1 year later
Gale's POV
Huminga ako ng malalim at muling pinagmasdan ang malaking gusali sa harap ko.Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at natagpuan ko nalang ang sarili ko sa lugar na ito. Maybe it's because I am hoping that I can silence the grief that sings in my heart. Or maybe it's because deep inside, I've always wanted to see him.
Kung ano man ang dahilan ko, hindi na ito mahalaga. Dahil hindi na ako maaring maka-atras.
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata bago ako tuluyang naglakad patungo sa loob ng gusali sa harap ko.
Puro kulay itim, abo, at puti ang sumasalubong sa aking mata kahit saang direksyon ako tumingin. I've never been inside a jail in my entire life. Hindi ko alam kung akong aasahan kong makita sa loob. Pagkapasok na pagkapasok ko palang ay agad na bumungad sa akin ang malayong ingay na nangagaling sa dulo. I pursed my lips before walking towards the man sitting in a chair in the middle of the room. He looked my direction before raising his right brow.
Huminga ako ng malalim bago ako nagsalita.
"I'm here to visit Dylan Rivera."
~~
Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. They told to wait here in this room that looks like a dining area while they fetch my dad. May mahabang lamesa sa aking harap kung saan may nakalagay din na ikang upuan. The air here is humid and hot, which certainly didn't help in my situation. Nakakailang lunok na ako ng laway ko dahil sa kaba. Pakiramdam ko tuloy ay tuyong tuyo na ang aking lalamunan.
I should've not went here.
Umiling ako at muling bumuntong hininga. No, I want go here...I need to go here.
Ilang taon na rin ang lumipas simula nang mangyari ang bangungot na iyon sa buhay ko. Ngunit, kahit ma ang dami ng nangyari simula noon, ang lakas parin ng epekto nito sa akin.
But unlike before, I am no longer afraid to see him. In fact, I realized that I've been wanting to see him. Gusto ko malaman kung ano na ang nangyari sa kaniya. Gusto ko malaman kung nagsisisi ba siya. Gusto kong malaman kung kaya ko ba siyang mapatawad.Agad akong napaupo ng maayos nang maaninag ko ang ilang pulis na naglalakad patungo sa direksyon ko. Agad akong napatigil nang makita ko ang lalaki sa kanilang gitna.
Dad.
Huminga ako ng malalim habang hindi inaalis ang tingin ko sakaniya. It feels like I'm seeing a ghost. Sobrang laki ng pinagbago niya. Ang haba na ng kaniyang buhok at sobrang kapal na rin ng balbas niya sa mukha. I almost didn't recognize him if it wasn't for his raven black eyes. Nakatuon ang kaniyang tingin sa sahig at nakaposas din ang kaniyang kamay. Nang tumigil na sila sa tapat ng lamesa kung saan ako nakaupo ay dahan dahan niyang itinaas ang kaniyang ulo.
Napasinghap ako nang magtama ang aming mga mata. Kitang kita ko ang gulat sa kaniyang mukha. He opened his mouth as if to speak, but no words came out.
"You have 1 hour, sit down," walang emosyong sabi ng isang pulis sa tabi niya, bago siya ginabayan sa pag-upo sa harap ko.
"Hi dad," I managed to say after a minute of silence.
Tuluyan ng umalis ang ilang pulis na nagpunta sakaniya dito. I thought that I'll be afraid that, but I was shocked that I am not.
BINABASA MO ANG
I'll Give You the Universe
Любовные романыGale's life is a complete tragedy. Her mother left her when she was a child and now she's stuck living with her abusive father-Dylan. Love is never easy for her until she met a guy named Zayne with his enchanting iridescent eyes. Heartbreak and trau...