Gale's POV
"Gale!" Rinig kong sigaw sa akin ni Cris pero dire-diretso parin ako sa pagtakbo patungo sa backstage kung saan nila dinala si Zayne.
Lahat ng tao sa paligid ko ay hindi makapaniwala sa nakita nila. Pati yung mc ay natulala sa nangyari.
I pushed people out of my way hanggang sa makarating na ako backstage. Kahit yung mga staff at security guard na nakaharang ay nalagpasan ko. Nang makarating na ako sa backstage ay nakita ko agad sila James na nagkukumpulan sa loob.
"Asan si Zayne?" Natataranta kong tanong sakanilang lahat. Napatingin sa akin ang mga tao na nasa loob at kumunot ang noo nila.
"Sino ka? why are you here?" Tanong sa akin ng isang member ng banda nila.
Hindi ko nalang siya pinansin at agad agad akong naglakad patungo sakanila. Agad kong nakita si Zayne na nakahiga sa isang sofa na walang malay.
Bigla akong napahinto sa nakita ko. Huminga ako ng malalim bago ko ipinagpatuloy ang paglalakad ko. I almost run towards his direction.
Nang makalapit na ako sakanila ay agad akong hinarang ng isang guard na nandoon.
"Sorry, mam, you need to get out of here." Sabi niya bago hinawakan ang braso ko. Agad akong nagpumiglas sakaniya.
"No, please! I need to see him!"
"Let her. Kilala ko siya." Rinig kong sabi ni James na naglalakad na papunta sa akin kaya naman pinakawalan niya na ako.
"Anong nangyari, James? W-what happened to him?" Nauutal kong tanong sakaniya. Malungkot niya akong tinignan bago siya bumuntong hininga.
"I don't know."
~~
We went straight into the hospital at sa sobrang bilis ng pangyayari ay nakalimutan ko na kasama ko pala si Cris kaya naman naiwan ko siya doon sa bar. I was sitting outside Zayne's room at kasama ko rin lahat ng bandmates niya.
Walang nagsalita na kahit isa sa amin matapos ang pangyayari na iyon. James is sitting beside me while the others are standing at the corner of the walls.
Hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung anong nangyari kay Zayne. The doctor is already checking on him pero hindi parin ako mapakali. Hindi ko parin maialis sa isipan ko ang reaksyon niya habang nakatingin sa kamay niya bago siya nanigas at nawalan ng malay sa harap ko.
"Meron ba sa inyo ang may alam kung ano ang nangyari?" I asked them silently. And again, they didn't answer. Hindi ko alam kunh ilang beses ko na itong tinatanong sakanila.
Huminga ako ng malalim bago inihilamos ang mukha ko.
"It would be better kung si Zayne mismo ang magsabi sayo." James whispered to me. Nagtataka akong tumingin sakaniya.
"Akala ko ba hindi mo alam?" I asked him angrily. Umiling lang siya at umiwas sa akin ng tingin.
It didn't help to calm me at all.
Napatingin ako sa mga bandmates ni Zayne at nakita ko kung paano sila hindi makatingin sa akin. Bumuntong hininga ako bago ako tumayo mula sa pagkakaupo ko.
"You guys are unbelievable!" Malakas kong sabi sakanila bago ako naglakad patungo sa labas ng hospital na ito.
Kanina pa ako nandoon sa loob at pakiramdam ko ay mauubusan ako ng pasensiya at hininga doon. Kaya naman pumunta muna ako sa labas at nagtungo papunta sa may garden kung saan pwede ako makapag-isa.
Nang makapunta na ako doon ay agad akong umupo sa isang upuan na nakita ko. Hinilamos ko sa mukha ko ang kamay ko at huminga ng malalim.
Hindi ko alam kung anong nangyari kay Zayne, I don't know why he suddenly passed out like that. Dahil dito ay hindi ko maiwasang kabahan.
BINABASA MO ANG
I'll Give You the Universe
RomantikGale's life is a complete tragedy. Her mother left her when she was a child and now she's stuck living with her abusive father-Dylan. Love is never easy for her until she met a guy named Zayne with his enchanting iridescent eyes. Heartbreak and trau...