Chapter 31: Scars

48 5 0
                                    

Gale's POV

Surprisingly, Zayne agreed on having this interview. Nag send ako ng message sakaniya kahapon gamit yung number niya dati, and I'm more than surprise to find out that he still has the same number dahil nag reply siya. Hanggang ngayon ay hindi ko parin maialis ang gulat na naramdaman ko nang makita ko ang pangalan niya sa cellphone ko.

Flynn.

Hindi ko alam na darating ang araw na makakaramdam ako ng kirot sa puso ko tuwing nakikita ko ang pangalan na ito.

When I asked him kung san siya pwedeng ma-interview, he said that I can go to his condo at 4 pm.

Kaya naman ngayon ay nasa loob ako ng kotse ko, still complementing whether if I should continue this or not. I can't believe na ito pa yung magiging dahilan ng pag-uusap namin malipas ang isang taon. I thought he's gonna refuse just like what he always did before, but I was wrong. I don't know what changed his mind this time.

He texted me the location kaya naman alam ko na kaagad kung saan ako pupunta. When I looked at my watch it says that it's already 3:30 pm. I sighed heavily as I stared at my reflection in my car's mirror for 100 times. Hindi ako mapakali at ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

I'm wearing a navy blue long sleeve blouse, white pants, and heels. Nakalugay lang din yung buhok ko dahil hindi ko alam kung anong pwede kong gawin dito. Hindi ko alam kung ilang beses ko na ito pinaglalaruan dahil sa kaba na nararamdaman ko.

Get a grip, Gale. This is just an interview.

Huminga ako ng malalim at mariing ipinikit ang mga mata ko, bago ko sinimulan magmaneho patungo sa condo niya. My heart was beating frantically against my chest. Ramdam na ramdam ko rin ang pagtulo ng pawis ko sa kamay at noo ko.

I was surprised that I was able to reach my destination in one peace. Pamiramdam ko kasi ay mahihimatay na ako sa sobrang nerbyos ko habang nagmamaneho ako. Huminga ako ng malalim bago ako nagmaneho papasok.

Bakit sa condo pa kasi?

Mukhang exclusive tong condo na ito at mahikpit rin yung security nila. Nang sinabi ko ang pangalan ko sa mga guards ay pinapasok na nila agad ako. Nag park na ako sa garage bago ako tuluyang naglakad patungo sa loob.

Pinigilan ko ang sarili ko na tumgungaga nang makapasok na ako sa loob. I've never been in this kind of place before. Madalas ay nakikita ko lang ang mga ganitong lugar sa mga movies, but I never imagined how it feels to be in it. Kahit saan ako tumingin ay puro magagarang furnitures at magagandang mga paintings lang ang nakikita ko. The whole room was painted in silver and gold. Habang naglalakad ako sa loob ay hindi ko maiwasang mamangha sa mga nakikita ko.

Maya maya pa lamang ay nakarating na ako sa elevator. Sabi niya ay nasa 6rd floor daw yung unit niya kaya naman pinindot ko ang numero na ito at tahimik na naghintay sa loob. Magisa ang ako sa elevator at habang umaandar ito ay nararamdaman ko rin ang mabilis na pagtibok ng puso ko. I did my breathing exercise para mapakalma ko yung sarili ko hanggang sa  makarating na ako sa 6th floor.

Room 405

I walked on the hallways hanggang sa mahanap ko na yung room number na iyon. Napalunok ako nang makarating na ako sa harap ko ng kwarto na ito. I immediately grab my phone to check the time at halos mabitawan ko na ito nang makita ko na 4:30 na.

Shit. So much for being professional, Gale!

I sighed heavily before pressing the doorbell. It only took a minute for him to open it, and when he does I can feel the air slowly leaving my lungs. Ngayon ko lang ulit natagpuan ang sarili na ganito kalapit sa kaniya. Suddenly, I began to hear the deafening sound of my heart beating againts my chest. Muntik ko na ngang hindi marinig ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Zayne dahil dito.

I'll Give You the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon