Chapter 39: Daylight

23 3 0
                                    

I don't wanna look at anything else now that I saw you
I don't wanna think of anything else now that I thought of you
I've been sleepin' so long in a twenty-year dark night
And now I see daylight, I only see daylight

-Daylight by Taylor Swift

Gale's POV

"You know that I can do that," pang-limang beses ko ng sabi sa matigas na ulo na si Zayne na kasalukuyang naghuhugas ngayon ng pinggan na pinagkainan namin.

"I'm fine," pagpupumilit niya kaya naman napabuntong hininga ako.

2 weeks had already passed since Zayne's surgery and ever since then, lagi akong nasa tabi niya para tulungan siyang gumaling. On the first day after the surgery, hindi niya magawang magsalita ng maayos o kumilos man lang. There's still a lot of machines na nakapalibot sa kaniya. However, on the 3rd day, he managed to walk, and eventually on the 5th-day kaya na niyang gumalaw ng walang umaalalay sakaniya.

Hindi ko alam na ganoon pala ang nagagawa ng surgery sa isang tao. But then I remember na puso niya nga pala yung na surgery which explains why he can barely move on the first day. Naalala ko yung lesson namin dati tungkol sa circulation of blood eme kaya naman kahit papaano ay may alam ako. And besides, after the surgery, I surfed the internet for the information about his recovery kahit na sinabihan na ako ng doctor. I just feel like it was still not enough. At alam ko na maaring naiirita na siya sa akin ngayon kasi napaka paranoid at overprotective ko sa kaniya to the point na ayaw ko siyang nakikitang kumikilos sa bahay. Let alone to wash the dishes which he is doing now kaya naman naiirita ako. Pero masisisi niya ba ako? I just care for him.

"Fine, pagkatapos mo diyan we need to go to the hospital for your check-up huh?" pagpapaalala ko sakaniya bago tuluyang umalis sa kusina at pumunta sa kwarto ko.

Zayne is currently staying at my house. Simula nang matapos ang operasyon niya ay lagi na kaming magkasama. I had a lot of fun spending time with him. We watched movies together, eat together, and sleep together. I've never felt any safer when I'm in his arms. Parang gusto ko na nga lang siyang patirahin dito eh.

Pumasok na muna ako sa walk in closet ko para maghanap ng damit na isusuot ko. Nang makakuha na ako ng damit ay pumunta na ako sa cr para maligo. Maya maya pa lamang ay natapos na ako maligo kaya naman lumabas na ako sa banyo para magbihis. Pagkalabas ko ay nagulat ako nang makita ko si Zayne na nakatayo sa labas ng banyo habang nakatuwalya lang.

"Nakakagulat ka!" sigaw ko sakaniya habang hawak hawak ang dibdib ko, natawa siya.

Dahil nakatuwalya lang siya ay kitang kita ko ang maskulado niyang katawan. Sinubukan kong pigilan ang sarili ko na titigan siya at ang napaka ganda niyang katawan kaya naman napalunok ako bago ako tumingin sa ibang direksyon.

"Sorry, maliligo lang ako," sabi niya bago ako tinignan mula ulo hanggang paa. Nakatuwalya lang ako dahil iniwan ko sa kama ko ang damit na susuotin ko, napatingin ako sa kanya at napataas ang kilay ko.

"Excuse me," sabi ko, napaubo siya bago umalis sa harap ko upang makalakad ako patungo sa kama ko.

"Maligo ka na muna, Zayne. Malapit na mag alas dos," sabi ko kaya naman narinig ko na ang pagsarado ng pinto sa cr.

Napabuntong hininga ako bago ako nagsimulang magbihis nang makapasok na siya sa cr.

Pagkatapos ko magbihis ay nagsimula na akong magsuklay. Maya maya pa lamang, habang nagsusuklay ako ay nagulat ako nang makita ko siyang lumabas sa cr nang walang tuwalya sa katawan niya. Dahil bagong ligo lang siya ay may mga tubig pa na tumutulo sa katawan at buhok niya. Napasinghap ako habang nakatingin sakaniya. Patay malisya lang siyang dumaan sa likod ko para pumunta sa drawer kung saan nakalagay ang mga damit niya.

I'll Give You the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon