Chapter 15: Second Encounter

52 11 0
                                    

Gale's POV

"Good morning." Agad akong napatigil sa kinatatayuan ko. Kasalukuyan akong nakatingin sa mga libro na nakalagay sa bookshelf sa kwartong ito nang marinig ko ang boses na 'yon.

Napalunok ako bago bumaling sakaniya. Agad n'ya akong nginitian. Tulad ng receptionist dito, maganda rin siya. She has short wavy blonde hair and grey eyes. She's wearing a white long sleeve polo partnered with black pants and a pink slipper na may nakalagay pa na hello kitty na design.

"Does it look distracting to you?" bigla niyang tanong sa akin nang mapansin niya ang pagtingin ko sa slippers niya.

Umiling ako kaya agad s'yang tumungo.

Maganda at payapa rin ang loob ng kwarto na ito. May dalawang leather na sofa ang nakalagay katabi ng malaking bintana na kung saan tanaw na tanaw ang labas. Meron ding mga bookshelf na nakasabit sa dingding na punong puno ng mga libro tungkol sa philosophy, psychology, and history. Kanina pa ako naglilibot sa kwarto na ito nang wala pa siya. At nang tumingin ako ang paligid ko ay nakita ko ang isang bukas na pinto kung saan nandoon yung CR. 

Ahh.

"You can seat there, dear,"  malumanay na sabi niya sa akin habang nakaturo sa isang leather sofa. Napakagat ako ng labi bago naglakad patungo doon.

Nang makaupo na ako ay umupo na rin siya sa harap ko. Nakita ko na may hawak na siyang lapis at notebook.

"Ikaw si Gale right? Gale Rivera?" tanong niya habang nakatingin sa notebook na hawak niya, tumungo ako.

"I'm Jessy." Pagpapakilala niya sa akin bago inabot ang kaniyang kanang kamay upang makipagkamayan sa'kin. I hesitately reached out to grab it.

"Ang bata mo pa pala, you look eighteen? or seventeen?"

"Nineteen po," ani ko.

"So, what brings you here?" tanong niya habang nakatingin sa mga mata ko.

Napalunok ako bago sumagot "Um, actually pinilit lang ako ni Tita Rosie." 
Nakita ko ang recognition sa mga mata niya nang  binanggit ko si Tita Rosie.

"Ah si Rosie. Sobrang bait na tao nun," nakangiti niyang sabi, tumungo ako. I can totally agree to that.

"So, bakit ka niya pinilit?"

"She thinks that I need help."

"How do you feel about that?" Bigla akong napalunok sa tanong n'ya. Nagdalawang isip ako kung sasabihin ko ba sakan'ya yung totoo o hindi.

Come on Gale, she will help you.

Napabuntong hininga ako ng malalim bago tumingin sa mga mausisa niyang mata at nagsalita.

"Sa tingin ko masyado siyang nag-aalala sa....akin. I told the doctor that I started hearing voices that no one seems to hear after.....what happened to me. Because of that, she started to be so worried kahit na hindi na ganlon kalala yung nararanasan ko ngayon, unlike....before." Pagpapaliwanag ko. Tumungo siya habang nagsusulat sa notebook niya.

Ano kaya sinusulat niya?

"Ano bang 'yong nangyari?" tanong niya na ikinatigil ko. Agad akong nakaramdam ng kaba sa dibdib ko. 

"I-It's a long story."

"I have a lot of time to kill," ani niya. I pursed my lips before heaving a sigh.

It's the first time that someone asked me about what happened. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Nang makita niya ang pagdadalawang isip sa mga mata ko ay sumandal siya sa upuan niya bago tumingin sa akin ng maigi. Her eyes soften and she gave me an encouraging smile.

I'll Give You the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon