Chapter 4: Perfect Illusion

107 26 0
                                    

I see you with her, and it crushes me inside
Guess I should stop thinkin' about you all the time
Maybe this is what I needed
Maybe this is a sign
Maybe I've been blind to reality,

-All in My Head by Tori Kelly

Gale's POV

"Bakit ginabi ka na naman? Ano lumalandi kana?" lasing na sabi ng tatay ko, na nakahilata sa sofa pagkapasok na pagkapasok ko palang ng bahay.

It's already 1 in the morning. Inaasahan kong tulog na sya, ngunit mukhang hindi talaga umaayon ang universe sa mga gusto ko. I'm actually wearing Zayne's white shirt na dala dala nya pala sa kotse nya. At first, I insisted on wearing it dahil s'ya naman ang mauuwing basa pero nagmatigas sya kaya naman ako na ang may suot-suot nito ngayon. Hinatid nya ako sa bahay namin. Buti nlang ay nakaalis na sya ngayon.

Hindi nalang ako sumagot sa sinabi ng tatay ko dahil ayokong masira ang maganda kong gabi.

"At tsaka sino yung lalaking naghatid sayo? Mukhang mayaman ah? Ano binabayaran kaba nya ng maayos?" walang tigil niyang sabi sabay halakhak pa.

Calm down Gale. Wag kang magpaapekto sa hayop na yan.

"Manang mana ka nga talaga sa nanay mo. Malandi!" sabi nya sabay bato ng bote ng alak na hawak nya, napatalon ako sa gulat

"Pwede ba dad? Kapag May problema kay kay mom wag mo na kong idamay," naiirita kong sabi. Agad kong pinagsisihan na sinabi ko ito nang bigla s'yang tumayo na gumegewang gewang pa papunta sa direksyon ko.

"Aba't sumasagot ka ng bata ka ah! 'Yan ba natutunan mo sa mga malalandi mo ring kaibigan?!" sabi nya, agad na uminit ang ulo ko.

"Wag mo ng idamay ang mga kaibigan ko dito dad," galit kong sabi, tumawa sya.

"Ang sabihin mo malandi ka lang! Parang yung nanay mo!" sigaw n'ya habang dinuduro pa ako.

"Hindi si mom ang may problema kung bakit sya umalis dito. Ikaw iyon, stop blaming her!" punong puno ng galit na sigaw ko, bigla syang napatigil. Pati ako ay napapikit dahil sa sinabi ko. Bago pa ako muling makagalaw dahil sa gulat ay bigla kong naramdaman ang malakas na pagdampi ng kamay niya sa pisngi ko.

Natulala ako sa kinatatayuan ko dahil sa ginawa niya. I opened my mouth to speak but no words came out. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa mata ko.

"Huwag na huwag mo akong pagsasalitaan ng ganyan! Walang modo at utang na loob!" sigaw nya, umiling nalang ako bago tumakbo papunta sa aking kwarto.

Narinig ko ang malakas n'yang pagsigaw at pagdadabog sa baba. Mas bumilis na nagsilabasan ang mga luha ko. Agad agad akong pumunta sa harap ng salamin sa loob kwarto ko uoang tignan ang mukha ko.

My dark brown eyes looked so broken and tired. My face is already covered with tears. And It's like the palm of my father's hand is printed on my cheeks. Sobrang pula nito at sa tingin ko ay magiging pasa pa ito mamaya. My dark brown hair is a mess. And my small nose is already puffy with tears.

Agad agad kong kinuha ang isang box ng tissue na nakalagay sa ilalim ng kama ko at dahan dahang pinunasan ang mukha ko.

Tonight is both beautiful and ugly. I was supposed to be having fun just like any other normal people at my age, pero my night is completely ruined because of my father. I just want to have a good night. Gusto ko lang naman maranasan magging masaya, ngunit kahit anong gawin ko laging nauuwi ang aking ngiti sa mga luha.

I'll Give You the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon