From the heat of night to the break of day
I'll keep you safe and hold you forever
And the sparks will fly, they will never fade
'Cause every day gets better and better
-Over and Over Again by Nathan Sykes ft. Ariana Grande1 year later
Gale's POV
"Gale, check this out," biglang sabi sa akin ni Abigail habang may hawak hawak na diyaryo.
Napalayo ako sa desk ko at inabot yung dyaryo na inaalok niya sa akin. Kumunot agad ang noo ko nang makita ko ang nakalagay sa headlines nito.
Zayne and the US Actress Savannah Seen Together.
Savannah is here? I did not expect that.
Nakalagay sa diyaryo ang picture kung saan nakuhanan sila na magkasama na nagalakad sa isang mall na parang nag-uusap. They look happy and beautiful together. Kung hindi ko muling naka-usap si Savannah noong nasa US pa ako, I'll probably get jealous. Pero ngayon, habang binabasa ko ang diyaryo na ito ay wala akong naramdaman na kahit anong selos.
Umubo ako at tinignan ang nag-aaalang si Abigail bago magsalita.
"Kilala ko yung babae na yan. Magkaibigan lang sila," sabi ko, napataas ang kaniyang kilay bago niya kinuha sa akin ang dyaryo na hawak ko.
"I heard that a lot. Kaibigan daw tapos biglang grr!" nanggigigil na sabi niya sa akin, mahina akong natawa.
"Parang may pinanghuhugutan ka ah," natatawa kong sabi, napairap nalang siya sa akin bago bumalik sa desk niya.
Bumuntong hininga ako bago ko muling sinimulan ang trabaho ko.
It's been 1 year since Zayne's surgery. Ever since then, tuluyan na siyang gumaling sa sakit niya. His heart disease was completely gone, and I can never be happier because of that. Syempre, hindi naman siya gagaling kung hindi siya nag pursigi na gumaling. His recovery process took a lot of time, patience, and effort. Andami naming na missed out sa trabaho, at sa buhay ng mga kaibigan namin dahil lang sa pag p-pokus sa pagpapagaling niya. Nevertheless, it doesn't felt like we missed out on anything at all.
We had fun and we learned more about each other. At hanggang ngayon, sa bahay ko parin siya nakatira kahit na maayos na ang pakiramdam niya. Dahil dito ay minsan natatawag ko na ang bahay na iyon ng bahay naming dalawa.
It was all so perfect for me.
Except for one thing.
Until now, hindi parin siya nag p-propose sa akin.
Alam ko naman na sinabi ko sakaniya na hindi mahalaga sa akin ang pagpapakasal as long as makasama ko siya ng matagal. Pero, habang tumutagal ay hindi ko maiwasang isipin kung ano ang pakiramdam nito. We've been together for more than a year at nasa tamang edad naman na kami.
Napabuntong hininga ako bago ako umiling ang nagpokus sa trabaho ko.
Lumipas ang ilang oras ng hindi ko namamalayan. Nagulat nalang ako nang matagpuan ko na maari na pala akong makauwi. I walked outside the building hanggang sa makarating ako sa parking lot kung saan nakalagay ang kotse ko.
Pumasok ako sa loob at nagsimulang magmaneho patungo sa bahay namin. Nang makarating na ako dito ay agad akong napangiti nang makita ko ang kotse ni Zayne na nakalagay sa labas ng bahay namin.
After his recovery, Zayne finally overcame his guilt and fear in driving kaya ngayon ay nakakapag maneho na ulit siya ng mag-isa.
Nakangiti akong lumabas sa kotse, at nagsimulang maglakad patungo sa loob ng bahay. Nang makarating ako sa salas ay narinig ko kaagad ang ingay ng pagluluto niya sa kusina. Mas lumawak ang ngiti ako dahil dito. Agad agad akong pumasok sa kusina at niyakap mula sa likod ang abala sa pagluluto na si Zayne.
BINABASA MO ANG
I'll Give You the Universe
RomanceGale's life is a complete tragedy. Her mother left her when she was a child and now she's stuck living with her abusive father-Dylan. Love is never easy for her until she met a guy named Zayne with his enchanting iridescent eyes. Heartbreak and trau...