Gale's POV
Nagising ako dahil sa liwanag na nanggagaling sa bintana dito sa loob ng kwarto naming dalawa ni Zayne. Hinarang ko ang kamay ko sa liwanag bago ko kinusot kusot ang mga mata ko. Humihikab pa ako nang tumalikod ako—expecting to see Zayne laying beside me, pero wala na siya.
Kumunot ang noo ko bago ako umupo at niyakap ang kumot sa katawan ko. I squint my eyes as the light from the window touches my face before finally getting up. I hold tight to the blanket that serves as my only clothing, before shielding the whole room from the blinding light of the sun by pulling down the curtains.
Huminga ako ng malalim at tinignan ang sahig kung saan nakalagay ang damit ko na nakakalat. Napangiti ako nang maalala ko ang nangyari kagabi. Dinampot ko ang damit ko at nagsimulang magbihis bago bumaba.
Pagkababa ko ay agad kong naamoy ang pagkain na nanggagaling sa kusina. Narinig ko rin ang ingay na nanggagaling dito, at pagpunta ko sa loob ay napangiti ako nang makita ko si Zayne na nagluluto ng almusal.
He's only wearing an apron and a boxer. His hair is scattered over his head and I can see his muscles flexing as he moves around the kitchen.
"Good morning," bulong ko, habang naglalakad sa direksyon niya. Once I'm beside him, binigyan siya ng halik sa pisngi.
"Good morning," ika niya habang hindi inaalis ang tingin sa sinangag na niluluto niya.
Umupo na agad ako sa kitchen tool at pinagmasdan siyang magluto. Hindi ko alam kung bakit pero naaaliw ako tignan siyang magluto. Aside from the fact that I have a full view of his butt and muscled back while he's cooking, I just find it amusing how he seems so skilled in what he's doing.
Maya maya pa lamang ay natapos na siyang magluto. Naghain narin siya para sa aming dalawa, at tahimik kaming kumain. This is probably one of my most favorite moments with him. Ito ang first-time namin kumain sa loob ng bahay na ito, that's why everything about this moment is precious.
"I need to go out. Mag p-perform kami sa isang feast." bigla niyang sabi. Napatigil ako sa pagkain at napatingin sakaniya.
"Really?" I said, trying to mask the disappointment in my voice.
Tumungo siya bago lunukin ang kinakain niya, at punasan ang kaniyang bibig.
"Yes, but don't worry, babalik naman ako agad," sabi niya habang nakatingin sa aking mata
Tumungo ako at ipinagpatuloy ang pagkain ko.
It's already Saturday and usually, we spend this day together. Pero may mga panahon na umaalis siya dahil may concert, gig, or performance sila. Don't get me wrong, I've got nothing against what he's doing, it's just that I wanted to be with him for a while. And recently, masyado na kaming naging busy sa work kaya sa gabi nalang kami nagsasama, at minsan ay hindi pa ito natutuloy dahil sa mga lakad niya.
Napatingala ako nang maramdaman ko ang pagpatong ng kamay ni Zayne sa kamay ko.
"Don't worry, I'll be back at night, I promise," bulong niya habang mahigpit na hawak hawak ang kamay ko.
Napangiti ako at tumungo sakaniya.
Pagkatapos nito ay tahimik namng inubos ang pagkain namin. Nang tuluyan na kaming matapos ay ako na ang naghugas ng pinggan dahil mag-aasikaso na si Zayne para sa lakad niya. Matapos kong maghugas ay nasa labas na ako habang pinagmamasdan si Zayne na pumasok sa kotse niya, at nagmaneho patungo sa pupuntahan niya.
Buti nalamang ay malawak ang gubat na ito kaya naman kaya ng kotse na makapasok dito. Napabuntong hininga ako nang tuluyan na siyang makaalis bago ako pumasok sa loob. Tahimik akong umakyat ako at napagdesisyunan na tumambay sa veranda kung saan tanaw tanaw ang langit at buong lungsod sa kabila.
BINABASA MO ANG
I'll Give You the Universe
RomanceGale's life is a complete tragedy. Her mother left her when she was a child and now she's stuck living with her abusive father-Dylan. Love is never easy for her until she met a guy named Zayne with his enchanting iridescent eyes. Heartbreak and trau...