Chapter 11: Symptoms

70 15 0
                                    

All the voices in my head are coming to life
They're getting louder and I'm, I'm terrified
How do you run from your own mind?
Is this what I've become?
Take it back, what have I done?

-Antidote by Faith Marie

Gale's POV

It's been two days since nag-stay ako dito sa bahay nila Candice. So far wala naman akong problema. They are very nice and caring to me. Lagi rin akong pinpuntahan nina Shiela at Zayne.

Ngayong araw ay nagpumilit na ako na pumasok sa school dahil alam ko na madami na akong na missed out. It's hard to keep up with the things that are happening in my life pero ginagawa ko lahat ng makakaya ko upang makabangon. Ano nalang mangyayari sa akin 'pag hindi ako lumaban, diba?

"Tara na, we're gonna be late." Pag-aaya sa akin ni Candice kaya naglakad na ako paalabas ng bahay nila.

Nagpaalam kami kay Tita Rosie bago sumakay sa kotse ni Candice para makapunta school. Hanggang ngayon ay naninibago parin ako sa nangyayari sa akin. Ibang-iba yung atmosphere sa bahay nila Candice sa bahay namin, and Tita Rosie's presence makes me miss my mom.

Kung nandito lang sana siya, sana hindi ganito kahirap ang lahat.

Nagmamaneho si Candice habang ako'y tahimik lang na nakatulala sa bintana. We stayed like that on the whole ride hanggang sa makarating na kami sa school.

Pagkababa ko sa kotse ni Candice ay pinagmasdan ko ang paligid ko. Hindi ko inaakalang mamimiss ko yung school na ito. Huminga ako ng malalim bago ko sinabayan si Candice maglakad papasok sa school. 

"Gale!" sigaw na pagbati sa akin ni Shiela nang magkasalubong kami sa hallway. Madaming estudyante ang tumitingin sa direksiyon ko. Sinubukan ko itong hindi pansinin pero hindi ko maiwasang magambala sa paligid ko ngayon. Naramdaman ko ang biglang pagtaas ng balahibo sa braso ko. Napasinghap ako bago tumingin sa paligid ko.

"Hindi ka na makakatakas pa sa akin,"

Bago ko pa mabati pabalik si Shiela ay napalingon ako sa likod ko nang marinig ko ang pamilyar boses na iyon. Agad kong naramdaman ang mabilis na pag-tibok ng puso ko. Paglingon ko ay wala naman akong nakita dito. Wala rin akong nakitang nakatingin sa direksyon ko. Napahawak ako sa leeg ko at napabuntong hininga.

He's not here, Gale. He's not here.

"Hey, okay ka lang ba? mukha kang nakakita ng multo," biglang tanong ni Candice kaya napapikit ako. Tumungo nalang ako bago tumingin sa harap ko.

Napunta kay Shiela ang atensiyon ko nang bigla niya akong mahigpit na yinakap. Ipinagsawalang bahala ko na lang ang narinig ko at pinagpatuloy ang paglalakad papunta sa klase ko.

Pagpasok ko sa classroom ay agad na napunta lahat sa akin ang mga mata ng nasa loob. Napatigil ako nang makita ko kung paano biglang nagbago ang ekspresiyon ng mukha nila.

"Tumigil ka!"

Agad akong nanigas sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses na iyon. Biglang bumilis ang paghinga ko habang hinahanap ko kung saan nanggaling ang ito. Napatingin ako sa direksiyon ng mga kaklase ko na nakaupo sa loob. Nakita ko silang abala sa pagsusulat sa kanilang notebook at nagawa pa ngang ngumiti sa akin ng isa sa akin doon.

"Hi Gale! buti naman at nakapasok kana," Pagbati ng isa kong kaklase sa akin. Agad na kumunot ang noo ko. Mukha namang hindi niya inaasahan ang reaksiyon ko kaya pinagpatuloy niya nalang ang pagsusulat niya.

I'll Give You the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon