Chapter 9: What's our status?

84 24 0
                                    

They say that love is forever
Your forever is all that I need
Please stay as long as you need

-James Dean and Audrey Hepburn by Sleping with Sirens

Gale's POV

Zayne and I are finally okay. Bumalik na ang dati sa lahat. Maliban nalang sa mga matang lagi kaming sinusundan tuwing kami'y magkasama. It's been two days since the presentation happened pero pakiramdam ko ay kahapon lang ito.

Ngunit, kahit na bumalik na sa dati ang pagsasama naming dalawa, hindi ko parin alam kung anong meroon sa amin. Sa ibang salita, wala kaming label.

I remember what I told him in his car.

Walang tayo Zayne.

Until now, wala pa ring pagbabago. Wala pa ring kami. But we act like merong kami. And I don't know if that's a good thing or not.

"A penny for your thoughts?" biglang tanong sa akin ni Zayne na nakaupo sa tabi ko. We are sitting under the big tree here in the campus' garden. Break time naming dalawa at kasalukuyan akong nag-aaral para sa exam ko mamaya.

"Nothing." Pagtatanggi ko bago ipinagpatuloy ang pagbabasa ng notes ko.

Huminga ako ng malalim bago ko s'ya sinulyapan sa gilid ng mata ko.

~~

Uwian na namin ngayon at kasalukuyan kaming naglalakad ni Zayne sa hallway habang magkahawak ang kamay. A lot of people are staring at us but I learned to get used to it. Noong una, binibitawan ko pa nga yung kamay ni Zayne kasi ang awkward lang, but he will eventually grab it anyway. Kaya sa huli, wala na akong magawa. Luckily, nasanay na ako sa ganitong set-up kaya dumating na sa point na hindi ko nalang pinapansin ang mga mata sa paligid ko.

"Hatid na kita sa trabaho mo," sabi sa akin ni Zayne nang makarating na kami sa parking lot, tumungo ako.

Tahimik s'yang nagmaneho papunta sa coffee shopo na pinag t-trabahuhan ko. Parang baliw nga tong si Zayne dahil naging hobby niya na ang magmaneho ng isa lang ang gamit na kamay. Pano ba naman eh yung isa niyang kamay eh nakahawak sa kamay ko! ilang beses ko na siya sinaway pero mukhang hindi siya marunong makinig. At ayoko rin naman ng magreklamo. I can't deny that I love the feeling of his hands on mine.

"Sunduin nalang kita mamaya," ani n'ya nang makababa na kami sa kotse niya. Nasa tapat na namin ung coffeee shop na pinag t-trabahunan ko. I nod at him. He kissed my forehead softly before he finally get inside his car and leave.

Nang nakapasok na ako sa loob ng coffee shop ay nakatingin sa akin ng malagkit si Cris.

"Kayo na ba?" bigla niyang tanong na nagpatigil sa akin. Katabi niya si kuya Jay na halatang kating kati na malaman ang isasagot ko.

Kami na nga ba?

"Hindi ko alam," I said with a shrug. Mukhang na dismaya si Cris.

"Naku mahirap yan. Walang label? Yung parang kayo pero hindi? Goodluck," ani niya sa akin bago ipinagpatuloy ang paggawa niyang kape, napailing nalang ako.

"Wow, parang may pinanghuhugutan yan ah," natatawang sabi ni kuya Jay kaya naman tinabunan siya ng masamang tingin ni Cris bago nagsimula yung away nila.

Huminga nalang ako ng malalim bago pumunta sa cr para magbihis ng uniform ko habang iniisip kung yung sinabi sa akin ni Cris.

~~

I'll Give You the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon