Gale's POV
Days and months passed like a blur. Hindi ko man lang namalayan na isang taon na pala ang lumipas simula ng umalis ako sa Pinas. At hindi rin ako makapaniwala na tatagal ako dito.
Today's my birthday, at paggising ko pa lang ng umaga ay nakita ko na agad si mama na nasa loob ng kwarto ko habang may hawak hawak na cake.
"Happy Birthday!" Sigaw niya.
Agad akong napangiti nang makita ko ang party hat na suot suot niya sa ulo niya.
"Blow your candles!" Sabi niya. Agad agad akong umupo sa kinahihigaan ko at hinipan ang candles na nasa cake.
25 years old na ako.
"Thank you, mom." Nakangiting sabi ko bago ko siya hinalikan sa pisnge at niyakap ng mahigpit.
Gusto ko pa sana na manatili sa bahay para mag ipagdiwang ang birthday ko kasama si mom, pero may trabaho pa ako ngayon kaya wala akong magagawa kundi ang umalis sa bahay. Pagkatapos ako batiin ni mama, agad agad na akong nagsimula kumilos para sa trabaho ko. Nagpaalam at nanghingi muna ako sakaniya ng pasensiya bago ako tuluyang magsimula maglakad papunta sa trabaho ko.
Habang naglalakad ako papunta sa trabaho ko, biglang nag vibrate yung phone ko kaya agad agad ko itong kunuha mula sa bulsa ko, at tinignan kung sino ang nag message sa akin.
Agad akong napangiti ng maliit nang makita ko ang pangalan ng boss ko dito.
Simula ng matapos ang interview ko kay Savannah, naging malapit na kami sa isa't-isa. Minsan nga ay nakakalimutan ko na na boss ko pa siya. I'm even starting to call him by his first name, Ethan. Dahil dito, nakakatanggap ako ng mga malalagkit na tingin mula sa mga ka-trabaho ko. But I don't mind them at all, Ethan's my friend and nothing more.
I heard that it's your birthday, we should celebrate. Go straight into my office once you're here. I have something for you ;)
Napangiti ako sa message niya at mas dinalian ko ang paglalakad ko papunta sa trabaho ko. This is probably the first time na mag c-celebrate ako ng birthday na hindi kasama sila Candice. Gosh sobrang miss ko na sila!
Nang makarating na ako sa building na pinagta-trabahuhan ko, agad agad akong pumunta sa elevator para makaakyat sa 3rd floor kung saan nakalagay ang office ni Ethan at ang desk ko.
Nang makaakyat na ako, agad akong pumasok sa loob ng kwarto kung saan yung area ko. I went straight into Ethan's office na naging dahilan upang makuha ko ang mga atensyon ng mga ka-trabaho ko.
Huminga ako ng malalim dahil dito.
Nang makapasok na ako ako, agad na sumalubong sa akin si Ethan na nag l-laptop habang humihigop ng kape niya.
"Good morning, sir." Bati ko, kaya napa iling siya. He ever wants to be called sir.
"Good morning, birthday girl. Sit down, I got something for you." Sabi niya na ikinagulat ko.
Sumunod ako sa sinabi niya habang pinagmamasdan siyang may kinukuha na kung ano mula sa ilalim ng table niya. Nang makuha na niya iyon, nakita ko ang isang paper bag na agad niyang inabot sa akin.
"Wow. You know that you really don't have to do this right?" Naiilang na sabi ko sakaniya na ikinatawa niya.
"Come on, open it." Sabi niya. Tinignan ko siya ng maigi bago ko ito binuksan.
Pagkabukas ko nito, agad na lumaki ang mga mata ko nang makita ko ang ilang mga libro na nasa loob ng paper back na ito. Kaya pala mabigat!
"Oh my." Bulong ko sa sarili ko habang isa isa kong nilabas sa paper bag ang complete series ng Shatter Me na isinulat ng favorite kong author na si Tahere Mafi.
BINABASA MO ANG
I'll Give You the Universe
RomansaGale's life is a complete tragedy. Her mother left her when she was a child and now she's stuck living with her abusive father-Dylan. Love is never easy for her until she met a guy named Zayne with his enchanting iridescent eyes. Heartbreak and trau...