Chapter 6: Delusions

86 22 0
                                    

Gale's POV

Tahimik at maingat ako ngayong naglalakad patungo sa bahay namin. It's already 10 pm at hindi na masakit yung paa ko. I guess nakatulong nga yung damo na nilagay ni Zayne dito.

Nang makapasok na ako sa bahay ay laking pasasalamat ko nang makita ko yung tatay ko na nakahilata sa sofa. Mahimbing ang tulog niya at ang katabi niya as usual is alak.

I sighed heavily before walking silently towards my room. Ngunit, bigla akong napatigil nang marinig ko siyang magsalita.

"I love you Paula. Wag mo akong iwan," mahina ngunit may bahid na lungkot niyang bulong sa sarili. He's still sleeping.

I felt a pang in my chest when I heard those painful words. Hindi ito ang unang beses na sinasabi ito ng tatay ko. Madami ngang mga panahon kung saan kinakausap niya yung hangin, pretending that it was my mom.

My heart broke for him. At kahit na ganito yung trato niya sa akin. I just can't stop myself from pitying him.

I closed my eyes before heading towards my room. It was dark and I am alone. Just like how I am always used to.

~~

"Grabe Gale, I never expected that to happen. Akala ko ba may Savannah na siya?!" hindi makapaniwalang sabi sa akin ni Shiela habang kumakain kami ng snack sa bench.

"Ako ren eh."

"Eh ano namang nangyari sa inyo kahapon? Where did you go?" curious n'yang tanong. Napatigil ako bago ko kinuwento sakaniya yung nangyari kahapon.

Nothing much happened actually, nag-usap lang kami and as usual, it was one of the most amazing conversations that I ever had in my life. It was like I was entering a whole new universe with him by my side as we talk and talk about endless things. Bihira lang akong makakilala ng tao na may parehas na interes sa akin. We have a lot in common, that's why we never run out of things to talk about.

"Wow, ang rupok mo naman ahahaha. But I can't blame you," ika n'ya matapos kong mag-kwento sakan'ya. Natawa nalang ako. Hindi naman s'ya mali.

"You should've seen Savannah's face when you and Zayne left. Napaka epic!" natatawa n'yang sabi, napailing ako. I almost forgot about her.

"Gale! Shiela!" rinig kong tawag sa amin ni Candice na kasalukuyang naglalakad patungo sa aming direksyon. Kasama n'ya sina James at Zayne.

Nang mapatingin ako kay Zayne ay agad niya akong kinindatan. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil dito.

"So tell me, what happened between you two?"mapang-asar na tanong ni James, napairap ako sa kawalan. Buti na lamang ay tumunog na yung bell kaya agad agad akong tumayo upang makapunta na sa klase ko.

"Pasalamat ka naligtas ka ngayon babae!" pahabol pa na sigaw ni James, nag-make face ako sakan'ya bago tuluyang umalism

Magkakaiba kami ng klase kaya naman naghiwalay hiwalay na kami. Maliban nalang kay Zayne na sumabay sa akin sa paglakad papunta sa classroom ko.

"Saan room mo?"

"Katabi lang ng room mo." ika niya, agad akong napatigil sa paglalakad.

"Paanong nangyari na hindi kita napapansin dati?" hindi makapaniwalang tanong ko, he just shrug.

Maya maya pa lamang ay naramdaman ko nalang ang kamay niya na nakapulupot na sa kamay ko. Agad na namula ang pisngi ko. I felt something weird flow between our hands. Agad akong napatingin dito. We are walking on the hallway. Ramdam na ramdam ko ang mga mata ng mga estudyante ang nakatingin sa amin. Siguro ay narinig nila ang nangyari kahapon sa program. Ngunit, hindi ko magawang pansinin iyon dahil sa pakiramdam ng kamay ni Zayne sa'kin.

I'll Give You the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon