo ang number ko. Makikipagkaibigan ka. Liligawan mo ako tapos magdedate tayo tapos magiging tayo na tapos may mangyayari sa atin tapos iiwan mo ako tapos masasaktan ako tapos mababaliw ako tapos-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sa hinalikan nya ako.
Sinampal ko sya, "Pakyu ka!" Naiiyak na sabi ko, "Kinuha mo first kiss ko. Ni hindi mo man lang ako pinagtoothbrush! I hate chu, Koya! I rili rili rili het chu, sagad!"
Pangyadong na kanta 'tong kay Rihanna. Naibalik ako sa realidad nang ihinto ni Jongin ang sasakyan. "Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" Tinakpak ko ang bibig ko. Hindi ko kasi mapigilan ang muscles ko. Umiling nalang ako. "Tss. Wait here, bibili lang ako ng tubig. Ikaw? Anong gusto mo? Ako na bibili para mas mabilis." He asked.
"Ikaw," Wala sa sariling sagot ko.
He grinned, "Bibilhan kita ng robust."
Pitingini mo, Jongin. Ano yun? :X
Naiwan akong magisa sa loob. Tinanaw ko lang si Jongin habang papatawid sya ng kalsada papuntang 7-eleven. Nilakasan ko ang volume ng radyo. I roamed my eyes around and spotted this ballpen near the rearview mirror. Kulay black yun at halata ng mamahalin. Pinindot ko yung button.
"Hello? Uhm, this is Kim Jongin reporting for duty." I was a bit startled nang biglang may magplay dun. So this is a recording pen? Napangisi ako. Kukunin ko 'to at magrerecord ako bago ko ibalik sa kanya. Sasabihin ko lahat. Irerecord ko rin ang ungol ko. Ayos? Para kung mamiss nya.
Agad na tinago ko ito sa bulsa ko nang matanaw ko syang pabalik na. Inabot nya sa akin yung isang bottled water and then started hitting the road. "Don't stare. It's turning me on, Kyungsoo." Iniwas ko na naman ang tingin ko sa kanan at pasimple sinampal ang pisngi ko. Makinig ka, pisti.
"Eh?"
"Gusto mo bang makauwi or what?"
"Gusto ko?" -- ayaw ko. Take me somwhere I don't know, basta may logo! Ipinikit ko ang mata ko para matulog. Saktong .nagising ako nang iparada nya ang sasakyan sa tapat ng gate ng apartment. Napatingin ako sa relos ko; 1:05AM na ng madaling araw. "Salamat? Ingat ka pauwi." sabi ko. Hahawakan ko na sana ang door knob pero pinigilan nya ako at bumulong sa tenga ko mula sa likuran. "B-Beket? May sasabihin ka pa ba?" Nakikiliti ake se henenge nye se leeg ke.
"I got my eyes on you, Kyungsoo." He said like a warning.
Napalunok ako at pumasok na sa loob. Nadatnan kong nanunuod ng Tom and Jerry si Baekhyun at Taehyung sa salas. "Oh, bakit gising pa kayo? Madaling araw na at yan ang pinapanuod nyo?" Umupo ako sa tabi ni Baekhyun na tutok na tutok sa TV. Napapityag ako nang may kumalabog sa kuwarto ni Luhan. "Hala, ano yun oy?!"
"Bibili na tayo bukas ng egg tray. Pitingini. Parusa ito, parusa! Bakit hindi naging soundproof ang apartment na 'to? Paki explain! Antok ba antok na ako!" Natawa ako kay Baekhyun. Alam na alam ko na ang pinagpuputok ng butchi nito.
"Uhh. Oh Sehun!" Alam na dis, bae.
"Ito pala ang magnitude 69." Tinapik ko ang balikat ni Taehyung, "Bugbugan to the max pala. Huehue. Ay, Magjojoke nalang ako." Nakangising sabi nya. Hugis square ang ngisi nya, kaiyak lang. "Kung 'infinity and beyond' ang sigaw ng lalaking buzz lighter, ano naman kapag bakla? HIHI."
"Ano?" sabay na tanong namin ni B.
Huminga sya ng malalim.
"To the moon and back! T-back!"
"Ha! Last mo na yan! Gageu ka!" ani ko.
"Oh god, Sehun!"
Yes, tugs tugs tugs tugs.
Binato namin ni B ng unan si Taehyung. Hindi ko nalang pinansin ang nangyayari sa kuwarto ni Luhan. Tag-init ang dalawa. Masyadong namiss ang isa't-isa. Nagsuot ako ng earphone at nagpatugtog. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
"Kyunggie, gising!"
Nagising ako sa alog ni Luhan, "Mm?"
"Nandyan si Jongin sa labas."
Napabangon ako, "Luh, bakit?" I tiltled my head at nakita ko si Jongin na nakatayo sa pinto ng kuwarto ko. Lumabas si Luhan at sinarado ni Jongin ang pinto. Oh shoot! I looked at the clock on the bedside table. Late na ako! 8:30AM na! "Maaga pa? Bakit nandito ka? May pupuntahan ako."
Hinawakan nya ang braso ko;
.
.
.
.
"Sasama ako."
BINABASA MO ANG
KaiSoo: Let Me In [Completed]
FanfictionDo Kyungsoo was suffering from deep agony and frustrations, keeping the reason to himself, he left the man he loves, Kim Jongin. Now he's back, will Jongin let him back into his life again? Find out.