Gale's POV
Today is our final exam. Madami ng estudyante sa campus kahit na mamayang 8 pa yung start nito. Almost all of them are reviewing at isa na ako doon. Nandito ako ngayon sa library kasama si Candice. Sinadya talaga naming maaga pumasok para hindi kami maubusan ng upuan dito.
Tahimik kaming nag-aaral para sa exam nang biglang nag vibrate yung phone ko. Nang tignan ko ito ay bumungad sa akin ang pangalan na Flynn na nag send sa akin ng message. Napangisi ako dahil dito bago ko ito basahin.
Good luck with your exam today, aral muna tayong mabuti I'll see you later.
Lumawak ang ngisi ako nang mabasa ko ito. Nakita ko si Candice na umirap sa akin.
"Psst, mamaya na yang landian, mag review kana muna," naiirita n'ya sabi, natawa ako ng mahina.
"Bakit bitter?" pang-aasar ko sakan'ya, binato niya sa akin ang isa niyang scratch paper. Buti nalang ay agad akong nakailag kaya naman nahulog ito sa sahig at agad ko nalang itong pinulot.
Matapos nun ay agad na kaming bumalik sa pag-aaral hanggang sa marinig namain na mag ring ang bell. Agad kaming tumayo at nagsimulang maglakad patungo sa classroom namin. Magkaiba kami ng room ni Candice kaya naman agad din kaming nagpaalam sa isa't-isa.
"Goodluck teh, wag mo masyadong galilingan," pagbibiro n'ya. Nag make face ako sakaniya.
"Ikaw din," ani ko. Naghiwalay na kami at pumasok na ako sa classroom ko.
The exam was not really that hard for me kasi nag review ako ng maayos. Medyo confident naman ako sa mga sagot ko kaya naman natapos ko kaagad ito at ipinasa sa prof na nagbabantay sa amin.
Pagkalabas ko ng room ko ay nagulat ako nang makita ko si Zayne na nakaabang sa labas ng room namin.
"Kanina ka pa dito?" namamangha kong tanong sakaniya habang naglalakad patungo sa kinatatayuan niya.
"Hindi naman, how's your exam?" tanong niya bago niya hawakan ang kanang kamay ko.
"It was fine. Ikaw?"
"Fine too," ani n'ya, napangiti ako.
Magkahawak kamay kaming naglakad papalayo sa classroom ko. Nang makalabas na kami ng campus ay naglakad kami papunta sa kotse niya.
"So, saan tayo pupunta?"
He looked down at me before giving me a smirk. "The usual place," ani niya kaya naman bigla ako nakaramdam ng excitement. Matagal tagal na rin kasi since pumunta kami doon kaya naman hindi ko maipagkakaila na miss ko na yung lugar na yun.
Kaya pumasok na agad ako sa kotse niya. Nang makapasok na s'ya sa loob ay agad niyang kinuha ang kaliwang kamay ko at inilagay ito sa binti niya bago ito hinawakan ng mahigpit. Napatingin ako sakaniya nang gawin niya iyon. Hindi ko mapigilan ang pag-angat ng gilid ng labi ko bago ako agad na tumingin sa bintana. Tahimik kong pinagmasdan ang kalsada habang pinapaandar ni Zayne ang kotse niya.
It feels like nothing has changed at all. Suddenly, I am back in those days when everything was.....normal. The sky is as clear as the ocean, the wind blows on my face, and the smell of trees enters my nostrils. Maliwanag ang paligid, at kitang kita ko ang daan na tinatahak namin ngayon. After what happened at the party, pakiramdam ko ay unti-unti ng bumabalik sa dati ang lahat. Zayne and I are always together, at nakikita ko ang unti-unting pag recover ni Candice. Pakiramdam ko unti-unti akong nakakawala sa bangungot ko. And the fact that I was able to kiss Zayne that night makes a huge difference. I feel like I can be myself again after what happened. And for the first time since then, I began to have hope.
BINABASA MO ANG
I'll Give You the Universe
RomanceGale's life is a complete tragedy. Her mother left her when she was a child and now she's stuck living with her abusive father-Dylan. Love is never easy for her until she met a guy named Zayne with his enchanting iridescent eyes. Heartbreak and trau...