Gale's POV
It's been one week since our final exam kaya naman ngayon ay nakapaskil na sa bulletin board yung results nito. Madaming estudyante ang nasa hallway at nakikipagsiksikan para makita yung nakapaskil sa board. Kakatapos lang ng klase ko kaya agad agad akong pumunta sa mga nagkukumpulang estudyante para makita yung resulta ng exam. Pagkalapit ko doon ay agad akong sinalubong ni Shiela na may malaking ngiti sa labi.
"Congrats. Iba talaga pag may inspirasyon!" sabi n'ya sa'kin bago ako niyakap ng mahigpit. Naguguluhan ko siyang tinignan pagkatapos niya akong yakapin kaya naman tumawa siya.
"You aced your exam, girl. Hindi mo na kailangang makipagsiksikan diyan. I already saw the results," ani niya, nanlaki ang mga mata ko at agad agad na akong nakipagsiksikan hanggang sa makapunta ako sa harap. Halos tumalon ako sa tuwa nang makita ko yung pangalan ko na nakalagay sa pangalawa sa mga naka highest rating sa exam. At nang makita ko kung sino ang nangunguna ay mas lalong lumaki ang ngiti ko.
Zayne Freire.
This guy never failed to amuse me.
"Congrats," biglang bulong ni Zayne sa likod ko, napalingon ako at ngiitian siya.
"Looks like isa ka rin palang nerd," pang-aasar ko, ngumisi siya.
"I can be a lot of things," he said and I can't help but return his grin.
~~
"I can't believe that we're already graduating!" maingay na sabi ni Candice habang nagtatalon talon pa sa salas. It has been weeks since naipakita yung results ng exam kaya naman ngayong araw na ito ay aakyat na kami sa stage para makuha yung diploma namin na nagsasabing we're officially done with college.
"Umayos ka nga, Candice! Masisira make-up mo kakatalon diyan!" Saway sakaniya ni Tita Rosie, natawa ako.
"Anong kinalaman ng pagtalon sa make-up ko, mom?! C'mon, I'm already graduating!" masayang sigaw ni Candice. Napailing si Tita Rosie at nagsimulang maglakad papunta kay Candice upang ayusin yung toga sa ulo niya.
"I'm just so proud of you, girls," maiyak-iyak n'yang sabi bago ibaling ang tingin sa akin, binigyan ko siya ng isang malaking ngiti.
Utang na loob ko sakaniya lahat ng nangyayari sa akin ngayon. Without them, I wouldn't be here. Kahit ako ay hindi parin makapaniwala na g-graduate na ako. I can't believe that I'm only inches away from my dreams. I am so happy at the same time ay malungkot din. Habang tinitignan ko sila ay hindi ko maiwasang makaramdam ng inggit sa puso ko. How I wish that I have the same thing that Candice has. Napaka swerte niya kay Tita Rosie.
Maya maya pa lamang ay naglakad na papunta sa direksyon ko si Tita Rosie, at binigyan ako ng isang mahigpit na yakap kaya naman napatigil ako. Napalunok ako bago ko ibinalik ang yakap n'ya.
"Thank you for everything, Tita," bulong ko, tumungo siya at nginitian ako matapos akong yakapin.
"You're a very brave girl, Gale. And I'm really proud of you," ani n'ya bago ako hinalikan sa noo. Naramdaman ko ang luha na unti unti ng gumigilid sa mata ko. I smiled at her while trying my best not to cry.
Maya maya pa lamang ay lumabas na kami sa bahay. Tumatakbo na si Candice papunta sa kotse na maghahatid sa amin sa lugar kung saan kami g-graduate. Natawa nalang ako sakaniya at napabuntong hininga ng malalim si Tita Rosie bago namin siya sinundan.
I'm just so happy to see her happy.
Pagdating namin sa venue ay madami ng mga estudyante at mga magulang ang nandoon. Hindi pa naman nagsisimula yung ceremony kaya naman pagkababa namin ng kotse ay hinanap na agad ng mga mata ko si Zayne. Habang naglalakad kami papunta sa entrance ay agad kong nakita si Zayne na kausap ang isang lalaki na hindi ko kilala. He seems a bit a older than us at magkahawig sila ni Zayne. He's wearing a casual maroon polo with a blank pants and brown leather shoes. Nag-uusap sila na parang magkaibigan lamang at nagtatawanan din sila. Nang mahagip ako ng mga mata ni Zayne ay bigla siyang napangiti sa direksyon ko. Naglakad na ako papunta sakaniya.
BINABASA MO ANG
I'll Give You the Universe
RomanceGale's life is a complete tragedy. Her mother left her when she was a child and now she's stuck living with her abusive father-Dylan. Love is never easy for her until she met a guy named Zayne with his enchanting iridescent eyes. Heartbreak and trau...