Chapter 36: Attack

35 5 0
                                    

Gale's POV

Ilang araw na ang lumipas simula nang makita ko yung mukha ko sa diyaryo. Luckily, mukhang nakalimutan na ng mga tao ang pangyayri na iyon kaya hindi na ako masyadang talk of the town ngayon. 

Nandito ako sa loob ng kwarto ni Shiela at kasama rin dito si Candice. Wala kaming trabaho ngayon, at matagal na rin simula nang nag-bonding kami kaya napag-isipan namin na mag sleep over.

Tahimik kaming nanonood nang biglang magsalita si Shiela.

"So, kayo na ulit?" biglang tanong sa akin ni Shiela.

Nakaupo siya sa kaniyang kama habang kumakain ng titserya.

"Yup," sabi ko, habang hindi inaalis ang mga mata ko sa movie na pinapanood namin.

It's The Fault in Our Stars. I've already read the book at never kong inisip na panuorin yung movie adaption nito, well maliban nalang sa araw na ito. Nagpumilit kasi si Candice dahil gusto niya daw yung nakakaiyak na pelikula kaya wala na kaming choice.

"Ganun ganun lang? Kayo na ulit?" hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Shiela na nakatingin na ngayon sa direksyon ko. Nagkibit balikat ako.

Mukhang hindi niya pa alam ang dahilan ni Zayne kung bakit niya ginawa iyon. Kung sabagay ay wala nga pala siya sa hospital mangyari ang lahat ng iyon.

"Tanungin mo si Candice," walang emosyon kong sabi. I heard Candice groan.

Nakaupo siya sa sahig habang busy sa panonood.

"Maya na," inis niyang sabi, napabuntong hininga nalang si Shiela.

"Ang boring naman niyan, jusko. As if it's not obvious that she's gonna die," naiirita niyang sabi. Agad na tumaas ang kilay ko.

That's what I thought first when I read the book.

"Panuorin mo nalang ng malaman mo kung tama ka," nakangisi kong sabi bago ko muling ibinaling ang atensiyon ko sa pinapanood ko.

Maya maya pa lamang, nang nasa part na kami kung saan binabasa na ni Hazel yung eulogy niya kay Augustus, ay narinig ko nalang ang paghikbi ni Shiela sa kama niya.

"Kala ko ba boring?" pang-aasar sakaniya ni Candice. Natawa ako ng mahina.

"Shut up," bulong sa kaniya ni Shiela habang hindi inaalis ang kaniyang mata sa tv. Natawa na rin si Candice.

Nang matapos na yung pinapanood namin, sirang sira na ang mga make-up ng dalawa kong kasama dahil sa pag-iyak. Buti nalang at hindi ako mahilig sa make-up kaya medyo maayos pa ang mukha ko ngayon. 

"So, ano na? Sabihin nyo na sa akin yung nalalaman nyo," sabi sa amin ni Shiela pagkatapos niyang punasan ang kaniyang mukha. Tumingin ako kay Candice at tinunguan siya.

Napalunok siya bago magsalita. 

"You see, boyfriend ko yung pinsan ni Zayne that's why I get to know what's happening to Zayne before Gale does. Sinubukan kong itago yun kasi ayaw ipaalam sainyo ni Zayne na meron siyang heart disease. Something to do with the arteries," pagpapaliwanag niya na nagpatigil si Shiela.

"Nalaman lang yun ni Gale nung inatake si Zayne habang nag p-perform sa bar." pagpapatuloy niya.

Napalunok ako bago ako napatingin sa ibang direksyon.

Hearing her say it out loud is like receiving a punch in a gut. Tandang tanda ko kung paano ko pinanood si Zayne habang nahihirapan at nasasaktan habang kumakanta siya. It was like a nightmare.

If only I can take away all of his pain

"Omg," gulat na bulong ni Shiela pagkatapos niyang marinig iyon.

I'll Give You the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon