Chapter 32: The Fall

31 10 0
                                    


Kakalimutan ko narin
Mga sinabi mong wala palang ibig sabihin
Pati narin ang 'yong ngiti
At mga luha sa 'yong paghikbi
Ito na.

-Sa Hindi Pag-alala by Munimuni


Gale's POV

"So how are you?" Bungad na tanong sa akin ni mom na ka videocall ko ngayon.

Nandito ako sa kwarto ko. Sunday ngayon kaya naman wala akong trabaho. It's been 5 days since I've interviewed Zayne pero para bang isang araw lang ang lumipas simula ng nangyari ito. I didn't tell anyone about it, maliban nalang kay Abigail since alam niya na boyfriend ko si Zayne, dati. She kept on asking me kung kami pa rin ba and even I didn't know the answer since kahit closure ay wala kami.

"Ayos lang." Walang gana kong sabi sakaniya. Tinitigan niya ako ng maigi at kumunot ang noo niya.

"Talaga lang ah? Eh nakausap mo na ba si Zayne?" Tanong niya na ikinatigil ko. Napabuntong hininga ako at nag-aalala siyang tumingin sa akin.

"Oo."

"How did it go?" Nag-aalala niyang tanong sa akin. Mariin kong naipikit ang mga mata ko.

"I-It didn't end up well." Nauutal kong sabi. Nakita ko na ang lungkot sa kaniyang mga mata.

"You can tell me everything, anak." She whispered to me kaya naman malungkot akong ngumiti sa kaniya and for the first time ever since I left Zayne's condo, a single tear went down my cheek.

~~

Pagkatapos kong kausapin si mama ay napagdesisyunan ko nalang na manood ng movie sa laptop ko.

Payapa akong nanonood nang biglang nag ring yung cellphone ko. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang isang unknown number na tumatawag sa akin. Tinitigan ko muna ito ng ilang minuto bago ko ito sinagot.

"Sino to?"

"Gale! This is Cris! From the coffee shop, naalala mo pa ba ako?!"

Agad kong nailayo sa tenga ko yung cellphone ko dahil ang lakas ng boses niya. Agad na nagbago ang pakiramdam ko nang marinig ko ang boses niya.

"Of course I remember you! Gosh miss na kita! Kamusta kana?!" Excited kong sabi sakaniya kaya naman narinig ko ang pagtawa niya.

"I'm fine! I've heard na nakauwi ka na daw? Is that true?"

"Yes, nandito na ako sa Pinas." Nakangiti kong sabi.

"That's good! Let's hang out! Wala ka namang trabaho ngayon no?"

"Game! San ba?"

~~

"I can't believe na ikaw na yan, Gale!" Bungad na sabi sa akin ni Cris nang magkita kami sa tapat ng isang coffee shop.

Agad agad ko siyang niyakap ng mahigpit nang makita ko siya. Naglakad lang ako papunta dito dahil malapit lang naman ito sa bahay namin.

"Grabe sobrang na miss kita." Sabi ko nang makalayo na ako sakaniya.

"Me too, Gale. Me too. Hindi ako makapaniwala na nasa harapan na kita!" She said excitedly na ikinangiti ko.

"Tara na sa loob! Madami pa tayong pag-uusapan." She said before pulling me inside the coffee shop.

I'll Give You the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon