2 years later
Gale's POV
"Gale! Yung baon mo baka maiwan mo!" sigaw mama nang akmang aalis na ako sa bahay. Napakamot ako ng ulo.
"Hindi na ako bata!" naiirita kong sigaw.
"Dalhin mo na kasi, sayang naman pagluto ko sayo nito. Favorite mo pa naman ito," ika niya bago lumapit sa akin habang hawak hawak yung baunan ko at nilagay ito sa bag ko.
"Gosh, late na ako sa work. Bye!" ani ko bago ko hinalikan ang pisngi n'ya at tumakbo papunta sa kotse ko. Pinaandar ko ito ng mabilis patungo sa kompanya na pinagta-trabahuhan ko. Isa na akong journalist ngayon at baguhan pa lang ako sa kompanya na pinagta-trabahuhan ko kaya hindi ako pwedeng ma-late. Pero, dahil kay Zayne ay napuyat ako kagabi kaya ayun late na ako nagising. Nag date pa kasi kami at masyado kaming nag enjoy sa pagkain kaya hindi na namin namalayan yung oras.
Nang maanino ko ang isang pamilyar na building sa aking harap ay agad agad akong nag park ng kotse ko bago nagmamadaling lumabas at tumakbo papasok dito. Pumunta ako sa elevator at pinindot ito sa 3rd floor kung saan matatagpuan ang desk ko.
Pagkadating ko 3rd floor ko ay agad akong tumakbo patungo sa kwarto kung saan ako nagt-trabaho. Agad na bumungad sa akin ang mga ka-trabaho ko na abala sa kaka-type sa mga computer nila. Napuno ang loob ng kwarto na ito ng tunog ng mga keyboard na pinipindot at mga mahihinang bulungan. Habang naglalakad ako papunta sa desk ko ay binati ako ni Abigail na katabi lang sa desk ko.
"Good morning, Gale. Parang hobby mo na ata ma-late ah," pagbibiro niya sa akin. Agad akong napairap dahil dito.
Pagka-upo ko sa ay nagsimula na agad akong mag type sa computer upang tapusin yung article na ginagawa ko. Maya maya pa lamang, habang abala ako kaka-type ay bigla akong tinawag ng boss ko na si Joseph na nakapamewang na sa harap ng office niya.
"Gale Rivera, come here immediately," ani niya, bigla akong kinabahan.
Dahil ba to sa madami kong late?
Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata ni Abigail na nakatingin sa akin, pero hindi ko nalang ito pinansin at agad ng dumiretso sa office ni sir. Nagaalinlangan akong pumasok dito at nagpakawala ng malalim na buntong hininga. His office is not that big, maayos ito at madami ring mga libro ang nakalagay sa mga bookshelf na nakasabit sa dingding. May isang lamesa sa gitna kung saan madaming mga papel na maayos na nakapatong dito, at sa likod nito ay may isang upuan. Sa harap naman ay may nakalagay din na isa pang upuan.
"You can sit down," sabi sa akin ni Sir. Jacob habang nakaturo sa upuan sa harap niya kaya naman agad akong umupo doon. He's not that quite old, maybe around '30s.
"Sir, if this is because of my tardiness I am sorr—" agad kong sabi pagka-upo ko pero pinatahimik niya agad ako kaya naman natikom ko ang bibig ko.
"Silly, it's not about that. Actually, kaya kita pinatawag dito ay dahil nagandahan ako sa mga nagawa mong mga articles about mental health. It was really interesting at maganda siya because this kind of topic is not often present in media," ani n'ya. Nakahinga ako ng maluwag at napangiti sakan'ya.
"Thank you, sir," masayang sabi ko sakaniya. Tumungo s'ya.
"Because of that, I want you to interview Miss Hernandez about her daughter, Samantha. It's supposed to be her, but you heard the news. It was a tough time for her that's why she couldn't handle the media right now;" sabi n'ya, agad na nanlaki ang mga mata ko.
"Miss Hernandez?! As in the famous author?!" hindi makapaniwala tankong ko sakaniya kaya naman ngumiti siya sa akin bago tumungo.
"Yes, Miss Rivera. And do not disappoint me," ani habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.
BINABASA MO ANG
I'll Give You the Universe
RomanceGale's life is a complete tragedy. Her mother left her when she was a child and now she's stuck living with her abusive father-Dylan. Love is never easy for her until she met a guy named Zayne with his enchanting iridescent eyes. Heartbreak and trau...