Chapter 14: First Session

52 10 0
                                    

Gale's POV

"Anong nangyayari sa kaniya?"

"Let's just wait for her to wake up."

Kulay itim lang ang nakikita ko habang naririnig ko ang mahihinang boses sa paligid ko. Unti unti kong binuksan ang mga mata ko. Agad na umalubong sa akin ang kulay puting liwanang na nanggagaling sa ilaw sa taas. Bigla akong nakaramdam pagkahilo dahil dito. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko bago ito muling binuksan.

"Gale." 

Banggit ng isang napaka pamilyar na boses sa harap ko. Hindi ko pa tuluyang maaninag ang mukha niya dahil hindi pa nakakapag adjust ang mga mata ko sa liwanag.

"Zayne,"  bulong ko sa sarili ko nang tuluyan ko ng maaninag ang taong nasa harap ko.

Bumungad sa akin ang kaniyang matang punong puno ng pag-aalala na nakatingin sa akin. Pinikit pikit ko ang mata ko at pinagmasdan ang paligid ko. I sighed heavily nang mapagtanto na nasa hospital na naman ako.

Bentang benta na ako sa lugar na ito ah.

Shiela, Candice, and Tita Rosie are inside the room and they are all looking at me. 

"Anong nangyari?" tanong ko, malipas ang ilang minutong katahimikan. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha nila dahil sa tanong ko.

"Nahimatay ka, Gale.....A-After you saw your mother," nauutal na wika sa akin Shiela na ikinatigil ko. Unti-unting bumalik sa akin lahat ng alaala na nangyari sa akin. I winced as I felt the pain in my head.

"Asan na siya?" tanong ko ng walang bahid na emosyon sa boses ko.

"She's outside. Do you want me to get her?" Paga-alok ni Candice, ngunit bago pa ako umiling ay nakita ko na ang biglang pagbukas ng pinto. Napasinghap akonnang makita ko kung sinong pumasok dito. It's mom. Nang makita niya na gising na ako ay agad agad siyang pumunta sa direksyon ko at hinawakan ang pisngi ko. Punong puno ng pag-aalala at lungkot ang kaniyang mukha habang tinititigan ako. I stared at her blankly bago ko iniwas sakaniya yung mukha ko.

Nakita ko kung paano siya nasaktan sa ginawa ko pero hindi ko iyon pinansin. I was so angry at her to feel any pity. Iniwan niya ako pati si dad, at siya rin yung rason kung bakit ginawa sa akin yun ng tatay ko. If she didn't leave, none of these would've happened. It's been years since I last saw her, and right now na nandito na siya, may gana pa siyang hawakan ako as if she just went into a freaking vacation.

"Kelan pa siya nandito?" tanong ko kanila Tita Rosie, without addressing my mother's presence.

Naramdaman ko ang paglayo niya sa akin dahil doon. Nakita ko kung paano nila sinusubukan na hindi pansinin ang tensyon sa pagitan naming dalawa, at kung gaano sila naiilang dahil dito.

Tita Rosie answered me after a minute before heaving a deep sigh. 

"Since your father was.....imprisoned," since he tried to do that to you. Sabi niya kaya agad akong napatingin sa bababeng humawak sa pisngi ko with anger in my eyes.

"H-how could you?" I whispered under my breath. I've never heard my voice this so angry. Nakita ko ang gulat at konsensiya sa kan'yang mga mata bago siya napalunok at tumungo.

"I think that we should leave now," walang emosyon na sabi ni Zayne bago sila umalis sa loob. Maya maya pa lamang ay tuluyan na kaming naiwang dalawa sa loob.

"I'm sorry," bulong niya sa akin habang hindi parin makatingin sa mga mata ko.

"Sorry? Sa tingin mo may magagawa yang sorry mo sa lahat ng nangyari sa akin? Sa amin? Iniwan mo kami mom. Iniwan mo ko," galit na galit na sabi ko sakaniya habang bumabagsak ang luha sa aking mga mata.

I'll Give You the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon