Chapter 34: Together

27 4 0
                                    

Don't complicate it,
Don't let the past dictate
Yeah,
I have been patient, but slowly I'm losing faith

-I Know You by Skylar Grey

Gale's POV

I don't really know anything about Coronary Heart Disease. Hindi naman ako doctor, that's why I have no idea kung anong sakit ang nararanasan ngayon ni Zayne.

Dalawang araw na ang lumipas simula ng sinugod siya dito sa hospital. Eversince then, ako lagi ang nagbabantay sakaniya.

At ngayon, umaga na at maari na daw siyang makauwi. The doctor suggests a lot of things that Zayne must do to maintain a good health katulad nalang ng sports, exercise, at pagkain ng mga masusustansiyang pagkain. Sabi rin nito na dapat niyang iwasan ang stress.

"Tara na?" Tanong ko kay Zayne. Tumungo siya.

Sabay kaming naglakad papaalis sa kwartong iyon na magkahawak ang kamay. Nauna ng umalis ang mga bandmates niya at ako nalang ang natira dito.

We walked towards the exit of the hospital hanggang sa makarating kami sa kotse ko. Umuwi kasi ako saglit kahapon sa bahay para kunin ito. Pumasok na ako sa loob at nagtaka ako ng makita ko na nandoon lang siya sa labas na tila ba ayaw pang pumasok sa loob. Binuksan ko ang kabilang pintuan ng kotse ko at kunot noo ko siyang tinignan.

"What's wrong?" I asked.

Tinignan niya ako ng malungkot bago umiling at bumuntong hininga.

Maya maya pa lamang ay pumasok na siya sa loob ng kotse ko. Hindi siya makatingin sa mga mata ko at nakita ko rin ang pag-igting ng panga niya. Huminga ako ng malalim bago ko hawakan ang mukha niya at pinaharap sa direksyon ko.

"Tell me what's on your mind," bulong ko sakaniya.

Napalunok siya bago ako tinignan sa mga mata. Huminga siya ng malalim bago magsalita.

"Every night, I always remember how I put your life in danger." Bulong niya habang nakatingin sa aking mga mata. Napatigil ako sa kinauupuan ko. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya ito.

There's a hint of extreme sadness and guilt in his iridescent eyes.

"It's in the past now, Zayne. Alam ko na hindi mo yun ginusto." Nakangiti kong bulong sakaniya. Huminga siya ng malalim at iniwas ang tingin sa akin.

Agad kong naramdaman ang pagkirot ng puso ko.

We've been through a lot. Masyado ng madaming sakit ang naranasan namin bago kami umabot dito. At ngayon, sisiguraduhin ko na walang kahit anong sakit, tao, o bagay ang makakasira sa amin.

.....before it's too late.

Agad akong napalunok nang bigla kong marinig ang pamilyar na boses na ito sa utak ako.

"We're in this together, okay? No more secrets." Bulong ko sakaniya matapos ang ilang minutong katahimkan.

Nilapit ko ang mukha ko sakaniya bago ko siya dahan dahang hinalikan sa noo.

"Okay." Bulong niya sa akin.

Napangiti ako bago ako lumayo sakaniya. At nanatili ang ngiti na iyon habang nagmamaneho ako.

~~

Nung tinanong ko si Zayne kung gusto niya ba na ihatid ko siya sa condo niya ang sabi niya sa akin ay gusto niya pumunta sa bahay ko, kaya naman ngayon ay nandito na kami sa loob.

"Where's Tita?" Tanong niya habang inililibot ang mata sa loob.

"Hindi siya sumama sa akin pauwi." Sabi ko bago ko sinarado yung pinto at pumunta sa kusina. Narinig ko ang pagsunod niya sa akin.

I'll Give You the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon